Chapter 12

18 2 0
                                    

A/N: Si Hikari naman HAHAHAHAHA


***

HIKARI'S POV

Pinatay ko nalang yung T. V. nang mainip nako sa palabas. Sinilip ko pa sa bintana yung dalawa pero wala na sila sa bakuran, napansin ko ding wala na yung motor ni Licht na palagi lang nakaparada sa harap.

"Ang daya~ iniwan akooo" reklamo ko. Pero natahimik ako nang may marealize ako.

"Hindi kaya...." Napatakip pa ko sa bibig ko dahil sa gulat. "Hindi kaya nagdate yung dalawang yun?" bigla kong naisara ang kurtina dahil sa naisip kong yun, pero kaagad din akong napasimangot nang maalala ko ang blankong mukha ni Licht.

"Imposible pffftt" natawa nalang ako sa sarili ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang may maisip nanaman ako. Pumikit ako at naglaho, sumulpot ako sa tapat ng bahay ni Dylan.

"Akala nung dalawang yun sila lang ang pweding gumala ahh tsk tsk tsk"

Papasok na sana ko sa loob nang biglang bumukas ang front door at lumabas don si Dylan.

"Hello~" bati ko pa with matching kaway kaway pero siyempre nilagpasan lang niya ko. Sumakay siya sa kotse kaya nakisakay din ako.

"San ka punpunta?" nakangiting tanong ko kahit naman alam kong hindi niya ko naririnig.

"Ang aliwalas ng hangin ngayon diba?" tinanaw ko ang maaliwalas na langit mula sa bintana ng kotse niya. Maya maya lang tumigil na ang kotse sa tapat ng isang bahay. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami.

Wala sa sariling napangiti ako nang makita ko kung pano siya salubungin ng maganda ngunit may katandaan nang babae.

"Kanina ka pa namin hinihintay" nakangiting bungad nung babae nang matapos magmano si Dylan sakanya.

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila. Ang saya saya nila habang nagkukwentuhan. Halatang close na close sila sa isa't isa. May lalaki ding lumabas sa isang pinto, inakbayan siya ni Dylan sabay gulo ng buhok nito.

"Kuya naman ehh" reklamo pa nung lalaki, sa tingin ko halos magka-edad lang kami. Ngayon ko lang din napansin na sobrang magkamukha sila, mas matangkad at mas malaki lang ang katawan ni Dylan.

"Kamusta ang pagrereview mo? Malapit na ang board exam mo" nakangiting tanong ni Dylan nang makaupo sila sa sofa

"Kita mo tong eye bags ko Kuya? Nakuha ko yan kakareview" tatawa tawang sagot pa nung kapatid niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ko nakangiti habang pinagmamasdan sila.

Napayuko ako, kamusta na kaya ang pamilya ko? Naaalala pa kaya nila ko? Kung oo, siguradong nagtatampo na sila ngayon dahil hindi ko man lang sila naaalala.

Lumabas nalang ako ng bahay at umupo sa may tabi ng gate nila. Napangalumbaba ako, ano kayang feeling ng may ganon kasayang pamilya? Ganon din ba kami kaclose ng pamilya ko?

Napaigtad ako nang may biglang sumulpot sa harap ko. Medyo nagulat pa ko nang marealize kong si Lily yun

"Lily!" nakangiting bati ko sakanya. Napakunot naman ang noo niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa

"Kilala mo ko?" medyo gulat pang tanong niya na ikinatawa ko, naalala kong malinis na pala ang hitsura ko ngayon

"Ako to~" tumayo pa ko at umikot-ikot sa harap niya. Maya maya lang unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"Gurang-ahh may pangalan ka na pala-Hikari? Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang sabi niya, nilingon pa niya yung bahay bago ibalik sakin yung tingin niya

Bounded [COMPLETED]Where stories live. Discover now