"Kyahhhhhhhhhh!!!" tili ko sabay suntok sa unan na hawak ko habang nanunuod ng favorite kong series na A Love So Beautiful.
Bakit ko to favorite?
Eto lang naman ang isa sa mga series na nagbibigay sa akin ng hope na one day icrucrush back din ako ng crush ko.
May pagkakareho rin kasi kami ng situation ni Xiao Xi yung bida sa A Love so Beautiful.Magkakabata din kami ng crush ko magkapitbahay pa.Alam niyo yung feeling na kahit anong papansin mo sa kanya hindi ka parin niya napapansin.Trust me nagawa kona lahat para icrushback niya ako pero hayop wala parin.Olats.
I spend my whole highschool years pursuing him.Medyo desperada noh?Ang tanga ko para isiping magiging pareho yung kwento ng buhay ko sa kwento ng A Love So Beautiful.Ni hindi manlang pumasok sa isipan kong gawa gawa lang yung story at hinding hindi ako magugustuhan ng crush ko.
Pero alam Mo yung masakit?Yung walang kami pero nasaktan ako nung nagkagirlfriend siya.Feeling ko nun mamatay na ako bigla kasi sumikip dibdib ko feeling may dibdib.Hayop!Yung sa tuwing dadaan silang magkahawak kamay parang gusto ko silang patirin tas sikmuraan wahahaha.Yung tuwing nakikita kong nagsusubuan sila ng pagkain parang gusto kong mabilaukan sila wahahaha o di kaya ipakain ko pati kutsara sa kanila.Yung tuwing nakikita ko silang tumatawa gusto ko mapasukan ng insekto yung bibig nila o di kaya nalockjaw sila.An sama ko noh?Sorry naman nagseselos lang.
Ang tanga ko lang para magselos kahit walang kami.Kahit wala akong papel sa buhay niya.Ay meron pala ako yung may crush sa kanya na hindi niya crinushback.
Mabuti nalang at may natitirang 0.1 braincells sa utak ko.Kaya naisipan kong itigil na yung kagagahan ko sa kanya.Kaya ayun nung naggraduate kami ng highschool nagpakalayo layo ako.Nawalan na ako ng balita sa kanya,mabuti na siguro yun para hindi kona maalala yung kagagahan ko.
"Hoy Ayesha bumangon kana diyan at baka mahuli ka pa sa graduation niyo!" narinig kong sigaw ni Mama kaya isinara kona yung laptop ko.
Finally,Gragraduate na ako ng college.Hanggang ngayon hindi ko parin alam kong saan ako magtratrabaho.Ah bahala na.
Agad akong nag ayos at umalis ng bahay kasama si mama.Mabilis na natapos yung graduation,feeling ko parang kahapon lang nung pumasok ako sa university na to tas ngayon aalis na ako.Bigla tuloy pumasok sa isipan ko si Noah,my crush.Nakagraduate na kaya siya?Ano kaga kinuha niyang course?Sila parin ba ni Lyra?Napabuntong hininga ako sa mga inisip ko.Bakit ba hanggang ngayon siya parin?Nakaka asar naman eh!Yung kaHit anong pilit kong kalimutan si Noah titibok at titibok yung gaga kong puso sa kanya.
"Ayesha?" natigilan ako ng bigla akong makarinig ng pamilyar na boses.Dahan dahan akong napalingon kasabay ng pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis.
"Noah?" He is standing a meter away from me holding a bouquet of flowers wearing a sweet smile.Bakit ang gwapo niya parin?Nakaka asar kahit ilang taon na ang nagdaan tumitibok parin talaga yung puso ko sa kanya.Pinilit kong talikuran siya dahil naalala kolang yung mga kagagahan kong ginawa.
"Ayesha wait" pigil sa akin ni Noah sabay hawak sa kamay ko.
"What?We have nothing to talk" mataray kong sambit at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.Muli ko siyang tinalikuran.
"Papasok ka sa buhay ko ng hindi nagpapaalam tas bigla ka nalang aalis ng ganun ganun.Sinanay mo akong nakikita ka araw araw na nangungulit sa akin tas mawawala ka nalang bigla." napapikit ako sa sinabi niya.Dahan dahan ko siyang hinarap habang nakatingin sa kaniya na parang wala akong pake sa sinasabi niya.
"Aba so ano gusto mo?Maging masaya ako habang nakikita kang sumasaya sa iba?Ano akala mo magpaparty ako kasi nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong naghaharutan?Bobo ako Noah alam ko yun pero hindi ako Tanga.ATA.Hindi mo ako masisising layuan yung taong nagparamdam sa akin ng saya pero tuluyan rin sumira sa puso ko." naramdaman ko yung pangingilid ng luha sa mata ko.Tiningnan ko ang mata niya at nakakapagtakang lungkot ang nakikita ko dito.
"Paano mo nasabing masaya ako sa kanya?" napaisip ako sa tanong niya.
"Tumatawa nga ako.Ngumingiti tuwing kasama siya.Pero hindi ibig sabihin nun masaya akong kasama siya.Iba parin yung tawa at ngiti ko noong kasama kita.Tuwing kinukulit mo ako.Nakakaasar pero nakakatuwa." nakangiti niyang sambit habang inaalala ang mga nangyari sa amin.
"Those moments with you were my happiest moments of my life" nakangiti niyang sambit sa akin.
"Ano ba to Noah?Bakit sinasabi mo yan?Diretsuhin mo nga ako!Hindi ako manghuhula para hulaan ko yang ibig sabihin ng sinasabi mo." naiinis kong sambit.
"I like you Ayesha.No, I think I already love you.The truth is, I only courted Lyra to forget my feelings towards you.But I'm wrong.Because my feelings just worsen.I thought my feelings for you will eventually fade instead it just grow deeper.Hindi na kumpleto ang araw kong hindi ka nakikita.Sobrang lungkot ko nung nalamang hindi ka papasok sa paaralang papasukan ko.Umasa ako ng sobra na susundan mo ako.Pero naisip ko baka napagod kana kakahabol sa akin.Napagod kana kung kailan narealize kong mahal na kita.Funny right?" hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.
Ilang lunok ang ginawa ko para magprocess yung utak ko at madigest yung sinasabi ni Noah.
Ang bilis ng tibok ng puso ko akala mo kasali sa marathon o karera.
"Ayesha I Like you I mean I'm madly inlove with you" muli niyang sambit dahilan para mas lalong tumibok ng mabilis yung puso ko.
Legit to?
Crush niya ako?
Mahal niya ako?
Wahhhhhhhhhh
Gisingin niyo ako kung panaginip lang toh.
Ayoko ng umasa.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata.
"I'm sorry" sambit ko.Nakita ko ang pagkadismaya at pagkalungkot sa mukha niya kasabay nito ang pagbaba ng balikat niya.
"Ang tagal ko ding nagpakatanga para sayo Noah...Hehe.Sa tingin ko tama na yun...Sobra pa nga eh.Baka hindi talaga tayo para sa isa't isa...Unti unti na akong nagmomove on Noah...Humihilom natong sugat sa puso ko...That's why im sorry but i can't accept your feelings anymore...Its just too late.Masaya na ako..." mapait kong ngiti sa kanya.
"Ganun ba?" pilit siyang tumawa kasabay ng pangingilid ng mga luha sa mata niya.Tinapon niya yung bulaklak sa trashcan at pilit na ngumiti sa akin.
"Im hope you'll be happy without me..I love you..Goodbye.." sambit niya at tinalikuran ako.
"Charot lang!Aarte paba ako ngayon pang mahal mo na ako!No way Highway!" natatawa kong ani.Tumakbo ako at linundagan siya dahilan para mapaangkas ako sa likuran niya.Naramdaman kong nagulat siya sa sinabi at ginawa ko.
"Umiiyak ka?Yiee kinikilig ako hayop ka Noah!ang cute mo pala pag umiiyak" sambit ko ng iginilid ko ang ulo ko.Natawa naman siya kasabay ng pagpunas ko ng mga luha niya.
"You love me also?Seryoso?" di parin makapaniwala niyang tanong.
"Oo nga!Hindi bagay na mag inarte pa ako.Matagal ko tong hinintay no." nakangisi kong ani at pinisil yung ilong niya.
"Hoy tara alis tayo!" excited kong sambit habang tinatadyak tadyakan yung pwetan niya.
"Aray..Bakit saan tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong.
"Sa Simabahan.Magpapakasal na tayo baka magbago pa yang isip mo!" natatawa kong sambit at hinampas yung pwetan niya.
"As you wish my Queen" nakangiti niyang ani at tumakbo habang nakaangkas ako sa kanya.
"Quenn daw.Kinikilig ako hayop ka!" sigaw ko at kinagat yung tenga niya sabay tawa ng malakas.
Paano ba yan crinushback na ako ni crush.
Ikaw nalang yung hindi.
≧ω≦
BINABASA MO ANG
[TAGLISH]Timothy's One Shot Stories
RandomAnother One Shot Story of your truly Mysterious_RA