Roadtrip

4 1 0
                                    

"Hon where are we going?" nagtataka kong ani ng mapansing malayo sa siyudad ang pupuntahan namin.Napalingon ako sa anak namin ni Akiesha na mahimbing ang tulog sa backseat.

"Sa Probinsiya ng mga magulang mo" nakangiting ani ni Vernon,my husband habang abala sa pagmamaneho ng kotse namin.

"What!?Alam mo namang maraming kababalaghan ang nangyayari sa lugar nayun!Vernon kasama natin si Akesha.Parang dika naman nagiisip maaring ikapahamak ni Akesha ang pagpunta natin sa probinsya namin" naghehestrikal kong ani sa kanya.

Paano ba naman hindi ako kakabahan sa sobrang dami ba namang kababalaghan sa lugar na iyon.

At kanina lang naibalitang may pinatay na naman sa probinsya namin.

Ilang taon narin akong hindi pumupunta dun simula ng ikasal ako kay Vernon.

Maraming di magandang alaala ang nangyari sa lugar na iyon kaya ni minsan ay hindi kona sinubukang bumalik doon.

"Nothing will go wrong..Besides andito ako..Kaya wala ka dapat alalahanin...Ans Akesha--"

"Ahhhhhh!" napasigaw ako ng biglang may sumulpot na babae sa aming harapan.

"Fxck!" sambit ni Vernon at marahas na pinokpok ang kaniyang manibela kasabay ng pagpreno niya.

"Sabi na kasi sayo Vernon eh!Baka multo yun!" nanginginig ang boses kong ani.

"Tssk Your being paranoid Hon..Tao lang yun"

"Kung tao yun!Edi bumaba ka!Nabunggo mo ata eh!" natatalot kong anj at pinagtutulakan siya palabas ng kotse.

Asar naman siyang lumabas at nilapitan yung babaeng nabunggo namin.

Napatingin ako kay Akesha nakahinga ako ng makitang mahimbing parin ang tulog niya.

Paglingon ko ay nakita kong akay akay na ni Vernon yung babaeng nabunggo namin.

Gutay gutay ang kaniyang damit at kapansin pansin ang mga dugong nagkalat sa kaniyang damit.

Nang mapansin kong papasukin ni Vernon ang babae sa kotse ay agad kong kinuha si Akesha sa likod.

Dahan dahang inalalayan ni Vernon ang babae paupo sa back seat.

Doon ko lang napagmasdan ng buo ang kaniyang mukha.

Nakaramdam ako ng kakaibang kilabot ng makita kong may sugat siya sa pisngi.

Masama kong tiningnan si Vernon.

"What!?" inis niyang tanong at muling pinaandar ang kaniyang kotse.

"Iha ano palang pangalan mo?" kaswal na tanong ni Vernon doon sa babaeng nasagasaan namin.

"Sunny po" mahinang ani nung babae.

"Ano bang nangyari sayo?Bakit ganyan yang itsura mo?" pasimple akong napatingin kay Sunny ng tanongin siya ni Vernon.

"May nagtangka po kasing gahasahin ako at dahil lumaban ako kaya ako nagkaroon ng sugat" umiiyak niyang sambit.

"Mabuti nalang at nakita ka namin..Wag kang mag alala iha irereport natin yung nangyari sayo sa pulis" pagpapahinahon ni Vernon kay Sunny.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na isang pulis si Vernon.

Kaya normal na sa kanya ang tumulong sa mga taong nangangailangan kahit hindi niya kilala.

Bagay na dahilan para mahalin ko siya ng sobra.

"Sa-La-Mat-Po" she said between her sobs.

Hindi ako mapakali.

Pakiramdam ko may mangyayaring masama.

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon