HIKARI'S POV
Nakatulala ako habang iniisip parin ang mga nalaman ko kanina. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Licht dito parin sa bahay ng lola niya. Gabi na ngayon at sobrang dilim ng langit, mukhang uulan. Si Sir Dylan nga kaya yung tinutukoy ng lola ni Licht?
"Ay multo ka!" napahawak pa ko sa tapat ng puso ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Night.
"HAHAHAHAHA ang epic talaga ng mukha mo Gurang pfffttt" inirapan ko nalang siya. Tumalon ako pahiga sa malapad na kama ni Licht. Sinulyapan ko pa siya kung babawalan niya ko pero nanatili lang ang tingin niya sa ginagawa niya. Nakaupo siya ngayon sa tapat ng study table niya at may sinusulat sa papel. Hindi ko na din siya inistorbo dahil baka yung reflection paper kuno yung ginagawa niya.
"Gurang tignan mo to" napalingon ako kay Night, may hawak siyang baraha. Ngiting ngiti pa ang multo. Sumampa din siya sa kama at umupo sa tapat ko.
"Laro tayo"
"Sige sige"
"Hoy! Tara Sali ka, laro tayong unggoy ungguyan, mas masaya yun kapag mas marami" pag-aaya niya kay Licht. Lumingon naman siya samin, parang nag-aaalangan pa siya kung sasali ba siya o hindi pero di kalaunan tumayo din siya at umupo sa kama niya, bali nakapaikot kaming tatlo.
"Teka, anong parusa sa natalo" nagkatinginan kaming tatlo dahil sa tanong ni Night. Ano nga ba?
"Lipstick sa mukha" suggest ko. May minsan na kasi akong nakitang mga estudyante na naglalaro nito tapos nilalagyan nila ng lipstick sa mukha yung natalo.
"Mukha ba kong may lipstick?" medyo inis na tanong ni Licht habang nakaturo pa sa sarili niya.
"Oo nga no?" napakamot nalang ako sa ulo ko. Tumawa naman si Night
"Pulbos nalang tol, meron ka?" tatawa tawang tanong ni Night. Saglit na napa-isip si Licht bago siya tumayo at may kinuha sa drawer.
"Okay game na" si Night ang nagbalasa ng mga baraha, sa unang game, si Night ang talo. Pfffttt mukha siyang nalugi. Nilagyan namin siya ng pulbos sa mukha, tatawa tawa ako habang si Licht naman nakangisi lang.
"Humanda ka sakin Gurang kapag natalo ka" ngingisi ngisi pang hirit niya, ngumisi lang din ako pabalik. Sunod na natalo sa Licht
"Tsss" tanging sabi niya habang nilalagyan namin siya ng pulbo sa mukha
Lumipas ang ilang oras, hindi ko na maalala kung nakailang game na kami, basta punong puno na kaming tatlo ng pulbo sa mukha, malalakas din ang tawa namin tuwing napapatingin kami sa isa't isa. Pati si Licht na parang bagot na bagot pa nung una, malakas na ding tumawa ngayon.
"Lalo kang pumanget Gurang HAHAHAHAHA" napahawak pa sa tiyan niya si Night habang humahalakhak.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa din ni Licht habang nakatingin sakin.
"Kala mo ako lang" bulong ko. Bat ba palagi nalang akong pinagkakaisahan ng dalawang to?
*knock* *knock*
Natigilan kami sa katatawa nang biglang bumukas yung pinto. Pumasok dun ang lola ni Licht. Napastraight kami ng upo nang tumaas ang isang kilay niya. Isa isa niya kaming tinignan, kinilabutan pa ko nang magtama ang paningin namin
"Mga multo kayo pero naririnig ko ang tawa niyo, ikaw din Licht. Hindi ako makatulog dahil sa ingay niyo" suway niya. Kaagad naman kaming napatango. Pagkasarado ng pinto, impit kaming napatawa
"Kayo kasi ingay niyo" natatawang bulong ni Licht
"Ikaw din kaya" bulong ko din. Napatahimik ulit kami nang bumukas nanaman yung pinto. Pagpasok ng lola ni Licht, may daladala na siyang salamin. Pabato niyang inihagis na nasalo naman ni Licht.
YOU ARE READING
Bounded [COMPLETED]
ParanormalHikari is a kind, talkative, short, and haggard looking ghost who's searching for a way to bring back her memories, along with her friend, Night, an annoying ghost who loves to tease her. As her journey goes, she met a teacher that caught her attent...