"Harmony is pure love, for love is a concerto."
Chapter 10
9:00 AM ang call time namin kahit 7:00 pm pa ang recital.
Ayaw ni sir ng late kaya lahat kami on-time. Busy na ang lahat sa pag-aayos ng stage, costumes, make-up, hairdo, at kung anu-ano pa.
Nag-rerecall ako ng steps sa loob ng dressing room habang nakapikit. Kunwari may ka-partner ako. Twist and turns. Nagulat ako nang biglang may humawak sa mga kamay ko.
Napamulaga tuloy ako. Nasa harap ko na si Brian. "It takes two to tango."
Bigla ata akong namula. Napa-ngiti naman sya tapos nagsayaw na kami.
Nahihiya akong tumitig sa kanya lalo pa wala kaming audience. Ewan ko, mas nakakakaba kapag kami lang dalwa. Nakakailang na ewan. Pakiramdam ko nakikinig nya 'yung heartbeat ko sa sobrang lakas, lalong nakakahiya.
Kinabahan lalo ako nung hinawakan ako sa pisngi ni Brian para humarap sa kanya ng dahan-dahan. Instant blush on na naman oh!
"Ganyan ba ang gagawin mo mamaya sa recital?" Nakakatakot 'yung tono nya parang di tugma sa ginawa nyang sweet gesture.
"H-hindi!" Sumagot na lang ako ng palaban din.
"Mm-hmmm...napapasarap kayo dyan ah! Bakit kaya hindi ka mag-set ng hair mo, Kaye at ikaw Brian, tumulong ka muna dito sa props." Mali ata ang intindi ni Mam Beng sa ginagawa namin. Bakit ba kasi hinawakan nya ko sa pisngi. Mukha tuloy kaming magki-kiss.
Umalis si Brian. Si Mam Beng na may nakakalokong ngiti naman ay nasa may pinto pa "Mamaya na kayo..ano..'yun.. after recital ha?" Sabay alis. Si Mam Beng talaga! Siguradong chismis na kami nito after recital.
Dumating na 'yung make-up artist at hair-dresser namin. Inayusan muna ako ng buhok bago make-up-an. Masyado kaming maraming immake-up nya kaya inuna na 'ko para mamaya re-touch na lang.
12:00 noon. Halos lahat ng babae may set-up na ang buhok at may make-up na. Mga lalaki na lang ang kulang.
"Mudrakels, aketch namaaaan." Pagmamakaawa ni Emmie sa kapwa baklang make-up artist.
"Waiting in vain ka muna vadash!" Sagot sa kanya.
"Una daw kasi mga babae bago lalakeeee... bekiiii..." Epal ni Bettina
"Excuse me, lunch muna kayo." Dumating si Darwin, 'yung lalaking laging naka-cap na red, na may dalang malaking box na puno ng lunch meal.
"Bet ko yan! Tom Jones na 'ko!" Nanguna na sa pagkain si Emmie. Nakalimutan bigla 'yung pagpapamake-up nya.
Namigay na si Darwin ng pagkain sa lahat ng tao sa dressing room. Huli nyang binigyan si Bettina.
"Eto oh, sa'yo." Sabay abot ng pagkain at parang namemesmerized kay Bettina. Oh! I smell something fishy! Kakaiba din ang ngiti ng babaeng 'to. Hmmm..
Busy na ang lahat. Nag-blocking sa stage, final retouch ng make-up, costumes and hairdos. Inayos na rin ang lightning, sound system, videos, confetti, props at registration booths. Syempre hindi mawawala 'yung may nakalimutan na props kaya may mga nagtatakbuhan sa hallway.
6:00 nagsimulang magdatingan ang mga tao. Tahimik na sa stage pero naging double ang gulo sa loob ng dressing rooms at hallway. Natataranta na ang lahat at kinakabahan.
6:30 nag meeting muna ang lahat ng cast para sa final encouragement ni Sir Jun at Mam Beng. Nagdasal na rin kami at puwesto sa backstage kung saan merong malaking projector para makita at mapanuod ang mga nangyayari sa stage.
7:00 puno na ang theater. Kabado ang lahat.
7:15 Pormal na sinimulan ang recital ng isang Doxology at sinundan ng Lupang Hinirang pagkatapos ay panimulang salita mula sa School Administration President.
Let the show begin!
Pumasok sa stage ang mga Capulets at Montague para sa unang production number tapos ako na ang kasunod nun.
[CLICK THE VIDEO TO THE RIGHT TO WATCH THE RECITAL. I do not own the video as well as the steps. This is to give you a clear image on what the recital will look like.]
Applause at Standing Ovation. 'Yun ang pinakamasarap at walang katumbas na saya na maiibigay sa'yo ng audience mo pagkatapos ng isang pinagpagurang performance.
Sa backstage, lahat nagyayakapan, yung iba tumatalon, may napapaiyak, pero hindi nawawala ang ngiti ng lahat. Nagpapalitan kami ng "Congratulations!" sa isa't-isa.
Andaming tumatawag sa'kin na Juliet pero may isang nakatawag ng pansin ko dahil tinawag nya 'ko sa pngalan ko. "Kaye!" Si Brian, papalapit. "Congratulations!" Bigla nya kong niyakap. Nagulat ako sa higpit ng yakap nya.
Binitawan na nya 'ko saka ako sumagot ng, "salamat! Congrats din!"
Lumapit bigla si Emmie sa'min. "Hoy beks! Si bebe Dave hinahanap ka!" Sabay turo sa may exit ng backstage.
Lumingon ako kung nasan si Dave na may dalang boquet. Lumingon din sa kanya si Brian sabay alis.
Nilapitan ko ang pinsan ko. "Congrats pinsan! Ang galing mo kanina ah!" Iniabot nya sa'kin yung bouquet.
Kinuha ko 'yun. "Salamat pinsan! kamusta ka na? Pano mo nalamang may recital ako ngayon?"
"Ok lang, konting pasa lang to. Tumawag si tita kanina eh, nagpasundo sa terminal."
"Andito si mama?" Tumango si Dave. "Asan?"
"Nasa labas. Masikip daw dito eh, pinasundo ka na lang."
"Sige, teka pinsan kukunin ko lang gamit ko ha?" Hindi ko na hinintay yung sagot nya. Tumakbo na 'ko.
=======
A/N:
Merry Christmas! How was your holiday?
Did you watched the recital? It's not like that in reality but close enough. I hope you enjoyed!
Thank you for reading! Leave me a comment and hit Vote.
BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Teen Fiction"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...