"Sigurado ka bang may multo dito?"
"Oo at kapag may naipakita na tayong video na may nakunan tayong multo habang naglilibot sa ganitong lugar, marami na ang sasali sa club natin"
"Oo nga tska mapapatunayan na natin sa buong school na totoo ang mga sinasabi natin at hindi tayo mga baliw gaya ng inaakala nila"
"Hah? A-Ahh O-Oh sige sige tara bilisan na natin"
Napabalikwas ako nang may marinig akong boses ng mga lalaki. Hinanap ko yung pinanggalingan ng mga boses at dun ko nakita yung tatlong lalaki na may hawak hawak pang mga camera at flashlight. Umupo ako sa 2nd to the last step ng hagdan habang pinapanood sila.
Hmm... panibagong mga bisita nanaman. Kakalipat ko palang sa bahay na ito nung isang araw dahil sabi nila abandunado na ito. Di ko naman akalaing marami ang mga matatapang na nagtatangkang pasukin ito kahit nakakatakot talaga tong lugar na to.
"Sa taas. Tignan natin sa taas"
Nagulat ako nang paglingon ko nasa harapan ko na sila. Akmang iiwas nako kaso huli na ang lahat, nakadaan na sila. Lumusot sila sa katawan ko. Napasimangot ako, dahil kada may lumulusot na tao sakin, parang saglit na hinihigop yung lakas ko.
"T-Teka, n-naramdaman niyo ba yon?"
"Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko"
"Sabi ko naman sainyo ehh merong multo dito. Sabi sakin ng pinsan ko, pumunta sila dito ng mga kaibigan niya, tapos may nakita silang babae"
Napangiti ako saka ako lumapit at nakinig sakanila. Hohoho sa tingin ko yun yung mga estudyateng pumunta dito nung isang araw. Tsk tsk tsk mga takot naman yung mga yun eh. Nagpakita lang naman ako saglit tapos nagsitakbuhan na sila. Di siguro sila sanay makakita ng magandang multo
"Oh tapos? Anong nangyare? Anong hitsura nung babae?"
Maganda... Napakagandang multo.
"Nakasuot daw ito ng puting bestida na puro dugo"
"Tapos? Tapos? Ano pa?"
Tinignan ko yung suot ko. Napanguso ako, ayaw matanggal ng dugo sa dress na suot ko eh. Halos dalawang taon ko na ding suot to
"Gulo-gulo daw yung buhok niya tapos..."
"Tapos?"
Magan-
"Ampanget daw nung multo. Puno pa daw siya ng dugo sa mukha"
P-P-Panget???? Sino?? A-Ako?!!! Hah!!
"Sinong nagsabing panget ako?" pabulong na sabi ko dun sa lalaking nagsalita kanina.
"Yung pinsan ko nga-" natigilan siya bigla saka niya nilingon yung mga kasama niya.
"N-Narinig nyo yun?" tarantang tanong niya sa mga kasama niya. Sabay na umiling ang mga ito. Lumingon lingon siya sa paligid.
"Guni guni ko lang siguro"
Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Ako naman nakasunod lang sakanila. Grabe naman kung makapanglait yung pinsan nito...ayy teka teka... may naisip akong magandang ideya.
Nagpractice akong ngumiti saka ko sinuklayan yung buhok ko gamit yung mga daliri ko. O-kayy...tapos pumunta na ko sa harapan nila...
"Sa tingin niyo ba pangit ako?" nakangiting tanong ko sakanila. As in ang lambing ng boses na ginamit ko para hindi sila matakot, with matching puppy eyes pa. Kaso mali yata yung ginawa ko dahil sabay sabay silang namutla at nanigas sa kinatatayuan nila.
YOU ARE READING
Bounded [COMPLETED]
ParanormalHikari is a kind, talkative, short, and haggard looking ghost who's searching for a way to bring back her memories, along with her friend, Night, an annoying ghost who loves to tease her. As her journey goes, she met a teacher that caught her attent...