HIKARI'S PAST Part 1
THIRD PERSON'S POV
FLASHBACK
Tahimik na umiiyak ang pitong taong gulang na si Irish. Tinatanaw niya mula sa bintana ng kwarto niya ang maliwanag na buwan at maliliit na mga bituin sa langit. Muli niyang naalala ang mga batang dumadaan sa tapat ng bahay nila tuwing hapon.
Masasaya sila habang naglalakad pauwi galing sa eskwelahan. May mga bitbit silang backpack at masayang nagkukwentuhan tungkol sa ginawa nila sa school. Naririnig ni Irish ang pinag-uusapan nila dahil sa matitinis nilang boses. Aaminin niyang naiinggit siya tuwing nakikita niya ang mga batang yun.
Tumingala siya sa langit habang nakapangalumbaba gamit ang dalawa niyang kamay.
"Papa Jesus... bad ba ko? may ginawa po ba kong bagay na hindi niyo nagustuhan? Kung meron man po, sana po patawarin niyo na ko. Gusto ko din pong maranasang magkaroon ng kaibigan na kasama kong pumasok sa school. Gusto ko din pong makapaglaro sa playground at makakilala ng ibang bata. Sana po pagalingin niyo nako. Sana po mawala na ang sakit ko. Promise ko po magiging mabait ako, ishahare ko ang kung anong meron ako sa ibang tao, hindi po ako magiging madamot, iiwasan ko na din pong umiyak... palagi po akong ngingiti at ishashare yun sa iba para makapagpasaya ako ng ibang tao"
Napahikbi siya, dahil alam niyang malabong mangyari ang hinihiling niya. Hindi siya pinapayagang lumabas ng parents niya, hanggang sa bakuran lang siya. Kung makakalabas man siya, sa hospital naman palagi ang punta nila para makapagpacheck up. Palagi naman siyang kinukwentuhan ng Kuya niya at palagi silang naglalaro ng puzzles. Sa totoo lang naiinggit din siya sa Kuya niya na apat na taon ang tanda sakanya dahil malaya itong nakakalabas at nakakapaglaro.
Napaigtad siya nang biglang may kumatok sa pinto. Kaagad niyang pinunasan ang luha niya bago buksan ang pinto. Nakangiti niyang sinalubong ang Daddy niya nang makita ito
"It's late, you should be sleeping. Hindi maganda ang pagpupuyat, anak" malumanay na sabi ng Daddy niya, lumuhod din ito sa harap niya para magkapantay sila. Napakamot sa ulo si Irish sabay halik sa pisngi ng Daddy niya
"Hehehe sorry po. Matutulog po talaga ko niyan" nakangiting sabi niya. Tipid na ngumiti ang Daddy niya, pinatong pa niya ang kamay niya sa ulo ni Irish
"Were you crying?" malumanay na tanong ng Daddy niya na bahagyang ikinagulat ni Irish pero kaagad din siyang ngumiti
"I was watching a movie on my tablet and the movie made me cry" pagsisinungaling niya. Ilang segundo pa siyang tinignan ng Daddy niya, di naman kalaunan ngumiti ito sabay pisil sa mataba niyang pisngi.
"Sa susunod wag ka nang manood ng movie na nakakaiyak, I don't want my princess to waste her precious tears, and you shouldn't watch movies and stay up late. Kids must sleep early--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang ituloy yun ni Irish
"to become healthy" masiglang sabi niya.
"That's my girl" ngiti pa ng Daddy niya saka siya hinalikan sa noo bago isarado ang pinto ng kwarto niya.
Pagbalik niya sa higaan niya, pumikit siya at pinagsiklop ang mga palad niya
"Papa Jesus, sorry po kung nagsinungaling ako kay Daddy. Ayaw ko pong malaman niya na malungkot ako, dahil alam ko pong mas malulungkot siya"
"Okay class, listen! This is Irish, she will be your new classmate from now on"
Ngumiti siya sa buong klase. May iilan din namang ngumiti at ang iba naman ay tinignan lang siya. 12 years old na ngayon si Irish at ito ang unang beses na papasok siya sa school. Ngayon lang siya pinayagan ng Daddy niya na ienroll sa isang private school, dati siyang home schooled kaya naman kabado siya sa mga oras na to.
YOU ARE READING
Bounded [COMPLETED]
ParanormalHikari is a kind, talkative, short, and haggard looking ghost who's searching for a way to bring back her memories, along with her friend, Night, an annoying ghost who loves to tease her. As her journey goes, she met a teacher that caught her attent...