"What I feel for you seems less of earth and more of a cloudless heaven."
Chapter 4
Pagkagising ko nakita ko si Romeo sa harap ko.
WHAT!?!
BAKIT SYA NANDITO!?! SA KWARTO KO!?!
BAKIT SYA PINAPASOK NI BETTINA!?!
Umigkas ako ng mabilis at bumangon. Tapos lumingon sa lugar kung nasaan si Romeo
Wala naman sya dun.
Ibig sabihin, panaginip ko lang 'yun o ilusyon ko.
Tumayo ako sa kama. "Aray!" Tapos naalala ko 'yung sinabi ni Sir. Normal 'to.
Pumasok na 'ko sa school. Wala namang bago bukod sa masakit ang katawan ko.
Sana mag-friday na.
Gusto ko na kasing mag-rehearsal.
Naghahanap kasi ako ng sakit ng katawan pa.
Hindi, joke lang. Naghahanap kasi ako ng...
time...
time para...
makasama ulit si Romeo.
Did I just say Romeo?
No!
No!
Hindi pwede 'to.
Ayoko pang ma-inlove.
Kung maiinlove man ako,
hindi sa gwapong katulad nya.
Dahil sabi nga, basta gwapo palikero!
At ayoko sa lalaking nagyoyosi! (balita ko lang kay Emmie)
Isa pa, dahil ba mabait sya...
automatic na mahuhulog ako sa kanya?
*sigh!
Save him for my best friends!
'Wag na 'ko!
Ayokong ma-inlove!
pero...
pwede naman siguro kahit crush lang?
"Hoy! Napano ka?" Binato ako ng unan ni Bettina. "May multo? Nasan beki?" Sabay tago sa likod ko.
"Shunga ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Baho! Toothbrush ka beks!" Sino kayang nilalang ang may mabangong hininga pagka-gising? Asar eh! Nag-eemote 'yung tao.
Romeo take me somewhere we can be alone
I'll be waiting all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
"Sabi daw kumanta habang nagtotoothbrush?" Wagas talaga 'tong si Bettina. Sinundan pa ko eh.
"Ba-erh ka naderhto?" Ang hirap magsalita habang nagtotoothbrush.
"Wala, natatawa ako sa'yo. Alam mo bagay ka dyan sa lababo." Natatawa na sya at napupuno na ng bula ang bibig ko. "INLABABO!"
Ang kulit talaga eh! Hindi nga kasi! Hindi nga ako maiinlove dun.
=======
A/N:
That was a short chapter. Yes, I know! Next chapter will be more interesting, I promise!
Triple smile! :) :) :)

BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Genç Kurgu"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...