"You came."
Hindi ko nalang pinansin si Davis at nilapag sa bedside table niya ang pagkain at medisina na dala ko.
"Musta?" tanong ko pagkaupo ko sa isang upuan sa gilid. Kinagat ko ang mansanas na kinuha ko mula sa kusina niya.
"Thanks for the visit. But I'm okay now." nakangisi niyang sabi.
Naglakad ako papunta sa kanya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakangisi pa ang gago, akala siguro niya hahalikan ko siya.
Pinisil ko ang balikat niyang may sugat galing sa trabaho namin nung nakaraan. Agad siyang ngumiwi. "Mukha nga." sagot ko at bumalik na sa upuan ko.
"Asshole." asik niya at tumayo para tignan ang dala ko. "Aww. Someone's caring."
"Ulol. Uwi na 'ko."
"Wait!" pigil niya. "Hindi mo man lang papalitan 'tong bandage ko?"
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ka imbaldado. Kaya mo 'yan."
Hinawakan niya ang braso ko nang lalabas na sana ako kaya agad ko siyang sinipa sa bewang dahilan para umaray. "That hurts."
"Huwag mo kasi akong hawakan." sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya.
Itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay. "Okay, okay. But I might need a helping hand when I clean my wound. Help me?" sabi niya na para bang nagpapa-cute.
"Mukha kang tuta." sabi ko at bumalik na sa kwarto niya. Kinuha ko ang binili kong gamot.
"At least, cute."
Inirapan ko nalang siya. "Gwapo ka, hindi cute." sabi ko nalang. "Upo."
Mukhang amused pa siya sa sinabi ko. "So you find me handsome, huh, Black? What, gusto mo na 'ko?" panunukso niya sabay upo ulit sa kama niya.
"'Pag sinabihang gwapo, gusto na agad?" sabi ko at inihanda na ang bandage at betadine. "Hubad."
Tumawa siya habang naghuhubad ng shirt. "Now, you're aggressive. I like that." sabi niya at dinilaan pa ang labi niya.
Agad kong sinuntok ang sugat niya. "Ah, fuck!" bulalas niya at napahiga sa kama.
Mabilis kong umupo sa kama niya at hinawakan ang braso niya. Dumudugo na ang balikat niya na sinuntok ko. Binaklas ko agad ang lumang bandage sa sugat niya.
"You, bitch! That would've been fully healed sa makalawa! Now, it's bleeding. Fuck." daing niya habang nililinisan ko ang sugat niya.
"Kulit mo kasi eh." sabi ko at kinuha ang bandage.
"And you're violent."
Hindi ko nalang siya pinansin at binalot na ang sugat niya ng bandage. Tumahimik naman siya kaya mabilis natapos ang trabaho ko.
Kailangan maayos ang lagay niya. Partner ko siya sa mga misyon kaya hindi pwedeng imbaldado siya. Hindi kompleto ang Blue-eyed Duo kung wala siya. Hassle 'yun sa akin.
"Okay na 'yan." sabi ko sabay tapik sa dibdib niya at tumayo. "Alis na ako."
Papalabas na ako ng pinto niya nang tawagin niya ako. Lumingon ako at tinignan siya.
Ngumiti siya. 'Yung seryosong ngiti. "Thank you, ate Black."
Umismid lang ako at inirapan siya bago lumabas. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa loob ng kwarto niya kaya napangiti rin ako.
××× ×××
"Aalis ka na talaga?" tanong ni Tonyo habang nag-iimpake ako ng gamit ko.
Matagal na akong niyayaya ni Davis na tumira nalang sa apartment niya at ngayon lang ako nakapagdesisyon. At dahil kami lage ang magkasama sa mga misyon, mas madali sa amin 'pag magkasama kami. Na-realize ko rin na ayoko na dito sa tinutuluyan ko at napapalapit na si Tonyo sa akin. At delikado 'yun para sa kanya.
YOU ARE READING
I Love You At Your Darkest
AksiSome say good girls fall for bad boys. But it was the other way around. He was not a bad boy. She was the bad one. Well, from everyone's perspective, she was. However, from his perspective, she was an angel with black wings. A pure soul tainted by...