HIKARI'S POV
"San punta?" nagtatakang tanong ko kay Licht. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng plain navy blue na round neck shirt at faded jeans, kasalukuyan naman niyang sinusuot ang sapatos niyang kulay white
"May activity lang sa school, may pupuntahan kaming art exhibit" sagot niya habang sinisintas ang sapatos niya. Tumingin ako sa wall clock, 8:00 am palang
"Pwede sumama?" nakangiting sabi ko sabay lapit sakanya. Tumango lang siya sabay kuha ng back pack niya.
"Pagkatapos nun pupunta tayo sa bahay ng lola ko" nanlaki ang mga mata ko
"Talaga?!" excited na tanong ko, hindi naman siya sumagot. Lumabas na siya ng bahay kaya kaagad ko siyang sinundan.
"Makakapagmaneho ka na ba?" nag-aalalang tanong ko. Tatlong araw palang kasi ang nakakalipas mula nung maaksidente kami sa motor. Nagtataxi siya papuntang school at pauwi simula nun. Magaling na din naman ang paa niya at naghihilom na yung mga sugat niya.
"Oo" tipid na sagot niya. Bago siya sumakay ng motor tumingin muna siya gilid at likod ko na parang may hinahanap.
"Nasan yung kaibigan mo?" nagtatakang tanong niya.
"Ahh si Night ba? Maagang umalis kanina eh" parehas kasi kaming sumusunod sunod ni Night sakanya nitong mga nakaraang araw, ngayon lang siya umalis ulit. Sumakay na siya sa motor saka sinuot yung helmet niya.
"Baka nasa hospital ulit" bulong ko pa. Napalingon siya sakin
"Anong gagawin niya don?" nagtatakang tanong niya. Hindi nga pala niya alam na nandun yung lover ni Night
"Nandun yung love of his life niya ehh" kibit balikat na sagot ko. Bahagyang kumunot ang noo niya na parang hindi gaanong naintindihan yung sinabi ko pero hindi na rin naman siya nagtanong.
"Wow! Ang daming paintings" bulaslas ko nang makapasok kami sa isang malaking kwarto na maraming paintings. Isa isa kong tinignan yung mga yun
"Wag kang maglikot diyan. Baka hindi lumusot yang katawan mo at may matamaan ka" pasimpleng bulong ni Licht.
"Aye Sir!" sumaludo pa ko sakanya.
"Ano pala yung gagawin niyo dito? Magsasight seeing lang ganon?" pag-iintriga ko pa
"Sana nga ganon lang tsk"bulong niya
"Bakit?"
"Kailangan naming pumili ng isang art at hahanapin namin yung meaning nun tapos gagawa kami ng reflection paper" napakunot ang noo ko
"Ang hirap naman nun"
Hindi na siya sumagot. Inilibot nalang niya ang tingin niya, naghahanap ng painting na gagamitin niya para sa reflection paper niya.
"Akala ko ba nasa hospital yung kaibigan mo?"
"Huh?" nagtatakang tanong ko. Sinundan ko ng tingin yung tinignan niya. Nagulat ako nung makita ko si Night na nakatulala dun sa isang painting
Ngumisi ako saka ako dahan dahang lumapit sakanya. Sumunod naman si Licht sakin.
"BULAGA!!" sigaw ko sa tapat ng tenga niya
"Ay panget ka!" napaatras siya habang hawak hawak yung tenga niya na sinigawan ko.
"Panget nga" nakangising sabi niya. Inirapan ko siya, makapanget to. Pinanlakihan ko din ng mata si Licht na halata namang pinipigilan na matawa.
YOU ARE READING
Bounded [COMPLETED]
ParanormalHikari is a kind, talkative, short, and haggard looking ghost who's searching for a way to bring back her memories, along with her friend, Night, an annoying ghost who loves to tease her. As her journey goes, she met a teacher that caught her attent...