EPILOGUE

48 6 1
                                    



THIRD PERSON'S POV

Tahimik lang ang isang dalaga habang tinatanaw ang dinadaanan nila mula sa bintana ng bus na sinasakyan niya. Maya maya lang pinindot niya na ang button sa tabi niya, senyales na bababa na siya.

Ilang metro pa ang nilakad niya mula sa bus stop hanggang sa lugar na sadya niya. Nakangiti niya pang pinagmasdan ang kabuoan ng bahay ampunan bago pumasok sa gate. Nadaanan pa niya ang fountain sa gitna, kaya muli siyang tumigil sa tapat nun at binasa ang nakasulat sa parihabang metal plate na nasa gitna ng fountain. Nakasulat doon ang pangalan ng founder ng bahay ampunan...

'Dylan Illustre'

Sa baba ng pangalan na yun nakalagay ang date of birth, date of death, at iilang impormasyon sakanya. Tatlumpung taon na ang nakakaraan nang mamatay ito dahil sa isang cancer, isa itong sikat na propesor at marami siyang naipatayong bahay ampunan at isang hospital na ipinagpatuloy din ng mga pamangkin niya nang mamatay siya, hindi siya nakapag-asawa kung kaya't ang mga anak ng nakababata niyang kapatid ang nagpatuloy sa mga nasimulan niya.

Sa hospital din na yun kasalukuyang nagtatrabaho ang dalaga bilang isang ophthalmologist. Tuwing day off naman niya bumibisita siya sa bahay ampunan na to para icheck up ang mata ng mga bata ng libre.

Pagpasok ng dalaga sa loob ng bahay ampunan, masaya siyang sinalubong ng mga bata. Nagmano din siya sa punong tagapangasiwa ng bahay ampunan nang salubingin siya nito.

"Magandang umaga po" nakangiting bati niya kay Lola Lena

"Magandang araw din sayo iha"

Napangiti siyang muli pagpasok niya sa maliit na clinic ng bahay ampunan. Nandito ang ilang gamit niya sa pagsuri ng mga mata ng mga bata, pati na rin ng ibang manggagawa sa bahay ampunan.

Hapon na nang matapos siya, kasalukuyan silang naglalakadlakad ngayon ni Lola Lena sa loob ng bahay ampunan.

"Baka sa susunod na pagbabalik ko nalang po maibibigay ang mga bagong salamin ng mga bata, kasama na rin po ang bagong salamin niyo" matamis na ngumiti ang dalaga na ikinangiti din ni Lola Lena

"Nako salamat iha, nakapalaking tulong nun, nahihirapan na din akong mabasa ang mga nakasulat sa libro kaya sa iba ko nalang inuutos ang pagtuturo sa mga bata" natatawang sabi ng matanda, ngumiti lang ang dalaga saka tumango habang iginagala ang paningin sa bawat kwartong nadadaanan nila.

"Wala ho yun, masaya po ako sa trabaho ko, at isa pa, nag-aalala din ako sa mga bata, marami na ang may grado sakanila gayong ang babata pa nila" malumanay na sabi niya, ang mga batang pasyente niya kasi dito sa bahay ampunan ay nasa edad lima hanggang labing-lima lang.

"Kamusta naman ang trabaho mo sa hospital? Siguradong mas marami kang pasyente dun" napakamot sa batok ang dalaga saka pilit na tumawa

"Tama po kayo hehehe, sa katunayan nga po may nakaschedule akong limang na coroneal surgery bukas, at sampung appointments sa iba't ibang pasyente" iniisip palang niya ang dadatnan niyang trabaho bukas, parang napapagod na siya. Mahina namang tumawa ang matanda.

"Huwag kang masyadong magpapakalunod sa trabaho, sige ka, baka tumanda ka ng dalaga niyan" pagbibiro pa ng matanda at sabay pa silang tumawa.

Natigilan siya sa paglalakad nang makarinig siya ng tunog ng piano. Napalinga linga pa siya sa paligid na kaagad namang napansin ng matanda

"Hinahanap mo ang tinig na iyon?" nakangiting tanong ng matanda, wala sa sariling napatango siya. Dinala siya sa tapat ng isang kwarto at sabay pa silang sumilip sa nakasiwang na pinto.

Napatulala ang dalaga nang makita ang isang lalaki na nakangiti at nakikipagtawanan sa mga bata habang tumutugtog ng piano.

"Buwan buwan siyang dumadalaw dito para makipaglaro sa mga bata, tinuturuan din niyang tumugtog ng piano ang ilan, at sadyang sumasaya ang paligid ng bahay ampunang ito tuwing tumutugtog siya, balita ko isa siyang Doctor, tunay na napakatalentado at napakabait ng batang iyan. Gusto mo bang ipakilala kita sakanya?" gulat na napatingin ang dalaga kay Lola Lena, nakangiti ito na parang binubugaw pa siya sa lalaking yon. Napadaretso siya ng tayo at paulit ulit niyang iwinawasiwas ang mga kamay niya habang umiiling.

Bounded [COMPLETED]Where stories live. Discover now