Chapter 5: Set the Date

72 5 11
                                        

"Love distills desire upon the eyes, love brings bewitching grace into the heart."

Chapter 5

Friday. Rehearsal day ngayon. Hiwalay syempre ang Montague and Capulets practice with Mam Beng. Si Paris ngayon ang ka-partner ko. Okay naman sya pero hindi ko maalis sa isip ko si Romeo na nasa isang sulok lang at naghihintay para sa power dance niya kasama ang Capulets. Suplada daw ako? Kaainis!

"Juliet! Ano ba? Hindi ka nag-almusal?" Sigaw sa'kin ni Sir.

"S-sor..sorry po sir." Napatungo na lang. Nakakatakot. Lamunin na sana ako ng lupa ngayon.

"PAY ATTENTION!" Aww! Nakakahiya. Ang lakas ng sigaw ni sir at napatingin na ang kabilang group.

"Sorry po sir." Aatakehin na ata ako sa puso nito. T_T

"FROM THE START!" Nakakahiya naman kay Paris. Napaka-unprofessional ko.

Si Romeo naman todo bigay sa rehearsal. Siguro pinagtatawanan na naman ako nun dahil patanga-tanga ako. Kahit pa hindi ko man lang sya napapansing tumitingin sa'kin.

Natapos ang araw na ito nang pagod, puro sermon, sigaw at iyak ang naranasan ko. Ang hirap palang maging si Juliet. Hindi pa kasama dyan ang totoong pinagdaanan nya. Nung pinilit sya ng mga magulang na ipakasal kay Paris at isang malaking FORBIDDEN LOVE silang dalawa ni Romeo dahil mortal enemies ang Montagues at Capulets.

Saturday. Rehearsal ulit. Determinado ako ngayong bumawi dahil sa mga sermon sa'kin kahapon ni Sir na mukhang hindi pa rin nakaka-move on sa pagiging absent-minded ko.

"Let's have the balcony scene." Tumingin sa'kin si Sir na parang nagsasabing ayusin ko at ipakita ko sa kanyang hindi sila nagkamali sa pagpili sa'kin bilang si Juliet.

Binigyan ko sya ng isang mahiyaing ngiti pero sa loob ko, gusto kong sumigaw dahil sa pressure na binibigay nya sa'kin.

Ayaw ko nang isipin nila na mali sila sa pagpili sa'kin kaya todo bigay ako sa rehearsal ngayon. Feel na feel ko nga eh. Ocassionally, pinupuri ako ngayon ni Sir. "Very good, Juliet! Sige, more emotions!"

Isang awkward moment lang 'yung ayaw ko sa scene namin.

Nasa balcony ako habang inaakyat ni Romeo 'yung pillar. Tapos sasamahan nya ko sa balcony para sa isang sweet and intimate steps. Medyo naiilang ako dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa kaya lang ito ang hinihingi sa performance namin na dapat naming ibigay.

"Closer!" Sigaw ni Sir sa'min.

"Emotions!" Sigaw ulit ni Sir. Oo na sir, emote na emote na nga ako habang tinititigan ang mga mata ni Romeo. Napansin kong brown pala ang mga mata nya. Sakto lang ang sukat nun. Hindi malaki, hindi rin maliit. Nakakahiya tuloy ang mga malalaki kong mata. Ang kinis nya na parang hindi pa alam ng mga pimples kung pano atakehin ang mukha nya. Ang gwapo talaga nya!

"Waterbreak!" Sigaw ni Sir. 'Yun na 'yun! Kung kelan pa naman emote na ko oh!

Mga five minutes lang 'yung waterbreak at pagkatapos ng simula ulit kami mula sa simula. Kailangang ma-perfect dahil kulang na talaga kami sa oras ng rehearsal. Two weeks more, recital na. Nakakakaba.

Pero, wala na atang mas nakakakaba sa scene na magtitigan ulit kami. Ngayon, dinagdagan ni Sir ng mas sweet and intimate steps.

Kinakabahan ako at nanlalamig. Sigurado akong halata nya 'yun dahil may nginig effect pa 'yung kamay ko. Nakakahiya naman sa kanya.

5PM natapos ang rehearsal at salamat sa mga napakabait kong best friends, iniwan nila ako. Kaya uuwi akong mag-isa. Ayoko nang ganito. Hindi ako sanay maglakad mag-isa.

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon