HIKARI'S POV
"Hoy gurang! Sigurado ka bang pupunta ka dun? Madaming ligaw na multo dun!" napakunot ang noo ko saka ko hinarap si Night
"Ang ganda ganda ng binigay mong pangalan sakin tapos gurang parin tawag mo sakin?!" maktol ko. Umirap naman siya
"Tatawagin kita sa pangalang gusto ko okay?" ako naman ang napa-irap sa sagot niya.
"Takot ka ba? 13th day ng month ngayon kaya maraming multo ang magtitipon tipon sa may bakanteng lote. Once a month lang to kaya hindi ko papalagpasin noh. Baka may makakilala na sakin o kaya naman may nakakaalam kung paano ko maaalala yung buhay ko dati" palinga linga ako sa paligid, hinahanap ko yung malaking puno ng Nara, yun yung simbolo ng bakanteng lote kaya mas madali kapag yun yung hahanapin ko
"Tss ako? Takot? Asa ka naman. Every month pumupunta ka dun pero wala ka namang napapala"
Napatigil ako sa paglalakad saka ako humarap sakanya
"Kung ayaw mong pumunta, wag kang sumunod sakin. Punong puno ako ng pag-asa tapos eepal ka" inis na sabi ko. Pilit kong iniiwasan na mawalan ng pag-asa tapos siya naman epal hmp!
"Toh naman! Biro lang! Galit agad. Bakit ba kasi gustong gusto mong malaman yung nakaraan mo? Hindi ka ba natatakot sa posible mong malaman? Tska hindi ba mas lalong mahirap tumawid sa liwanag kapag alam mong may maiiwan ka?"
Saglit akong napa-isip sa sinabi niya. Bakit nga ba? Bakit nga ba gustong gusto kong malaman yung nakaraan ko? Kapag tumawid ako sa liwanag makakalimutan ko din naman. Pumasok sa isip ko yung dahilan na parati kong sinasabi sa sarili ko kapag malapit na kong sumuko
"Bago ako tumawid sa liwanag, gusto kong makita ulit ang mga mahal ko sa buhay noh. Gusto kong malaman kung ayos lang ba ang lagay nila... tska..." bigla akong natawa sa naiisip ko, nakita ko din ang pagkunot ng noo ni Night habang hinihintay ang sunod na sasabihin ko
"Malay mo... may boyfriend pala ko nung buhay pa ko" nakangiting dagdag ko. Hihihihi dalaga naman na ko, hindi naman siguro ako namatay na single noh?
Napansin ko ang biglang pagtahimik ni Night. Aasarin ko sana pero bigla niya kong kinotongan
"Aray ko naman!" reklamo ko
"Wag kang assuming, madidismaya ka lang. Tsss.... Boyfriend daw" pang-aasar pa niya. Aawayin ko sana siya nang biglang may pumasok sa isip ko
"Ikaw ba? May girlfriend ka dati?" pag-iintriga ko. Natigilan ulit siya, at dahil nasa likod niya ko, at pareho kaming multo, hindi ako lumusot at nabangga ako sa likod niya
"Wala...namatay na ko bago ko pa nasabing mahal ko siya" pabulong na sagot niya pero rinig ko naman.
"Siya ba yung sinasabi mong hinihintay mo?" curious na tanong ko.
"Oo"
Naging awkward ang paligid. Akala ko hindi na siya magsasalita ulit kaya nagulat ako nang bigla niyang hilain ang braso ko.
"Ayun yung bakanteng lote. Bilisan mo! Kung ano ano kasing tinatanong mo dyan. Napakadaldal mo talaga" sermon pa niya kaya napanguso ako
"Oo na"
Pagdating namin sa bakanteng lote, sobrang daming multo. May matanda, bata, mga kaedad ko, basta marami sila.
Napaigtad ako nang may humawak sa laylayan ng bestida ko. Dahan dahan kong tinignan yun...
"AAAHHHHHHHHH!!!!" napatili ako nang makakita ako ng batang lalake na duguan. Kaagad akong napaatras at kumapit kay Night
"AAAAHHHHHHH!!!!" napatakip ako sa tenga ko dahil sa sigaw niya– nagulat ko yata siya
YOU ARE READING
Bounded [COMPLETED]
ParanormalHikari is a kind, talkative, short, and haggard looking ghost who's searching for a way to bring back her memories, along with her friend, Night, an annoying ghost who loves to tease her. As her journey goes, she met a teacher that caught her attent...