Gusto kita Pero Mahal ko siya

6 0 0
                                    

Nakangiti ako habang tinitingnan ko ang maamong mukha ng lalaking pinakamamahal ko.Ang lalaking dahilan kong bakit ako ngumingiti araw araw.

Nandito kaming dalawa sa kwarto ko.Tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang nagiging daan para maaninag ko ang mukha niya.Napapatawa nalang ako sabay iling habang tinitngnan siya.Hinawi ko ang mga buhok na humaharang sa mukha niya.

Masaya akong napapanood siyang mahimbing ang tulog.Kabaliktaran ng kanyang nararanasan pag siyay gising.Ibang iba ang lalaking minahal ko noon at ang lalaking minahal ko din ngayon.Sobrang haba na ng buhok at balbas niya.Maamoy mo ang alak na nagkalat sa kaniyang damit.Ibang iba na siya,simula ng pangyayaring nagpabago sa kanya.

"Jessie?"nagulat ako ng tinawag niya ang pangalan ko.Bigla akong kinilig ng marinig ko ang boses niyang lalaking lalaki.

"Gising ka na pala..."nakangiti kong bati sa kanya.

"Anong ginagawa ko dito?"nagtatakang tanong niya habang tinitingnan ang buong kwarto ko.

"Nalasing ka kasi kaya dinala na kita dito.."pagpapaliwanag ko sa kanya.Isinandal niya ang sarili sa may pader.Diko tuloy maiwasan tingnan ang hubad niyang katawan.Dont get me wrong wag kayong bastos nakatopless lang siya.

"I need to go.."dali dali niyang inayos ang sarili niya.

"Magpahinga ka muna...Dito ka nalang matulog anong oras na..At tsaka baka dimo kayang magmaneho pa,baka madisgrasya kapa"pagpigil ko sa kanya.Napatingin naman siya sa relo niya.

"No i insist..Uuwi na ako...I can manage to drive.."sabi niya at kinuha ang damit niyang nakasabit sa may upuan.

"Just pls stay!"pagpigil ko sa kanya habang hinahawakan nang dalawang kamay ko ang kaliwa niyang kamay.Biglang bumigat ang pakiramdam ko.May mga luhang nabuo sa gilid nang mga mata ko na pinipigilan kong pumatak.

"No!Mali to Jessie!"he insisted at tinanggal ang dalawa kong kamay na nakahawak sa kanya.

"Kailan pa naging mali ang pagmamahal!?"sumbat ko sa kanya

"Mali!Mali kasi lalaki ka!!Lalaki ako!!Di pwede!Kasi nga Mali!!!"sigaw niya sakin dahilan para bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

"Mali kasi bakla ako?Kasi lalaki din ako?Kasi puk* yung gusto mo!?Mali ba yung nararamdaman ko?Mali ba na ikaw yung minahal ko kasi lalaki ako?"hirap kong sabi dahil sa hikbi na aking ginagawa dulot ng bigat ng nararamdaman ko.

"Look!Im thankful sa lahat ng ginawa mo.You were there with me when i was down.You were there when i think that the whole world is against me.And i appreciate that But---"

"But ano?Mali kasi lalaki nga ako!!Kung natatakot ka naba husgahan ka ng mundo dahil ako yung jowa mo.For pete sake 2019 na!Open na ang Pilipinas and even the world sa same sex relationship!"pagpapaliwanag ko sa kanya habang patuloy paring umaagos ang luha sa mga mata ko.

"Gusto kita pero---"

"Pero ano!!Ano ba Ronald!?Dimo ba nagegets!!!???"

"No!!Ikaw yung hindi nakakagets Jessie!!Gusto kita pero Mahal ko siya.."he said at umalis na,that thing hit me.Mahal niya pa yung ex niya.Gusto lang niya ako pero mahal niya yung isa.Gusto lang niya ako.

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon