Love at First Sight With A Ghost

0 0 0
                                    

"Psst!" naimulat ko ang mga mata ko ng may yumugyog sa akin.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin ang isang babaeng sa tantya ko ay nasa 20s na tila kaedaran ko lang ito.

Napatulala ako sa ganda niyang taglay.

Makinis at maputing mukha.

Matangos na ilong.

Mamula mulang labi.

Diko alam pero takte nalove at first sight yata ako sa babaeng to.

Nakapan-opisina siya tila kakagaling lang niya sa trabaho habang ako ay papunta palang doon.

Maaga talaga akong umaalis dahil ayoko makipagsabayan sa umaga kung saan sobrang madaming tao.

Sanay narin akong umalis ng ganitong oras dahil kadalasan ay may pinapagawa sakin yung boss ko.

"Mister Paalis na yung bus baka maiwan ka" nakangiti niyang ani sa akin habang tinuturo ang bus.

"Salamat Miss" abot langit kong ngiti sa kanya

"Totoy Sasakay kaba hindi?" tanong ng konduktor ng bus sa akin.

"Sasakay po!Wait lang" sigaw ko at binaling ang tingin sa babae.

"Pasensya na miss kailangan ko ng umalis.Salamat ulit" nahihiya kong ani sa kanya at sumakay na sa bus.

"Pre pang ilang beses mo na yang kwinento sa akin..Rinding rindi na ako..Kulang nalang ay mamemorize ko yang kwinekwento mo" komento ni Anton.

"Pare iba kasi to!..Takte tinamaan na ata ako ng lintek na pag ibig nayan" hindi ko maalis sa labi ko ang aking matamis na ngiti.

Paulit ulit na gumuguhit sa isipan ko ang mukha ng babaeng gumising sa akin noong nakaraang linggo sa may terminal ng bus.

"Itigil mo yang kakangiti mo pre para kang bakla" natatawang ani ni Anton

"Ulol" ani ko at nagbihis na
Maaga na naman akong papasok dahil may pinapagawa sa akin si Boss.Badtrip at ako na naman ang napagdiskitahan.Napatingin ako sa relo ko alas tres palang ng umaga muli ko tuloy naalala yung babae.

Makikita ko kaya siya ulit ngayon?

Napangiti ako dahil sa iniisip ko.
Takte nababakla na ata ako.

Pagdating ko sa terminal ng bus hindi ko maiwasang hindi mapatangin sa mga taong dumadating umaasang isa sa kanila ay ang babaeng nakita ko.

Sobrang lamig ng hangin na napapayakap pa ako sa sarili ko para lang mainitan ang katawan ko.Mabuti nalang at nagdala ako ng jacket.Naisipan kong umupo muna sa may gilid at umidlip ng mabilis.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may kung sinong tumabi sa akin.Nilingon ko ang taong yun.

"Ikaw" nakangiti kong ani dahilan para magtaka siyang mapalingon sa akin.

Napalunok ako at napayuko dahil sa pagkapahiya.

Takte para naman akong tanga sa ginawa ko.

Pasimple akong napatingin sa kanya mukhang inaantok rin siya.

Ang cute niya tingnan napahawak pa ako sa dibdib ko dahil nararamdaman kong bumibilis ang tibok nito.

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon