Chapter 4

28 5 1
                                    


NIGHT'S POV

Hindi ko alam kung ilang beses nakong humikab habang prenteng prenteng nakaupo sa lumang sofa ng Ghost Hunter's Club.

Pffffttt natatawa talaga ko kapag naiisip ko kung gano kacorny yung pangalan ng club nila. Nandito ngayon yung tatlong miyembro ng club na to at hindi sila magkamayaw sa paghahanap nung CD na kinuha at tinapon ko nung isang araw.

"Wala ba talaga dyan?" tanong nung isa.

"Wala talaga ehhh"

"Nasaan na ba yun? Nako naman"

Pinapanood ko lang sila sa ginagawa nila. Kung makalat na nung unang pumunta ako dito, ngayon, sobrang kalat na. Nagkalat sa sahig ang mga dyaryo, papel, libro, at mga basura.

"Ilang araw nang nawawala yun. Baka may kumuha na" tumigil sila at sabay sabay pang bumuntong hininga at umupo sa sahig. Para silang mga nalugi sa hitsura nila ngayon. Alam kong masama pero natatawa talaga ko sakanila pffffftttt

"Hindi kaya kinuha yun nung multong nakuhanan natin sa video?" tanong nung isa.

Ako ang salarin mga pre HAHAHAHAHAHAHA

"Oo nga no? Kasi wala namang ibang pumapasok dito at walang nakakaalam nun kung hindi tayo lang kaya imposibleng may taong kumuha nun"

Napatango tango ako. Tama tama... hindi tao ang kumuha ng CD niyo

"Bumalik kaya tayo dun?"

Napataas ang isang kilay ko. Wala na si Gurang dun kaya wala na kayong aabutan dun.

"Tara tara! Kunin niyo yung mga gamit niyo"

Pinanood ko sila habang kinukuha yung mga gamit nila. May mga camera pa sila. Hmmm naalala ko may nabanggit na matanda si Gurang dun.

Napangiti ako, sasama ako sakanila. Tutal wala rin naman akong gagawin at ilang araw nang busy si Gurang kaya wala akong maaasar. Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa parking lot. Sumakay din sila sa isang kotse at syempre nakisakay sakay din ako. Umupo ako sa backseat katabi nung isa na may suot na salamin.

Pagdating sa abandunanong bahay, humilera pa sila sa harap at nagsign of the cross bago pumasok. Pfffttt may pa props pa silang bawang at pakete ng asin. Hindi ko mapigilan ang tawa ko habang nakasunod sakanila. Iginala ko ang paningin ko sa loob. Nakakatakot nga naman tong lugar na to. Buti nakayanan ni gurang na tumira dito. Isang linggo din siyang namamalagi dito ahhh

"H-Hoy! Babaeng multo! M-Magpakita ka u-u-ulit samin!"

Napalingon ako sakanila. Parang matatae na sila sa sobrang takot hahahaha. Takutin ko nga >:')

Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid. Napangisi ako nang makakita ako ng bookshelf na may konting libro sa may gilid. Nilapitan ko yun saka ko tinadyakan yung bookshelf dahilan para mapalingon sila sa dereksyon ko.

"N-Narinig niyo yun?"

"Y-Yung c-camera bilis!"

Dahan dahan silang naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Nakatapat din ang camera nila pero ayos lang dahil hindi naman ako makukuhanan unless magpakita ako sakanila.

Sunod kong hinulog ang mga libro. Naglikha yun ng ingay na nagecho sa buong bahay. Pinigilan kong matawa nang mapansin ko ang pamumutla nila

"Bakit niyo ginugulo ang pamamahay ko?"

.

..

...

....

Bounded [COMPLETED]Where stories live. Discover now