Chapter 9: Stressful Nights

58 4 2
                                    

"In the arithmetic of love, one plus one equals everything. Two minus one equals nothing"

Chapter 9

"Pagod na ko! Gusto ko ng matulog!" Monday. 9 o'clock na at nagrereklamo na si Bettina. Since sa Saturday na ang rehearsal, gabi-gabi na kaming magrerehearse. Sacrifice nga sa oras, pagod at effort.

"May long quiz pa bukas mga beks! Haggard ever ng bonggang bonggang boom boom boom boom!" Sabi ni Emmie habang nagstretching.

"Julieeeeeeeet!" Sigaw ni Sir Jun. Tinatawag na nya ko para sa last scene. Ang Romeo's death scene.

"Kung maka-sigaw ang bakla!" Mahinang bulong ni Emmie sa'ming dalawa ni Bettina habang papatayo na 'ko.

"Bakla ka rin naman. Keri?" Banat ni Bettina kay Emmie

Ilang performance pa ang dapat naming ma-perfect ni Brian. Alam na namin ang steps kailangan lang ma-polish nang mabuti. Sa tingin ko hindi naman 'yung steps namin ang dapat ma-polish kundi 'yung kaba ko sa tuwing magkakaron kami ni Brian ng body contact at mararamdaman ko ang body heat nya sabay mapapatingin pa sa mga mata at labi nya. Hindi ko 'to dapat nararamdaman pero hindi ko mapigilan eh.

Tuesday. Polishing! Hindi ko alam kung hanggang friday na 'tong polishing na 'to. Nasasawa na ko sa steps namin pero hindi pa rin nasasawa ang dibdib ko sa kaba kapag sweet at intimate na ang sayaw namin ni Brian.

"Bakit kinakabahan ka pa? Gusto mo ulit mag-Mcdo?" Tanong ni Brian bago kami magsimula ng magrehearse

"Hindi. Malapit na kasi 'yung recital. Natatakot akong magkamali." Totoo 'yun hindi ko na lang sinabi 'yung isa ko pang dahilan.

Wednesday. Polishing and blocking sa stage! Sa theater stage ng school namin gaganapin ang dance recital kaya para masanay na kami, dito na ang rehearsal simula ngayon. Nakapagpahingga naman kami ng konti dahil by sequence na ang pagrerehearse.

"Romeo! Juliet! Kayo na! On cue, pasok na kayo!" Instruction ni Sir Jun.

"In FIVE, SIX- "Ay natalisod pa nga ako! Buti na lang hawak ni Brian 'yung kamay ko.

"Ingat kasi" Naka-ngiti lang sya. Pinagtatawanan siguro ako nito sa utak nya. Ang clumsy ko naman!

"-SEVEN, EIGHT!" Pumasok na kami sa stage 

Thursday. Dumating na ang mga costume namin. Halos lahat sa'min nag-fit pwera kay Brian.

"Bakit ayaw mong isukat?" Tanong ko sa kanya habang nakasuot ng Juliet costume ko.

Nakatingin lang sya sa'kin at napa-ngiti. "Wala, para surprise."

Makulit ako at gusto kong makita ang costume nya kaya inaagaw ko sa kanya 'yung damit nya. "Patingin lang!"

Iniwas nya syempre 'yun kaya medyo na out-of-balance ako. "Ingat kasi." Nagkatinginan kami ni Brian. Ganito rin naman kalapit ang mga mukha namin sa sayaw pero iba pa rin 'yung kaba ko habang naka-tingin ako sa mga mata nya ngayon. "Ay! Sorry!" Hindi ko namalayang nasa bewang ko pala 'yung isa nyang kamay na walang hawak na costume. Inalis na nya 'yun.

"Kayeeee!" May tumawag sa'kin at salamat sa kanya makakaalis ako sa awkward moment na 'yun.

Friday. Since wala naman talaga kaming pasok pag Friday, rehearsal agad ang nasa isip ko pag-gising ko pa lang. Kinakabahan na 'ko para bukas. Tinawagan ko si mama.

"Ma, kinakabahan ako." 

...

"Pupunta po ba kayo?"

...

"Ah, sige ma, try nyo ha?"

...

"Sige po, ba-bye!"

...

Nag-ayos na 'ko para sa general rehearsal.

.

"FROM THE TOP! WALANG MAGKAKAMALI!" Scarry talaga ni Sir. Kapag may namaling isa, ulit uli sa simula. Siguro sa bawat performance hindi bababa ng tatlo ang magkakamali kaya paulit-ulit kami. "Bukas na ang recital! Guys, makinig kayo! We have to give our best! We've done a lot of sacrifices kaya 'wag nyong sayangin 'yun. Eto 'yung recital ninyo. Sa inyo ito! You are all great dancers. All of you have the passion. I can see it! Now grab this exposure and let your audience see your true passion. FROM THE START!"

Dahil sa sinabi ni sir, nagkaroon kami ng kumpyansa sa sarili. Dalawang beses naming inulit yung routine tapos pinagpahinga na kami. Bawal tumambay o magpakapagod kaya umuwi na kaming lahat pagkatapos ng rehearsal.

Text to Kaye:

Hui! Goodluck bukas! Ayusin mo, wag mong tatapakan paa ko ha! ;)

Parang  tumalon yung puso sa nabasa kong sender, si Brian. Nag-change of mood lang nung mabasa ko 'yung message nya. Sa tingin nya papalpak ako bukas? 

Text to : Brian

Goodluck din sa'yo! Ayusin mo rin! wag mo kong ilalaglag!

Text to : Kaye

Ako bahala sayo. Hahaha

=======

A/N:

Here's the continuation of the facts from Romeo and Juliet Love Story.

# 12 Juliet visits Friar Laurence for help, and he offers her a drug that will put her into a deathlike coma for "42 hours."

#13 The messenger, however, does not reach Romeo and, instead, Romeo learns of Juliet's apparent death

#14 Romeo encountered the mourning Paris and killed him.

#15 Still believing Juliet to be dead, he drinks the poison. Juliet then awakens and, finding Romeo dead, stabs herself with his dagger.

#16 The families are reconciled by their children's deaths and agree to end their violent feud.

 Tinamad akong magconstruct in my own words so copy-paste na yang #12 - 16 hahaha! Anyway, i just want you to know that this story is ON HOLD because I am reading a fantasy series and I need to concentrate on that. Chos! Arte! haha, but I will be updating another chapter maybe tomorrow, well see! Advance Merry Christmas! love you guys! :)

Hit vote and comment! :)

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon