Chapter V: Trabaho

2 0 0
                                    

"You're late, Ms. Cruz."

Hindi ko nalang pinansin si Ma'am at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Danny.

"Antagal mo naman kasi." bulong niya pagkaupo ko bago bumalik sa pagsasagot.

Agad akong kumuha ng papel mula sa bag ko at naglabas na rin ng ballpen. Tumingin ako sa harap para sana kopyahin ang nakaflash sa screen ng smart tv pero galit na mukha ni ma'am Borja ang nakita ko.

"Sa harap ka umupo." mataray na sabi niya at nakakrus pa ang mga braso sa dibdib. Akala niya yata mangongopya ako kay Danny.

Hindi nalang ako umangal dahil sayang lang sa oras. 20mins late na kasi ako, buti pinaupo niya parin ako.

Mabilis kong sinagutan ang quiz. Madali lang kasi nabasa ko 'to kanina.

"Pass your papers." rinig kong sabi ni maam saktong-sakto nang natapos kong i-review ang sagot ko.

Agad akong tumayo at ipinasa ang papel. Tumaas ang kilay ni ma'am dahil ako pala ang unang natapos.

"Kami ho ba magche-check, ma'am, o kayo?" magalang na tanong ko. Kasi kung siya, pwede na naman siguro umalis.

"Bigay niyo sa akin then ako magdi-distribute ng checheckan niyo." sabi niya lang at kinuha na ang papel ko. Tinignan niya 'yun at mas lalong kumunot ang noo niya. "Pass your papers! Finished or not finished!" sigaw niya.

Nagsitayuan agad ang mga kaklase ko para magpasa. Agad naman akong bumalik sa sulok kung nasaan ang upuan ko at si Danny.

"Nasagutan mo lahat?" tanong sa akin ni Danny.

Tumango lang ako at tinignan siya. Napakamot lang siya sa ulo. "May dalawa akong hindi naintindihan. Sayang nga eh."

"Okay lang 'yan." sagot ko nalang sa kanya at ngumiti lang siya.

Pagkatapos naming i-check 'yung mga papel ay ibinalik na namin sa may-ari. Kinuha ko naman ang akin at tinignan ang papel ko bago itinago.

"Perfect na naman. Lodi." natatawang sabi ni Danny.

"Tumahimik ka nga." saway ko sa kanya.

Nagsimula ng magtawag si ma'am ng apilyedo para sa scores/attendance narin.

"Carmen."

"38, ma'am.

"Good job. Cortes."

"34, ma'am!"

"Cruz."

"38." sagot ko.

Agad na napatingin sa akin si Danny. "Hoy, perfect kaya sa'yo!" malakas na sabi niya kaya napatingin ulit si ma'am.

Nahagip ng mata ko ang nag-check ng papel ko na nakakunot rin ang noo habang nakatingin sa akin.

"Ano ba talaga, Ms. Cruz?"

"40 po ang kanya, ma'am. Ako po ang nag-check."

Hindi nalang ako nagsalita. Tinignan lang ako ng matalim ni ma'am at tinignan ko naman siya ng malamig.

"Bakit 38 sinabi mo kanina?" usisa agad ni Danny pagkalabas namin.

Nagkibit-balikat nalang ako. Ayoko ng palakihin ang isyu.

"Joseph." matigas na tawag ko sa nag-check ng papel ko.

Natigilan ito kaya naglakad ako papalapit sa kanya.

"Huwag mo ng uulitin 'yun."

"H-ha? Ang alin?" naguguluhan niyang tanong.

"Kung anong sinabi ko, 'yun ang sundin mo." matigas kong sabi.

I Love You At Your DarkestWhere stories live. Discover now