Chapter XVI: Cute

4 1 0
                                    

"Black Cruz?"



Kumunot ang noo ko nang magsalita ang lalaking bumukas ng pinto. May nakasilip pang mukhang unggoy mula sa balikat niya.


"Black cross? Saan banda?" tanong ng unggoy.


Hindi naman siguro ako nagkamali ng unit na kinatok, 'di ba? At bakit kilala niya ako? Agad akong umatras at hinanda ang sarili ko.


"Kiel." Teka, pamilyar ang boses na 'yun ah.


"Bro, Black's here." sabi ng lalaking matangkad pero patpat na nagbukas kanina ng pinto habang nakatingin sa likod niya.


"Luh. Black Cruz pangalan niya?" tanong naman ng lalaking siopao na mukhang unggoy. Teka, pamilyar 'tong mukhang 'to. Pamilyar...


Umatras ang dalawa papasok ng unit at lumantad ang namumulang mukha ni Levi.


Shit. Bakit.... Bakit ang cute niya?


Ano, Black?! Cute?? Namumula ang pisngi at magulo lang buhok, cute na agad? 'Di ba cute kapag maliit gaya ng kuting at tuta? Eh ang laking tao niyan!


Ugh!


"Black? What are you doing here? Wait—You're the one Lucy sent to pick me up?"


I mentally slapped my face para magising. Tulog pa ata kaluluwa ko eh. Kung ano-anong nakikita at naiisip. "Opo, sir. Naghihintay na po ang sasakyan sa baba." Pinilit kong magtunog magalang.


"Woah! Ano mo siya, Levi?" tanong ni unggoy. Naalala ko na. Si Toto Moritte. Naging ka-block ko siya nung first sem, third year. Minsan ko lang siya nakikita pero tanda ko ang puting kalbo na 'to.


"I didn't know you're already associated with her, Levi." sabi naman ng matangkad habang nakatingin sa akin.


"She is Lucy's bodyguard." pakilala niya at humarap sa akin. "Kiel knows you because of the same reason."



Tumaas ang kilay ko sa kanya. Mukhang alam na agad ni Levi kung anong nasa isip ko. Hmmmm.. Tinignan ko ang lalaki at sinuri gamit ang malamig kong tingin. Nakangisi ito at nagpapa-cute pa, kala niya siguro ang gwapo niya, patpat naman.


Hindi ako nagsalita at tinignan lang sila.


"Hindi mo ba ako ipapakilala kay Ms. Beautiful, Levi?" sabi nung unggoy at humarap sa akin para makipag-kamay. "I'm Tony Tomas Moritte. Toto for short, at your service, Ms. Beautiful!" masigla nitong pakilala.


Hindi niya siguro maalalang naging kaklase niya ako noon. Sabagay.. Minsan lang din naman ako pumapasok.


Walang emosyon ko lang siyang tinignan. Ayokong makipagkilala sa kahit na sino. Alam na nila ang pangalan ko. Sapat na 'yun para obserbahan ko sila.

I Love You At Your DarkestWhere stories live. Discover now