Chapter 15

30 4 0
                                    


NIGHT'S POV

"Alam mo ba ang bahay niya?!" tarantang tanong ko kay Licht.

"Oo!" sigaw niya pabalik. Nakasakay kaming dalawa ngayon sa motor niya, hinahanap si Gurang. Pagbalik namin sa bahay nila wala na siya, kaya't papunta kami ngayon sa bahay nung teacher dahil malakas ang kutob kong pinuntahan nanaman niya yun.

Psh! Kapag napahamak nanaman ang gurang na yun ako mismo ang magtatali sakanya para hindi na siya mawala sa paningin ko.

"Walang tao sa loob" bungad ni Licht pagkatapos niyang paulit ulit na magdoorbell.

"Wala din ang kotse ni Sir, sa tingin ko may pinuntahan siya" dagdag pa niya. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis

"Wala ka bang alam na pwede niyang puntahan?" muling tanong ko. Saglit naman siyang napa-isip

"School? Ahh nope, sarado ang school ngayon tska ano namang gagawin niya dun?" napahawak nalang din siya sa noo niya dahil parehas kaming walang ideya kung nasaan ngayon ang dalawang yun.

"Uyy! Gwapong multo! Anong ginagawa niyo dito?"

Sabay kaming napalingon sa multong biglang sumulpot sa harap namin. Gulat pa siyang napatingin kay Licht. Itinaas pa niya ang dalawang kamay niya na parang magkakarate habang nakaharap kay Licht,

"Ikaw yung spirit medium na ipinakilala ko kay Gu-este-Hikari. Anong ginagawa niyo dito? Ayy wait!" nagpapalit palit ang tingin niya saming dalawa

"Ahhh... kaya naman pala loner ang babaeng multo, iniwan niyo siyaaaa" isa isa niya pa kaming tinuro. Nagulat ako sinabi niya, hinawakan ko siya sa magkabilang braso

"N-Nakita mo si Gurang?!" mukhang nagulat naman siya dahil sa biglang pagtaas ng boses ko.

"O-Oo... sandali ngaaaa" inalis niya ang pagkakahawak ko sakanya saka siya humakbang paatras

"Ano bang nangyari hah? May ginawa ba siyang kasalanan sainyo?" humalukipkip pa siya habang nakataas ang isa niyang kilay. Umiling lang ako

"Saan mo siya nakita? Kailangan namin siyang mahanap" hindi ko na sinagot ang tanong niya

"Nakita ko siya sa tapat ng bahay ni-ahhh- basta sa isang bahay, pero nakita kong sumakay ulit sila sa kotse at umalis. Hindi ko na alam kung nasan siya ngayon" malumanay na sagot niya. Saglit kaming nagkatinginan ni Licht.

"Saan banda yun?" muling tanong ko. Saglit naman siyang napa-isip habang inaaalala ang lugar na pinuntahan nila Gurang

"Hmm nakita ko silang lumagpas sa Jude's Avenue, yung bang mapunong daan?" nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung saan ang posibleng kinalalagyan nila ngayon.

"Licht bilis! Sa Sementeryo! May malapit na sementeryo dun! Nanduon ang puntod ni Gurang!"

"A-anong puntod-HOY! Hello??? Nandito pa ko"

Hindi ko pinansin si Lily. Hinarap ko nalang si Licht

"Mauuna nako doon. Sumunod ka nalang. Alam mo ba yung daan papunta dun?" mabilis na sabi ko. Kaagad naman siyang tumango. Napatango nalang din ako bago maglaho, sumulpot ako sa malaking puno na katabi lang ng puntod ni Irish. Saglit pa kong natigilan nang makita ko si Gurang na blanko ang mukha habang pinagmamasdan ang lalaking nakaluhod at umiiyak sa tapat ng puntod niya. Kitang kita ko ang nakakuyom niyang palad, kaagad akong lumapit sakanya at hinawakan yon. Paglingon niya sakin biglang nanggilid ang nga luha niya, nawala na din ang pagkakakuyom ng palad niya.

"R-Ren"

Napatulala ako nang banggitin niya ang totoong pangalan ko. Malaya nang umaagos ngayon ang mga luha niya. Tipid akong ngumiti habang pinupunasan ang luha niyang umaagos sa pisngi niya

Bounded [COMPLETED]Where stories live. Discover now