Chapter 6

38 12 0
                                    




Pagka-mulat ng mga mata ko ay agad kong tinignan ang ginagawa kong damit kagabi. Mas lalo tuloy akong naeexcite sa pagdalo sa kasiyahan. Even the birds are excited, they are chirping while looking on my dress. Napangiti ako at binati sila ng magandang umaga. Napaisip ako, gaano kaya kaiba ang lugar dito?




“Oh what a beautiful day!” Sambit ko nang tumayo ako at umikot-ikot. Mas lalo pa akong natuwa dahil sa pag-ikot ko ay sumabay ang mga ibon. Humarap ako sakanila, “Excited na rin ba kayo?” Humuni naman sila ng malakas.




“Kung ganon ay maari niyo ba akong samahan sa pagkagat ng dilim?” Tumingin tingin pa sila sa isa‘t-isa na tila ba ay nag-uusap sila. Nagulat na lamang ako nang lumipad sila sa balikat ko saka humini ng malakas.




Natawa naman ako sakanila at binigayn sila ng pagkain. Tinago ko naman ang dress ko at baka makita pa ito nila Aurelia. Kinakabahan ako sa kung anong mangyayari mamayang gabi pero mas angat ang pagka-sabik sa pagdalo. Paano kung nalaman nila Aurelia? Ano kaya ang maaring gawin nila sa akin?




Napahinga na lang ako ng malalim. Isang beses lang naman, Eva. Ang mahalaga ay maari mong hanapin si—No, ang mahalaga ay makikita mo ang itsura ng mundo ng mga mortal.






Huminga ako ng malalim at lumipad upang ikutin ang buong forest. Iniikot ko ito upang masigurado na maayos ang bawat lugar at bawat nilalang na naririto sa forest. Pagkatapos ay pumunta ako sa balon. Sa balon ko ibinuhos lahat ng aking katanungan. Lahat ng aking hinanakit, pati na rin ang pagpunta ko sa mundo ng mga mortal.






Hindi ko napansin na mayroong luha na pala ang tumutulo mula sa aking mga mata. Pinunasan ko ito habang nagpupunas ako ay napansin ko ang isang babaeng umahon mula sa balon.  Mahaba ang buhok niya at itim na itim ito. Ang kanyang balat ay tila isang perlas. Ang kanyang mukha naman ay parang isang nimpa. Napakaganda...






“Narinig ko lahat ng iyong hinanakit. Masyado ka bang naguguluhan sa mundo?”




Ang boses niya ay hindi makabasag pinggan, masarap pakinggan. Tumango ako sa tanong nito, nagulat na lamang ako ng lumapit ito at niyakap ako. Sa sandaling ito ay naramdaman ko ang yakap ng isang ina. Kaya naman unti-unting tumulo muli ang aking mga luha. 






“Tahan na, mahal ko.”






Tumingin ako sakanya, “Ina?” ngumiti siya sa akin. “Ang mga katagang iyon ay galing sa iyong Ina. Narito ako upang tulungan kang makatawid sa mundo ng mga tao.”





Tila nanlambot ang aking mga tuhod sa narinig. Mga katagang galing sa aking Ina... Kung ganon hindi niya ako iniwan. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Napaawang ang labi ko nang yumuko siya sa harap ko.





“Diyosa Deia ang aking ngalan. Ako ang diyosa ng balon na ito, mahal na reyna.”





Nagulat ako sa sinambit nito kung ganon ay maaring may iba pang diyosang naninirahan dito. Tinawag niya akong reyna... ngunit hindi pa ako isang ganap na reyna.





“Nagagalak akong makilala ka, Diyosa Deia ngunit hindi pa ako isang reyna.” Hindi siya sumagot at ngumiti lamang siya sa akin.






Inilahad niya ang kamay niya sa akin at namangha ako ng makita na may lumitaw na bagay sa kanyang kamay. Isang susi na mukhang luma. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ang susi.






Magtatanong sana ako nang unahan ako nito sa pagsalita.






“Gamitin mo ito upang makatawid ka sa mundo ng mga mortal. Pumunta ka sa hangganan ng gubat na ito at itapat mo lamang ang susi.”






Napa-awang ang labi ko at magtatanong pa sana ng unti-unti siya mawala.






“Mag-iingat ka sa mundong iyong tatahakin, mahal ko.”






Umalingawngaw ang katagang iyon. Hinawakan ko nang mariin ang susi. Napangiti ako at nagpasalamat sa diyosa ng balon sa aking isipan.









At sa wakas, magkikita tayo muli













Itutuloy...

EVANORA (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon