Nagising ako sa mga huni ng ibon. Ngumiti ako sakanila nang magmulat ako. Umupo ako, “Magandang umagaw sainyo.” nakangiting pag-bati ko sakanila.
Tumayo ako at nagstretch. Hay, ang sarap sa katawan. Pinagaspas ko ang aking pakpak at lumipad. Dinama ko ang halik ng hangin sa aking balat. Napapikit pa ako habang dinadama ang hangin.
“Good morning, Lady Eva!” Dumilat ako at ngumiti sa mga bulaklak na nakakapagsalita. Lahat ng nga creatures na nadaanan ko sa paglipad ay binabati nila ako at ganon din ako. Maswerte na lamang ako dahil mabait sila akin, siguro hindi naman dahil sa pagiging heir ko sa trono dito sa Moors. Ang kwento sa Historía ay sadyang purong kabutihan ang nasa puso ng mga nilalang na naririto. Hindi kailanman nabahidan ng sama ng loob ang mga nilalang sa forest.
Kapag ako na ang naging reyna rito ay naninigurado akong bibiyayaan ko sila at syempre aalagaan ng mabuti. Tungkulin iyon ng isang reyna, saka ang pagprotekta sa nasasakupan. Handa na nga ba ako para maging isang reyna? Paano kung—
‘Umagang-umaga, Eva! ‘Wag mong simulan pa. Ngumiti ka na lamang?’ sabi ko sa sarili. Hayst, nangungulila na ako sa aking Ina. Kung hindi lamang siya nawala. Nasaan na kaya siya?
Hindi ko napansin na naikot ko na ang buong forest at napunta na ako sa hangganan ng forest. Napansin kong may mga kawal doon at may hawak na papel? Paano nakapasok ang papel? Lumapit ako sakanila upang tignan kung ano ang nangyayarin doon.
“Anong nangyayari?” tanong ko sa dalawang kawal na nagtataka sa kung ano ang hawak nila.
“Lady Eva, nakita po kasi namin na nakapaskil ito sa pader. Kaya naman po kinuha namin.” pagpapaliwanag nila.
Binigay nila ang papel at tinignan ko kung ano ang naroon. Tinignan ko ito ng mabuti, halos ilang minuto na rin habang tinititigan ko ito. Nag-aalinlangan pa akong tumingin sakanila.
“Iwanan niyo muna ako.”
Pinaramdaman ko pa ang paligid kung nandyan pa ang presensya nila nang mapansin kong wala na ay agad kong binuksan ang inbitasyon. Isang inbitasyon ang nakapaskil sa pader.
Inyanyanahan namin kayo upang dumalo sa dumalo sa isang kasiyahan. Ito ay gaganapin bukas sa pagkagat ng dilim. Ang prinsipe ng Clifton Kingdom ay naghahanap ng kanyang magiging reyna. Lahat ng kababaihan ay nararapat lamang na dumalo marangya o dukha. Maraming Salamat!
— Clifton Kingdom
Sino naman ang prinsipe? Gulong-gulo na ang aking isip. Masyadong napupuno ng katanungan ang isipan ko. Una ay paano nangyaring nakapaskil ang imbitasyon sa pader at pangalawa, Anong kaharian naman iyon? Sino ang prinsipe?
Wala namang mangyayaring masama kung ako’y dadalo, hindi ba?
➖
Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng aking isip. Kung ako ba ay dadalo o hindi. Gusto ko lang naman makilala ang prinsipe— Mali! Mali! Gusto ko lang malaman kung ano ang mayroon ngunit kung magpapaalam ako kay Aurelia, papayagan ba ako? Syempre hindi, mundo ng mga mortal yun eh.
“Anong nangyayari sayo aber?” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla-bigla kasing sumusulpot si Louriyah! Hayst!
“Nakakagulat ka naman!” sambit ko habang hawak-hawak pa rin ang dibdib ko.
Umikot-ikot siya ulo ko at nanunuyang tinitignan ako. Ano naman ang ginawa ko? Minsan hindi ko talaga maintindihan si Louriyah.
“Jusmeyo! Para kang baliw kanina! Hindi mo ba napansin? na pagulong-gulong ka diyan sa higaan mo?” napakamot ako sa batok ko.
“Pasensya na.”
“Hmp! Matulog ka na riyan ha?” kasabay non ay hinalikan ako nito sa noo. May pagka-masunngit si Louriyah pero mas matimbang ang pagka-baliw niya hihi. Pumikit ako at nagkunwaring natutulog.
Minulat ko ang aking mga mata at sinugurado na wala na si Louriyah. Napangisi ako at nilagyan ng mahika ang paligid ko na ang makikita lang nila sa akin ay mahimbing na natutulog kahit hindi naman ako natutulog.
Ngayong gabi ay sisimulan kong gawin ang kasuotan para sa dadaluhan ko bukas ng gabi. Sana lang ay hindi ako mahuli nila Aurelia.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
EVANORA (ON-HOLD)
FantasíaEvanora is the heir of Dark Feys in the kingdom of Moors, the enchanted forest. Humans and Dark Feys are enemies in the past years until now, being friends and faling inlove with a human is probihited in their kingdom. One day, Evanora discovered th...