Chapter 4

41 12 0
                                    


Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang fairy na lumilipad sa harap ko. Luminga ako sa paligid at napagtanto na narito pa rin ako sa may gilid ng balon. Dahan-dahan akong umupo at huminga ng malalim. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako habang inaalala ang isang napaka espesyal na alaala.


“Ikaw ba ang gumising sa akin?” tanong ko sa fairy at tumango naman ito. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Ngumiti ako sa fairy at nagpasalamat ngunit lumapit ito sa akin at bumulong.


“Lady Eva, kanina pa po kayo hinahanap ng mga flower pixies kaya po ginising kita.” Nanlaki ang mata ko nang maalala sila Aurelia. Naku! Malalagot na naman ako nito!


“Uh... Salamat ah! Paalam!” agad kong pinagaspas ang pakpak ko at lumipad papuntang library nasa akin pa kasi ang librong Historía. Sana ay wala sila roon, Kung hindi ay isang mahabang dakdakan na naman ang mangyayari, charot. Masyado ko atang inisip ang taong iniwan ako at hindi na ako binalikan. Hays, bahala na nga.



Tahimik akong naglakad nang makarating ako rito sa library. Ginamitan ko na lamang ng mahika sa pag lagay ang libro sa lalagyan nito at baka may makapansin sa akin. Dahan-dahan ko itong inilagay, kaya naman napahinga ako ng malalim nang mailagay iyon ng tahimik at maayos.


“Aha! Nariyan ka pala! Kanina pa kami hanap nang hanap sa iyo ngunit hindi ka namin matagpuan.” Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Louriyah sa harap ko at nakahawak pa ang dalawang kamay nito sa bewang. Lumapit pa ito sa aking mukha habang pinanliliitan ako ng mata na para bang sinusuri ang aking buong mukha.


“Saan ka nagpupunta ha? Naku naku Ebang!” Napangiwi ako nang marinig ang palayaw na binanggit nito. Inusod ko si Louriyah palayo sa mukha ko sapagkat sobrang lapit nito sa akin.


“Kadiri ka, Louriyah! Ebang?! Yuck! Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos ‘yon ang palayaw mo sa akin.” Inirapan ko si Louriyah ngunit tumawa lang ito ng malakas. Inirapan ko ulit siya dahil sa tawa niyang napaka tinis at sobrang sakit sa tainga.




“Narito ang halimaw na nakatakas! Hulihin siya!” Napatigil si Louriyah sa pagtawa at sabay kaming napatingin kay Clarissey na nakaturo sa akin at sa tabi niya may dalawang dahon na kasing laki niya na naka hugis sundalo. Nagulat na lamang ako nang sinugod ako nito kaya naman malakas kong pinagaspas ang pakpak ko ng isang beses kaya naman ay natangay sila ng hangin, kasama na si Louriyah. 


“Bakit ako nasama?! Ginigigil mo ako Eba—” Tinaasan ko siya ng kilay at akmang ipapagaspas ko muli ang aking pakpak ngunit ngumiti nang pilit na lamang si Louriyah sa akin.


Magrereklamo na sana ako kay Clarissey kung bakit kailangan pa akong literal na sugurin at tawagin akong halimaw na nakatakas nang biglang dumating si Aurelia. Nakahawak na ang dalawang kamay niya sa bewang, hay nako, Heto na naman tayo sa matagalang dakdakan, charot ulit!







Nagstretch muna ako dahil sa sobrang haba ng sinabi ni Aurelia, kasama pa ang ang puro ‘oo nga’ na sabat nila Louriyah at Clarissey. Medyo sumakit kasi ang katawan ko lalo na’t nakatayo lamang ako habang sila ay lumilipad at masyado ko atang binilisan ang paglipad kanina kaya medyo sumasakit ang parte kung saan tumubo ang pakpak ko.



Humiga ako sa kama ko pagkatapos magstretch. Hay, ang sarap sa pakiramdam. Pinikit ko ang aking mga mata at nagrelax na lang muna. Kahit nakatulog ako kanina ay parang wala lang iyon sapagkat inantok ako sa mahabang lecture ni boss Aurelia. Ewan ko ba sa mga flower pixies na ‘yon, minsan flower pixie, minsan nanay, pero mas madalas yung pagiging baliw nila katulad kanina.




Napangiti ako sa kawalan habang iniisip sila. Kahit naman ganoon ay pamilya ko sila. My family... Simula sanggol pa lang kasi ako ay sila na ang nag-alaga sa akin. Ang kwento nila sa akin ay ibinilin ako ng aking Ina sakanila kaya mula pagkabata ay para silang Ina ko. Ang saklap lang kasi hindi ko naabutan ang aking Ina. Sa totoo lang kahit nandiyan sila Aurelia na gumagabay sa akin na parang Ina ay nangungulila pa rin ako sa aruga ng isang Ina.




Dumilat ako at tinignan ang mga bituin sa kalangitan. Ang aking higaan na tinutukoy ko ay nakalagay sa pinakamataas na puno sa forest. Ang higaan ko ay kaparehas ng  nest ng mga ibon. Ewan ko ba, mas komportable ako rito sa higaan ko lalo na sa taas ng puno na ito. Mula kasi rito ay nakikita ko kung gaano kaganda ang kalangitan, lalong-lalo na ang buwan. Ang buwan ang pinaka gusto ko sa lahat, nakapa ganda nito at tila ba ay ang aking pampakalma tuwing naghahalo-halo ang aking emosyon.




Napangiti ako habang nakatingin sa buwan sapagkat naalala ko pa ang isa pang rason kung bakit gustong gusto ko ang buwan. Naalala ko siya sa buwan. Ang sabi niya sa akin ay tumingin lang ako sa buwan upang maalala ko siya na sa kabila ng kadiliman ay siya a ang magsisilbing ilaw para sa akin pero hindi ko aakalain na ‘yon na pala ang huling pagkikita namin.





Sa kabila no’n ay naghihintay pa rin ako sakanya kahit alam kong paunti na ang pag-asa na babalik siya. Kailanman ay hindi ako nagtanim ng galit sakanya dahil sa biglaang pag-alis niya. Alam ko namang mas mabuti iyon sapagkat mapapahamak lang siya rito sa forest. Pinagbabawal ang pagpapasok ng mortal dito lalo na ang pakikipag-kaibigan.






Ngunit... mayroong nakasaad sa Historía na mula nang matapos ang laban sa pagitan ng Imortal at Mortal ay nagkaroon ng seal ang hangganan ng forest na wala muling makakapasok na mortal dito. Ang pinagtataka ko lamang ay paano nakapasok siya rito kung isa siyang mortal? Napaupo ako sa naisip at agad napuno ng mga katanungan ang aking isipan.





“Pa-paano nangyari iyon? Posible kayang...”











Itutuloy...










——
A/N:


Keep safe and stay at home guys!

Vote & Comments are highly appreciated! Thank you!

EVANORA (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon