The Law of Attraction is the greatest law of the universe. It means that whatever you are consciously or unconsciously focusing on in your life, you will attract more of, whether wanted or unwanted.
Chapter 16
"Eh emotera ka palang bruha ka!!!" Sigaw ni Emmie sa'kin. "Dizizit gel, boom boom boom ka na tapos emote emote ka dyan?" Hay nako Emmie hindi ka nakakatulong.
"Hindi ko nga kasi alam ang gagawin ko eh."
"Ahh, hindi mo alam? Oh eto alamin mo!" Itulak ako ng bakla sa may hallway at sakto padating si Brian. Lakas din maka-coincidence nitong lalaking 'to eh!
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang lapit na nya.
Dahil natataranta na talaga ako, kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagkunwaring nagtetext sabay lakad pasalubong kay Brian. Nilampasan ko sya. Kunwari lang talaga hindi ko sya nakita.
Nagi-guilty ako sa ginawa ko. Lumingon ako para tingan sya. Nakita kong kausap nya si Emmie. Siguro nagtatanong tungkol sa'kin.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko pero dahan-dahan na.
"Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa....." Narinig ko bigla si Emmie.
Lumingon ako sa kanya habang nag-iinarte sya sa pagtakbo. "Iwas ang peg? may germs?"
"Di ko alam gagawin ko eh!"
Last day ngayon ng first semester. It's Clearance day. Madami pa kong hindi napapapirmahan. Kaya yan mamaya. Sa ngayon, gutom na ko kaya pumunta na kami sa cafeteria ni Emmie.
"Text mo si Bettina, sabihin mo maglulunch na tayo."
"Aliping hampaslupa ang peg ko, Senyora?"
"Hindi ka naman alipin eh, yang hitsura mo alipin?" Nag-make face na si Emmie, Yung nagmamagandang mukha. "Hitsurang Fulgoso lang! Hahaha!" Okay, namama-okay lang talaga ako ngayon. Please Emmie pagbigyan mo na ko!
"Ay! Ang ganda mo te!"
"Syempre!" ^_^
"Pati si Brian, hindi ko kineri!" watt! sinama pa sa usapan! -_-
Naka-order na ng pagkain saka pa lang nagreply si Bettina. "Ano daw?"
"Witchels! May date ang lola mo! Tarush!" - Emmie
"Ah, may date sila ni Darwin?" - Ako
"Korak. Hmm. Okay naman si Darwin, bet na!"
"Oo nga, mabait naman sya saka bagay sila."
"Parang kayo ni Brian" ^^
"Ewan ko sayo!"
"Artihan! Nililigawan ka na nga nung tao ayaw mo pa? Kung ako yan beks, sunggaban ko na yan!" Tapos nag-make face na naman sya "Come to mama, Behbeh!" Nakakatawa talaga.
Para naman makarelate si Emmie, kinwento ko sa kanya ang reason ko kung bakit ganito ako.
Nung natapos nako sa kwento, nagsalita si Emmie "The law of attraction governs the way potential becomes reality." Oh? San kaya galing yun. Maka-english naman 'tong baklang 'to!
"Nosebleed! San mo naman napulot yan?"
"Sa Physics! G*ga!"
"Hala! High school? Nagphphysics?"
![](https://img.wattpad.com/cover/2446077-288-k287936.jpg)
BINABASA MO ANG
Huling Sayaw
Jugendliteratur"Tara sayaw tayo! Ang ganda nung moon eh." Sabi nya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi hinawakan na nya agad ang mga kamay ko. He pulled me into him. Closer. Hinawakan nya 'ko sa bewang. He leaned over me. Then, I wrapped my hands over his shoulders. Nag...