Nakatulala ako ngayon sa kisame habang iniisip ang nangyayari sa akin.Napansin kong mag aalas singko na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.Kanina ko pa kasi iniisip yung tungkol dun sa parallel universe.Kung totoo ba tong nararanasan ko.At kung bakit kami biglang nagkakapalit palit ni Eunice.
"Bianca?" nagulat ako ng biglang pumasok sa kwarto ko si Nanay.
"Bakit gising kapa?Anong oras na?" sambit pa ni Nanay.
"Kakagising kolang nay" ani ko at dahan dahang tumayo mula sa banig na hinihigaan ko.
"May iniisip kaba nak?" ani ni nanay at tumabi sa akin.
"Nay may inisip ba kayong ibang ipangalan sakin maliban sa Bianca?" napakunot ang noo ni Nanay sa sinabi ko.
"Oo..Meron..Gusto ko sanang ang ipangalan sayo ay Eunice kaso yung tatay mo ayaw kaya Bianca nalang." pag wawalang bahala ni Nanay.
Kaya pala ang pangalan ko sa ibang mundo ay Eunice.
Kasi base sa nabasa ko.
Ang sabi sa article na nabasa ko,yung ibang mundo ay parang mundo kung saan mangyayari yung mga What If's mo o yung mga bagay na sana pipiliin mo pero iba yung pinili mo.Mangyayari sa ibang mundo ang epekto ng desisyon na sana ay pipiliin mo pero hindi mo pinili.
Ang gulo noh?
"Ganun po ba...Eh Nay kung hindi po si Tatay ang pinakasalan mo.Sino sa tingin mo yung magiging asawa mo?" mas lalong kumunot ang noo ni Nanay sa tanong ko.
"Bakit naman?May problema ba sa tatay mo?" ani niya
"Wala Nay!Solb na Solb na nga sakin si Tatay eh!Sobra sobra pa!" buong pag mamalaki kong ani.
"Mabuti naman kung ganoon Nak.Aminin ko man o hindi maaaring naging maganda ang buhay ko kung pinili ko si Max,ang kapatid ng Tatay mo.Pero wala eh tinamaan yung nanay mo sa tatay mo.Hindi man tayo nakakaangat sa buhay ang mahalaga masaya tayo.Hindi man tayo mayaman sa pera,mayaman naman tayo sa pagmamahal" napangiti ako sa sagot ni Nanay.
"Oh siya maiwanan na kita at maghahanda pa ako ng kakainin natin" ani sa akin ni Nanay at iniwan ako sa kwarto ko.
©HeiressWritesStory
7:30 A.M.
"Ano ba Bianca bitawan mo nga ako!?" sigaw sa akin ni Grace.
"Grace I'm sorry sa mga nagawa ko noong nakaraang araw.Pero believe me hindi ako yun" paninindigan ko.
"Talaga lang?So sino yun fan mo!?Idol na idol ka kaya ginaya yung physical features mo pati boses mo!Aba Bianca alam kong matalino ka at bobo ako pero hindi ako ganun katanga para maniwala sa mga kasinungalingan mo!Layuan mo ako!From now on friendship over na tayo!Ayoko makipag kaibigan sa kagaya mong feeling sosyal at maarte!" tila mga pana ang bawat salitang binitawan ni Geace na tumagos sa aking puso at nagdulot ng labis na sakit.
Pakiramdam ko may nawalang mahalagang parte ng buhay ko.
Pakiramdam ko hindi na ako kumpleto.
Naramdaman ko ang unti unting pag tulo ng luha ko.
Napatingin ako sa relo ko ng may marinig na naman akong kakaibang tunog.
Wala sa sarili kong naipikit ang mata ko.
*Tik
7:58
*Tak
7:59
Tik
8:00
"Can you please walk faster!" dahan dahan kong iminulat ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Juan,I mean John.
BINABASA MO ANG
[TAGLISH]Timothy's One Shot Stories
RandomAnother One Shot Story of your truly Mysterious_RA