"I really want to be close to you. Close enough that in time, I'll just look into your eyes and without saying anything, you know I'm saying something like: Stay with me until forever ends!"
Chapter 1
"Eh ano ba talagang type mo sa isang lalaki, Kaye?" tanong sa'kin ng girl friend kong si Bettina.
"Ang gusto ko, yung simple lang. Hindi gwapo, hindi rin naman pangit. Sakto lang. Basta faithful saka understanding. Syempre matino, yung walang bisyo. Tapos, gusto ko maalaga at mabait." Sagot ko sa kanya in a way na mukha na talaga akong nagde-daydream.
"Alam mo para kang si Anne Curtis." Itong si Bettina mahilig talaga sa pick-up lines.
"Bakit?" Ang automatic na sagot sa isang pick-up line.
"Kasi ambisyosa ka!" Ouch! Akala ko pa naman kasingganda ko.
"Hahaha! Wit ka beki! Watech ganyang jowa no!" Sabat naman ng gay friend namin na si Emmie. (Emmie sa gabi, Emilio sa umaga. Haha. Napaka-creative ng magulang nya sa pangalang yun. Wala pa ngang Republika ng Pilipinas, uso na ang pangalan nya. Akalain mong may magpapangalan pa ng ganun sa anak nila Haha. Mean ko!)
"Meron yan!" Tanggi ko. Syempre, naniniwala akong may ganyang lalaki.
"Meron nga siguro beki pero rare yang mga ganyang lalaki. Kumbaga endangered species." Sabi ni Bettina. Siguro nga pero basta naniniwala akong merong ganyan. In time, I will meet him.
"Bekiiiiiiiiii!" sabay kurot sa braso ko si Emmie.
"Aray!!!!" 'tong baklang 'to! Ang sakit ha! Grabe lang maka-kurot parang walang bukas. Wawa naman ako. Papasa ata 'to sa sobrang sakit mangurot ng baklang 'to.
Lumingon si Bettina sa kung saanman nakatingin si Emmie. Ako, nakatingin lang sa balat kong namumula sa kurot ni bakla. "Oh-em! Bekiii.. Padaan 'yung crush namiiiinnn." Nagpapapalo na sa table si Bettina. Feeling ko kung katabi ko rin sya, makukurot din ako eh.
"Sino ba?" Ka-curious naman kung sino 'yun. 'Yung dahilan ng kurot na 'to. Sakit talaga!
May dumaang dalawang lalaki sa may likuran ni Bettina. Naka-upo kasi kami sa canteen. Ako at si Emmie ang magkatabi at nakaharap sa daan. Si Bettina naman naka-upo sa tapat namin at nakatalikod sa daan.
Dalawang matangkad na lalaki. Yung isa may nakasaksak na earphone sa tenga at may hawak na ipod. Yung isa naman naka-cap na color red. Naka-side view sila parehas at hindi ko naman nakita 'yung mukha nila. Hindi ko nga masabing gwapo sila kahit naka-side view.
Kitang-kita kong kagat-labi si Bettina at Emmie habang dumadaan 'yung dalawa.
"Ang gwapo di'ba?" Tanong ni Bettina na halata mong kilig na kilig. Aba malay ko ba, hindi ko nga nakita ng harapan eh.
"Trulaley bekiiii. Yummy!" Hay nako! Hindi talaga ako maka-relate.
"Shet. Grabe! Wahhh! Ang gwapo talaga ni Cho!" Cho? Cho ang pangalan? Ang pangit ha!
"Oo nga beki, bet na bet!" Kukurutin na naman sana ako ni bakla buti na lang nakaiwas ako.
"Cho ang pangalan nya?" Tanong ko.
"Hindi. Code name lang 'yun." sagot ni Bettina
"Oo nga, Cho short for chopopo!" Proud na proud na sinabi ni Emmie
BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Novela Juvenil"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...