The Man in the Park

10 0 0
                                    

"Luisa saan kana naman pupunta?" tanong sa akin ni lola ng makita niya akong palabas ng bahay.

"Pupunta lang po ako sa park may bibilhin lang po ako" ani ko at nginitian si lola para hindi na siya mag alala.

"Isang buwan ka ng pabalik balik dun sa park.Ano bang meron sa park na iyon iha?" ramdam ko ang pagkailang ni lola ng tanungin niya iyon.

"Wala naman po gusto kolang po talagang magpahangin dun upang makapag isip isip" ani ko kay Lola.

"Cge Lola alis na ako.Wag po kayo mag alala uuwi ako ng maaga" ani ko at hinalikan si Lola

Sinimulan ko ng tahakin ang daan papuntang park.Tama si Lola isang buwan na akong pabalik balik dun sa park na iyon.Hindi ko alam,basta nagsimula iyon ng may napanaginipan akong lalaki na kasama ko daw dun sa park nayun.

Iba ang naramdaman ko ng mapanaginipan ko ang tungkol dun.Baliw mang isipin pero naghahangad ako na baka isang araw makita ko siya dun sa may park.

Sound ridiculous right?

Diko alam pero parang totoo yung napanaginipan ko.Ang lakas ng pakiramdam ko na balang araw makikita ko siya.Napangiti nalang ako sa sinasabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang park.

***

"Lola!!!" masaya kong tawag kay Lola ng makarating ako sa bahay.

"Anong problema lola?" sambit ko ng makita kong parang balisa si Lola.

"Iha naaalala mona ba ang lahat?" nagtaka ako sa naging tanong ni Lola.

"Po?Hindi kopo kayo maintindihan lola" ani Ko habang unti unting napapawi ang mga ngiti ko sa labi.

"Kilala mo to?" kinakabahang ani ni Lola at ibinigay sakin ang drinawing kong larawan ng lalaking nasa park napapanaginapan ko.

"Ahmm Hindi po Lola napapanaginipan kolang ho siya...Kaya ayan ginuhit ko yung imahe niya para hindi ko makalimutan" pilit ang ngiti kong ani.

"Siguro panahon na apo para sabihin ko sayo ang totoo" biglang kumabog ng mabilis ang puso ko ng sambitin iyon ni Lola.

"Ano pong sinasabi niyo Lola?Kilala niyo po itong lalaking ginuhit ko?" naguguluhan kong tanong.

"Siya si Eros.Dati mo siyang kasintahan Luisa" nanlaki ang mga mata ko sa ibinunyag ni Lola.

"Eros?Kasintahan?Hindi ko po maintindihan ang sinasabi Niyo?Kung kasintahan ko siya,asan siya lola?" puno ng pagtataka kong tanong.

"Wala na siya Luisa.Isang taon na ang nakakaraan.Pauwi kayo nun galing sa bahay niya sakay ng kotse niya ng bigla kayong mabunggo sa puno dun sa park.At ang araw na ito ang araw ng kaniyang pagkamatay." napaluhod ako sa sinabing iyon ni Lola.Dali daling lumapit si Lola sa akin.

Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.Isa isang naglaglagan ang mga luha mula sa aking mga mata.Nanginig ang buo kong katawan sa nalaman ko.Totoo ba tong mga nalaman ko?

"Okey kalang ba Luisa?" nag aalalang tanong ni Lola

"Pero lola..." na iiyak kong ani

"Pero ano?" nagtatakang tanong ni Lola

"Nakausap ko siya kanina" halos hindi ako makahinga ng sabihin ko iyon.

Sigurado akong siya yung nakausap ko sa Park.Sigurado ako na siya yun.Naaalala ko pa ang napag usapan namin.Naalala kopa ang mga ngiti niyang nagpainit sa mga pisngi ko.

"Anong pinagsasabi mo Luisa?" nag aalalang tanong ulit ni Lola.

"Lola nakausap ko siya!Nakausap ko siya!At..At Sinama ko siya papunta rito" huminto ang pagtibog ng puso ko ng sambitin ko iyon at dahan dahan akong napalingon sa may pintuan.

"Andito na ako Mahal"

-Heiress✨

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon