Chapter 19: Workshop Part 3

18 2 0
                                    

Two souls with but a single thought, two hearts that beat as one

Chapter 19

Krrriiiiiiiingggggg! Krrrrrrriiiing!

Wake up call! Wake up call!!!

Ang ingay! Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko na medyo nasisilaw pa sa ilaw.

Wake up call na pala parang kakatulog ko lang eh!

Nagside view ako saglit sa side ni Bettina at may nakita akong...

ano to...

r-o-s-e?

Bakit may rose dito?

Dahan-dahan akong bumangon at nagkusot ng mata, baka kasi nananaginip lang ako.

Tiningnan ko ulit yung side ko at andun pa rin ung rose.

Kinuha ko sya.

Wala namang nakalagay kung kanino galing eh.

Isang rose lang sya na parang pinitas lang kanina.

"Goodmorning beautiful!"

Napalingon ako kung sino yun.

"Goodmorning!" -bets

Bumaling sakin si Bettina at bumulong, "Assumerang froglet akin yan.."

At dahil kakagising ko lang, medyo slow ako sa narinig ko. Sa kanya daw itong rose? Eh bakit sakin malapit? Ang layo kaya sa kanya!

"Ah Kaye, pwedeng pahiram muna ako nyang rose?"-Darwin

Binigay ko naman sa kanya yung rose. Rose ko yan eh! Kaasar naman oh.

"Actually para sayo talaga to eh." sabi nya kay Bettina sabay binigay yung rose.

"Talaga? Ang sweet mo naman." Kinikilig si Bettina.

Talaga? Anong talaga Bettina! Kanina lang sure na sure kang sayo yan eh! >,>

"Sige kita na lang mamaya ha? Oy Kaye, wag kang malungkot. Sige sabihin ko kay Brian bigyan ka ng bouquet bukas ng umaga. Haha" Umalis na rin sya pagkatapos mang-asar.

Ewan! Panira kayong dalawa ng umaga. Akala ko tuloy...akin na talaga yun..

"Ang sweet ni Darwin beks. Kumpleto na agad ang araw ko!"-bets

"E di matulog ka ulit ang bukas ka na gumising. Kumpleto na araw mo di ba?"

"Chill lang beks. Ikaw kasi assumera. Akala mo galing kay Brian no?"-bets

"Hindi! Akala ko kasi ako ang nililigawan ni Darwin eh!" Sarcastic kong sagot sa kanya.

"JUMURNIIIIIIIIIIIIIN!" Nagising na ang bakla. Bumangon sya habang nag-uunat. Maganda yata ang gising nya dahil full smile ang bati nya sa'min. Napatingin sya sa hawak ni Bettina na rose. "Uy! Wow! (with the tune of Bulaklak, ready sing!) Bubuka ang bulaklak ibibigay sa reyna... Nasaan ang papa? Ang saya saya! Boom tiyaya boom tiyaya boom yeye..."

Binatukan na ni Bettina si Emmie para tumigil. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa. Ngayon ko lang kasi narinig ang ariling version ni Emmie ng bulaklak. HAHAHAHA!

"Masakit ha!"-ems

"Mag-toothbrush ka!"-bets

"Bye!" Sabi ko habang hawak ang mga toiletries ko. Sa haba ng awayan nila, na-iprepare ko na agad ang mga yun. Well, panunahan na lang sa banyo.

"Hoy Kaye ang daya mo!"-bets

***

Before mag-breakfast, excise first.

Isa sa nakakatuwang attitude ng ASDT members ang maging seryoso when it comes to exercises. Alam kasi nila ang value ng exercise para hindi sumakit masyado ang mga katawan namin during sessions.

After that, nag-breakfast na kami.

"Ok lang?" Hawak ni Darwin yung plate nya habang nagtatanong kung ok lang na maki-upo sya kasama namin.

I guess ok lang sa'ming lahat dahil we just smiled at him. Kapansin-pansin na hindi nya kabuntot si...si ano...

I tried to search him gamit lang ang mata ko kasi pag lumingon-lingon ako baka pansinin pa ng mga bekis at lokohin pa ko.

"Si Brian ba?" Fail! Halata pa rin pala ako? "Sabi nya umuna na ko eh, maya-maya daw sya." sabi ni Darwin.

"Bakit mamaya pa? Eh may schedule tayo?" tanong n Bettina.

"Ewan." Nagkibit balikat na lang si Darwin.

*SESSION 

"Okay, so this time I want you to show me your own style. Tell me who you are. How confident are you in yourself? So, don't think. Just dance. Feel your heart and move it! Lahat ng tao may kanya-kanyang style sa pagsayaw. Don't be shy just move it people!" 

Nag-form kami ng isang big circle kung saan isa-isa kaming mag-frefrestyle, counterclockwise. At, sa akin magsisimula dahil ako ang dakilang presidente.

[CLICK THE VID TO THE RIGHT. KAYE'S DANCE IS INSPIRED BY THAT NUMBER. Disclaimer: I do not own the video.]

 

***

May mga group activities din kaming ginawa. TEAMWORK, SYNCHRONIZATION, DISCIPLINE ang pinaka main point sa mga activities namin. Nakakapagod pero masaya ang group activity na to kaya sinulit na rin ang siesta.

***

=======

A/N:

Hi guys! May mga nagbabasa pa rin ba? Please let me apologize for the very long delay of update. Sorry na ha? I've been very busy and I don't have much time for writing. Anyways, thank you for reading. Comment naman dyan oh! Kaway ng konti and smile ^^ 

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon