"If you love me only in my dreams, let me be asleep forever."
Chapter 11
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Brian sa loob ng isang dance studio. Ibang studio ito kung ikukumpara sa dance studio sa school.
"Ano bang ginagawa dito?"
"Su-ma-sayaw..." Nakaharap ako sa salamin ng studio habang lumapit si Brian sa cd player at nagpatugtog. Tumabi sya sa'kin at humarap sa salamin tapos sumayaw kami. Hindi ko alam kung san nanggaling yung mga steps. Sumayaw na lang ako kasabay ng pagsayaw nya.
[CLICK THE VIDEO TO THE RIGHT TO WATCH THE DANCE. I do not own the video as well as the steps. This is to give you a clear image on what the dance will look like.]
Nakakatuwang hindi ko man lang maalala kung kelan kami nag-rehearse sa sayaw na 'to. Basta na lang kasing lumabas. Sumabay na lang ako sa tugtog at sa galaw nya.
Nagtawanan kami pagkatapos dahil pati sya hindi alam kung pano nangyari 'yun.
Biglang naging seryoso si Brian. "Kaye, may sasabihin sana ako sa'yo eh..."
"Ano yun?" Nakititig ako sa mga mata nya. Kinakabahan. Sasabihin na ba nya?
PAAAAAAAAKKKKK!!!!!!!!!
May hinampas na unan sa mukha ko at nagising ako sa isang magandang panaginip!
"Tapos na ang recital nung Saturday pa oh! Tama na ang pangangarap kay Romeo! Oh Romeo! Move on 'te! Move on!" Umagang-umaga nanggugulo itong si Emmie sa apartment namin ni Bettina. Kaasar! "Bangon na beks! may 30 minutes ka pa para maligo dahil male-late na tayo oh! 8:00 na! 8:30 ang time!"
"Ay goodluck sa 30 minutes!" Sabat ni Bettina na naka-uniform na. Himalang nauna sa'king magising 'to! Hindi man lang ako ginising eh!
Pagkatapos ng 20 minutes sa banyo at pagmamadaling magbihis, pumasok na ulit ako sa kwarto. Nagtatawanan sina Emmie at Bettina. Ang saya lang nila eh!
Hindi pa maayos ang buhok ko pero kaya na 'to habang naglalakad sa kalye pa-school. "Tara na! Late na tayo!"
Nagtawanan lang sila.
"Hindi ba kayo papasok?"
"Hindi!" Sabay nilang sagot.
"Sayang effort ko! Tara na!"
"Sige pumasok ka mas sayang effort mo! Wala si Sir. Absent!"
Hindi pa END OF THE WORLD pero gusto atang maramdaman ng dalawang ito ang final judgment!
Sapok! Palo! Hampas! Ganti! World War III!
Pero pagkatapos, tawanan, kulitan at halakhakan na ulit.
Ganito kaming magkakaibigan, wagas magmahalan.
Give me highs, give me lows,Give me thorns with my rose I want everything When you laugh, when you cry,If you're sober or high,I want everything.....
"Ano yun?" Tanong ko kay Bettina at Emmie
"Tawag?" Nagpalit na nga pala ulit kami ni pinsan ng phone. Pinaltan nya pala yung payphone ko ng ano 'tong kantang 'to?
"H-hello?" Prank call? Okay!
After ng 1:00- 2:30 class, tumambay muna kami sa canteen para kumain. Sina Emmie at Bettina ang umorder at umupo na lang ako.
"Kaye" Nagulat ako. May tao na pala sa tabi ko. Hindi ko agad na-realize na si..
"Brian. Limot mo na ko agad?" Instant blush on.
"Hi-Hindi. Ano ka ba! Nagulat lang ako." Sabay kagat sya sa burger nya.
"Istorbo kami?" Dumating na sina Emmie at Bettina na may tray na dala. Umorder sila ng spaghetti para sa'ming tatlo.
"Hindi. Sige lang, pa-share ako ha?"
"Share? T-ice ang peg mo 'te?" Ako ang sinasabihan ni Bettina.
"Shunga!"
"Sabi ko nga istorbo kami. Emilio move!" Utos ni Bettina
"Ditey na girl, wit akels ma Luz Valdez sa lola mo." (Dito na lang girl, ayokong matalo kay Kaye)
"Debbie Gibbson na. Moveeeee!!!!" (Ibigay mo na. Moveeeee!!!!)
Awkward moment!
Bakit ba kasi lumipat pa 'yung dalawa.
"Ba't di ka nakain? Ayaw mo?" Ubos na yung burger nya. Ang bilis!
"Gusto ko." Ang awkward nung susubo ka tapos nakatingin sya. Maria Clara tuloy ang peg ko.
Natawa sya sa'kin. "Gusto mo ng ice cream?"
"Okay lang."
"Kamusta na kayo nung boyfriend mo?"
"Sinong boyfriend?"
"Yung nagbigay sayo ng bouquet."
"Ahh, pinsan ko yun."
"Pinsan?! Shit!"
"Oo, bakit?"
"Haha! Wala! Ano, ice cream?"
"Okay nga lang."
"Ayaw mo?"
"Okay nga lang."
"Ano ba 'yung okay? Gusto o ayaw?"
"Pwedeng both."
"Wag na nga. Ayaw mo ata."
"Sige na. Gusto ko." Tapos tumayo na sya. Mukha naman kasing gusto nya nung ice cream dinamay pa ko.
Bumalik sya na may dalawang sundae. "May class pa ko eh, kita na lang."
"Salamat!" Tapos umalis na sya.
"Ansabi ng ice cream?" Ang bilis chumismis ng dalawa kong friends.
"May bibig 'te? Nagsasalita?" Ako naman ang mananaltik, HAHA!
Hindi naman nagsasalita yung ice cream pero may sinasabi nga sya.
12:00 Tomorrow; Pizza Hut
See you there!
-B
Nagulat ako nung mabasa ko 'to na nakasulat sa tissue ng binigay nyang ice cream sa'kin. Hindi ko na lang pinakita sa best friends ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
=======
A/N:
Since mag-UD daw, then here it is!
Hey! Don't miss that video at the right. I worked hard to find them and glad to see that they were perfect on the scene. I instantly became they're fan. \m/
Quite short? Haha! Babawi ako sa Chappy 12, 13 and 14!
Hit Vote and Comment :D

BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Fiksi Remaja"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...