Chapter XVIII: Unwanted Kindness

4 0 0
                                    

"Sir Levi."


Huminto sa paglalakad si Levi at lumingon nang tawagin ko siya. Napahinto rin ang mga kasama niya at tumingin sa akin. 'Yung si Toto at Kiel nakangisi at may nanunuksong tingin kay Levi. 'Yung babae naman nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. 'Yung maputlang lalaki, parang wala lang na nakatingin.


Pumasok ako sa university. Wala namang quiz at exam. Si Davis at Sita ulit ang nagbabantay kay Lucy. Pumunta lang talaga ako dito para makausap 'tong lalaking surpresang nakatitig sa akin ngayon.


"Hi, Black!" bati ni Toto at kumaway pa.


"Yo, Black." sabi naman nung si Kiel.


"Black?" medyo nanlalaki ang mga mata ni Levi na nakatingin sa akin. Tumikhim siya at bumalik sa normal ang mukha niya bago ngumiti.


"Mag-usap tayo." seryoso kong sabi.


Kumunot ng bahagya ang noo niya. "About what?"


"Black? As in si Black Cruz?"


Napatingin agad ako sa babae nang marinig ko ang pangalan ko. Napaatras siya ng konti at kumapit sa braso nung lalaking maputla.


"Oh, sorry." sabi ni Levi at tumingin sa mga kaibigan niya. "Guys, this is Black. She's.. uhm, a friend."


"Bodyguard ako ni Lucy." pagkaklaro ko. Kailan ko pa siya naging kaibigan?


Ngumiti si Levi at pinakilala ang mga kasama niya. "Black, this is Toto and Kiel, you've already met them. And that guy over there is Dashiel, and beside him, that's Meina."


Tinignan ko sila isa isa. Lahat sila may itsura at halatang matatalino maliban kay Toto na palagi lang nakabungisngis. Sila 'yung grupo ng estudyante na napapalingon ang ibang estudyante kapag dumaan sila. Hindi naman sila mukhang grupo ng mga bully kahit sikat at mayayaman sila base sa nalaman ko tungkol sa kanila. Mukha naman silang mababait. Napapatingin lang talaga ang mga dumadaang estudyante dahil para silang 'yung tinatawag na 'squad goals', ika nga nila. Pero hindi naman batayan ang itsura para malaman ang ugali. Hindi natin alam, baka nasa loob lang pala ang kulo nila.


"Hello. Bodyguard ka pala? Ang cool naman." nakangiting sabi nung si Meina. Mukha siyang model. Matangkad at maganda.


Pagkatapos ko silang tignan ay bumaling ulit ako kay Levi. Wala naman akong planong kilalanin o kaibiganin sila. "Mag-usap tayo." ulit ko sa kanya.


"Oh-kay.. Let's go, guys. Let's just wait at the cafeteria. Come on." sabi ni Kiel at tumingin kay Levi, "Sunod ka nalang." bago umalis kasama ang mga kaibigan nila.


Nauna akong maglakad at pumunta sa isang sulok na wala masyadong tao. Naramdaman ko naman na sumunod siya kaya tahimik akong naglakad.


Napapatingin ang ibang estudyante sa amin. Sino ba naman ang hindi. Nakapasok akong naka-itim lahat ng damit at nakasunod sa akin si Mr. Perfect nila. Humahagikhik pa ang ilang babaeng tumitingin kay Levi. Hindi ko nalang pinansin.

I Love You At Your DarkestWhere stories live. Discover now