"It's so easy to think and to talk about love. But it's not always easy to recognize love even we hold it in our hands."
Chapter 7
Wednesday.
Okay na daw si Inang. Pwede nang lumabas kaya absent ngayon si Emmie. Mamaya pa naman ang klase namin kaya nakatambay lang muna kami ni Bettina sa apartment.
"ANO 'TO BEKI?" Isang malakas at punung-puno ng energy na tanong ni Bettina.
Bago ko pa silipin kung anong nakita nya sa phone ko, inunahan na nya akong iharap ito sa mukha ko.
Namula ako at nangiti sa nakita ko.
Nabasa nya 'yung text conversation namin ni Brian.
"Wala 'yan." Inaagaw ko 'yung phone ko sa kanya pero mabilis nyang natago 'yun. "Akin na kasi yan! Wala 'yan!"
"Bakit kayo magkatext?"
"Masama ba? We're friends!"
"Friends? I don't trust that 'friends' beki."
"Naman eh!" Suko na 'ko. Hindi nya 'yun ibibigay kapag hindi ako nagkwento.
"Nagkatext lang kami kasi sabi nya gusto nyang maging komportable kami sa isa't-isa. Para walang ilangan sa rehearsal." Alam kong hindi nya tatanggapin 'yung explanation na 'yun.
"Alam mo bang hindi nagbibigay ng number sa kahit na kanino yang si Romeo?"
"Hindi naman nya binigay beki. Kinuha nya 'yung akin."
"Aahhhh!" Sabay hampas sa'kin. "Beki sure na 'yan! Bet na bet ka nyan! Ahhhhhh!" Isa pang hampas. Aray ha!
"Akin na 'yung phone ko." Inilapad ko ang kamay ko para kunin 'yung phone.
"Bakit?" Ang kulit talaga ni Bettina.
"Basta!" Hinihila ko na 'yung palda nya para ibigay sa'kin. Wa epek!
"Bakit muna?"
"Baka nagreply!" At pagkatapos ng pag-amin kong may katumbas na hampas nya, ibinigay na rin nya sa'kin ang phone ko. Salamat!
Pagtingin ko sa phone ko, may message nga galing kay Brian. Nakisilip naman si Bettina sa phone ko. Binuksan ko na lang 'yun baka kasi isipin nyang may kung ano sa'min eh.
Text to: Kaye
Wala. Namiss kita bigla! Sayang walang rehearsal.
"Friends pala ha!" Pang-aasar ni Bettina sa'kin. Namula ako sa hiya sa kanya at sa nabasa ko. "Replyan natin!" Hinablot na lang basta ni Bettina 'yung phone ko.
"Hoy! Anong sasabihin mo?" Kinakabahan ako sa irereply ni Bettina.
Nagtype sya pero hindi nya pinapakita sa'kin. Kainis 'tong babaeong 'to. Phone ko ba 'yun!
Ang laki ng ngiti ng best friend kong 'to. Nakaka-curious kung anong tinext nya.
"Ayan oh! Hintayin mo reply." Naka-ngiti sya na parang nakakaloko. Tiningnan ko yung conversation pero yung last text ni Brian ang nabasa ko. Asar! Dinelete nya!
"ANONG SINABI MO BEKI!" Hindi ako galit. Tumaas lang talaga yung boses ko kasi kinakabahan ako sa sinabi ng babaeng 'to kay Brian.

BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Teen Fiction"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...