In a World Where Everything Seems Odd(Part II)

3 0 0
                                    

Andrea's PoV

Nasa harap ako ngayon ng Hari at Reyna na ina at ama ni Justine.

Inilibot ko ang paningin ko sa palasyong pinasukan namin.

Tiningnan ko si Justine na ngayon ay seryoso na nasa tabi kolang.

Nag alala naman ako sa pasa sa kaniyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya.

Naikwento na sa akin ni Vince ang lahat kung ano ang mundong kinalalagyan ko ngayon.

Ako daw ay nasa Odd World.

Ang mundo kung saan ang lahat ng di normal sa mundong pinanggalingan ko ay normal dito.

Kagaya nalang ng pangalan nila kung sa mundo namin ay angkop sa mga babae sa dito naman ay angkop sa mga lalaki.Katulad nalang ni Vince kung sa mundo ko ay karaniwan itong ginagamit sa mga lalaki ay dito ay karaniwan itong ginagamit para sa mga babae.

Kaya pala hinalikan ako ni Justine dahil sa mundong ito ay ang paraan ng pagpapakita ng inis at galit sa isang tao.

At kaya gulat na gulat sila ng sinapak ko si Justine dahil iyon ay pagpapahiwatig ng pagmamahal.

Nakakaloka diba!?

Ang weird!

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa magiging kwarto ko at kung hindi ako nagkakamali ay kasama ko sa kwartong iyon si Justine.

Tapos ko ng makilala ang ama at ina ni Justine.Hindi naman sila galit sa ginawa ko bagkus ay natuwa pa nga sila dahil nga iba ang paniniwala nila tungkol doon.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis na nararanasan ko ngayon.

Nabunggo ako sa likod ni Justine ng Huminto ito sa paglalakad.

"Hindi ko akalain na ganun ka palang babae..Ang bilis mong umibig sa isang lalaki" nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Justine.

Punyeta siya!

Malay ko ba na pag sinapak kita ibig sabihin ay mahal ko siya!

"Hindi kita mahal noh!" salungat ko sa sinabi niya.

"Bakit mo ako sinapak kong hindi mo ako mahal?" ani nito at humarap sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Bakit ganun?

Ang gwapo niya parin kahit may pasa na siya.

"Dahil---Hindi--Ko--naman alam na iba yung pagkakaintindi niyo sa sapak--Malay ko ba na ginagawa jiyo yun para ipakita ang pagmamahal niyo--" nauutal kong ani

"Hindi parin rason iyon para sapakin mo ako--Sabihin mo nalang na nahulog ka sa angkin kong kagawapohan!" maangas niyang ani.

"Asa ka!Ang panget mo kaya!" bulyaw ko sa kanya.

"Hindi mabubura ng iyong sinasabi ang ginawa mong pagsapak sa akin na nagpapahayag ng iyong pagmamahal sa akin" nakangising ani ni Justine dahilan para halikan ko siya.

Shems!

Bakit ko yun ginawa!?

Nakakahiya!

Natulala siya sa ginawa ko kaya agad ko siyang hinila papasok sa kwartong itinuro ng isang tauhan.

***

"Aray!" sigaw ni Justine ng ginagamot ko ang pasa sa kaniyang pisngi

[TAGLISH]Timothy's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon