The Man Who Save Me

6 0 0
                                    

Isa isang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko habang nakatingala sa mabilog at maliwanag na buwan.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Nababalot ng lungkot at sakit ang puso ko.

Napapikit ako at hinarap ang malamig na hanging dumampi sa balat ko.

Nanginginig ang tuhod kong napatingin sa baba.

Nakatungtong ako ngayon sa railings ng tulay at nakatingin sa ilog na nasa ilalim ng tulay.

"Bakit ang sakit?Bakit?" bulong ko sa hangin habang humihikbi.

"Ayoko na mabuhay!" sigaw ko at napapikit hinahanda ang sarili sa susunod na gagawin ng mga paa ko.

"Magpapakamatay ka?" halos mapabitaw ako sa bakal na hinahawakan ko ng may biglang sumolpot na lalaki at walang pag aalinalangang sumampa sa railings.

"Hoy baliw kaba anong ginagawa mo?" nanginginig ang buo kong katawan sa pagkabigla.

"Sasamahan ka magpapakamatay ka diba?" nakangiti niyang ani.

"Anong sasamahan ako Baliw kaba!" tangi ko nalang naiusal ng tuluyan kong maaninag ang mukha niya ng tumapat ang ilaw na nagmumula sa buwan sa kaniyang mukha.

Magulong buhok.

Matangos na ilong.

Mapuputing ngipin.

Mapulang labi.

Hindi ko maiwasang humanga sa lalaking bigla nalang sumulpot sa tabi ko na parang kabute.

"Eh sa gusto kong samahan ang mapapangasawa ko" halos mahulog ako ng banggitin niya iyon.Tila nahinto ang pag agos ng mga luha mula sa mga mata ko ng sambiti niya iyon.

"Ano bang pinagsasabi mo?" nauutal kong ani

"Dimo ba narinig ang sinabi ko?" sambit niya habang dahan dahang lumapit sa akin.

"Ang sabi ko gusto ko samahan ang taong mapapangasawa ko" bulong nito sa akin na nagbigay sa akin ng ibayong kilig.

"Tumi---Ahhhh" napasigaw ako ng bigla akong nadulas dahilan para mahulog ako papuntang ilog mabuti nalang at nahawakan ako nung lalaki at hinila ako pababa sa railings.

Napahiga kami sa may kalsada sa tabi ng railings at ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa malakas na pagkabagsak namin sa kalsada.

"Okey kalang ba?" nag aalala niyang ani

"Bakit mo ko niligtas?" malakas ang kalabog ng puso ko habang sinasambit ko sa kanya ang mga katagang iyon.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Ang pogi!

"Bawal ka pang mamatay Pakakasalan pa kita" matamis niyang sambit

Kyaaahhhhhh!

Hindi kona napigilan ang kilig na nararamdaman ko dahilan para tuluyang mamula ang mga pisngi ko.

"Maari kobang malaman ang pangalan ng taong nagligtas sa akin at pakakasalan ako" pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko habang tinatanong siya.

"Ako lang to si Natoy na mahal na mahal ka!"

-Heiress✨

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon