In a World Where Everything Seems Odd

0 0 0
                                    

Andrea Sandoval's PoV

The fxck!

I'm too drunk to walk properly.

Pagewang gewang kong hinubad ang sandals na suot ko at itinapon ito sa kung saan.

"Can my life be more happier!?" sarkastiko kong sigaw kahit alam kong walang nakakarinig sa akin.

Malakas komg sinapa ang latang nakaharang sa daan ngunit hindi ko ito natamaan sa halip ay naging dahilan ito para ma out of balance ako.

Napasigaw ako ng magderideritso akong natumba papasok sa loob ng isang balon.

Ramdam ko ang lakas ng pagkakabagsak ko pero ang nakakapagtaka ay hindi ako sa tubig bumagsak.

Naimulat ko ang aking mata at laking gulat ko ng puro puti lang ang aking nakikita.

Nakarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin ngunit wala naman akong makita.

Puro puti lamang.

Iniangat ko ang ulo ko umaasang makikita ko ang pinakadulo ng balong kinabagsakan pero mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba ng makitang--

PUTI lang ang aking nakikita.

Diko maiwasang hindi mabalot ng takot.

Ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ako mapigil sa pagkataranta.

Anong nangyayari?

Patay na ba ako?

Nasa langit na ba ako?

Bakit wala akong makitang mga anghel?

"Ikaw!" nagulat ako ng may sumigaw nun dahilan para mapatayo ako.

"Sino ka?Nasaan kayo?" kinakabahan kong tanong.

"Ako si Vince...Ikaw!..Ikaw ba si Andrea Sandoval?" ani ng taong hindi ko nakikita at tanging boses lang ang aking naririnig.Hindi ko mawari pero boses babae ang taong nagsasalita pero napakunot ang noo ko ng Vince ang pangalan niya.

"Nasaan ka?Bakit hindi kita makita?" takang tanong ko sa kanya.

"Ipikit mo ang iyong mga mata" nagulat ako ng may lalaking nagsalita.

"At sino ka naman?" tanong ko sa lalaking nagsalita.

"Ako si Zamiah" hindi ko alam pero bigla akong natawa sa pangalan niya.

"Kalalaki mong tao Zamiah pangalan mo" natatawa kong ani sa boses ng lalaki.

"Pigilan mo ang sarili mo Zamiah..Wag Mo siyang hahalikan" nanlaki ang mata ko sa sinabi nung babae na sa pagkakatanda ko ay Vince ang pangalan.

"Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng taong ito!" galit na ani ni Zamiah.

"Sorry naman po...Asan ba kayo?..Bakit hindi ko kayo makita?..Tsaka nasaan ako?" sunod sunod kong tanong sa kanila

"Ipikit mo ang iyong mga mata binibini" ani ni Vince.

"Siya na ba yan?" nagulat ako ng biglang may isang lalaki na naman ang nagsalita.

"At sino na naman yan?" mataray kong ani.

"Magandang Gabi Prinsesa Justine" ani ni Vince.

"Prinsesa?Pfffft!" pinipilit ko ang sarili kong hindi tumawa pero napahagalpak ako sa sinabi ni Vince.

"May nakakatawa ba sa sinabi ni Vince?" rinig kong ani nung Prinsesa Justine.

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon