"Let us welcome, Lady Eva!"
Napatigil ang mga mortal sa mga ginagawa nila at bumalot ang katahimikan sa bulwagan. Nakikita ba nila ang anyo ko bilang Dark Fey? Dahan-dahan akong humakbang at bumaba sa hagdanan.
Am I that ugly?
Kumabakabog ang dibdib ko dahil maari nila akong kutyain sa itsura ko. Pagka-baba ko ay may isang lalaking lumapit sa akin na may hawak na mga inumin.
"Drinks, Lady?" Alok ng lalaki. Nagisip-isip pa ako kung kukuha ba ako ngunit tumango ako at kumuha ng inumin. Tumingin ako sa paligid at mabuti na lamang na nawala ang atensyon sa akin ng mga mortal.
Napahinga ako ng malalim at nagtataka akong tumingin sa inumin. Dahan-dahan akong ininom ito at napatango ako dahil masarap naman ang lasa.
"Hello!" Bati ng isang babae. Medyo lumayo pa ako sakanya dahil baka natatakot siya sa itsura ko.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" malumanay na tanong ko. Sa loob ko ay natatakot ako sa kung ang isasagot niya ngunit tumawa lang siya sa akin.
"Bakit naman ako matatakot? Teh, sobrang ganda mo kaya! Kaya nga na-shock ang people ng Clifford sa iyong beauty, ghorl!" Nagtaka ako sa pagsasalita niya ngunit ngumiti na lamang ako at nagpasalamat. Napagtanto ko na nasa anyo na ako bilang isang mortal.
Masyado naman niya akong pinuri. Ganon ba talaga ako kaganda?
Inabot niya sa akin ang kamay niya, "Oh by the way, I'm Crystal."
"I'm Eva." Inabot ko naman ang kamay niya. Binitawan namin ang kamay ng isa't-isa nang marinig ang malakas na trumpeta.
"Magandang gabi sa inyong lahat! Nagpapasalamat ang Royal Family ng Clifford sa inyong pagdalo-"
"Ang ganda mo talaga, lalo na yung mata mo, my god." Natawa ako sa sinabi ni Crystal. Napansin niya pala ang kulay ng aking mata.
"Maganda rin naman ang iyong mata, Crystal. " Totoo ang sinabi ko sapagkat napaka ganda naman talaga ng kanyang mata, kulay abo ang kulay nito.
"Sino stylist mo sis? Kabog na kabog gown mo eh." Bulong ni Crystal.
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya at nakinig na lamang sa inaanunsyo. Ang kulit ni Crystal ngunit nararamdaman ko ang kagandahan ng kanyang puso kaya hindi ako nag-aalinlangan na sumama sakanya at kausapin siya pabalik.
"Magbigay-pugay para sa hari at reyna ng Clifford! King Rome and Queen Ingrid!"
"Oh shoot." Napatingin ako kay Crystal na balisa.
"Bakit?" Ngumiti siya sa akin ng pilit.
"Uh, may gagawin lang ako ah? Mauna na ako." Mas lalong naging balisa ang kilos niya at nahawa pa ata ako.
"Ngunit-" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng tuluyan na siyang umalis.
Nagpalakpakan ang mga tao kaya nag-angat ako ng tingin. Agad na napukaw ng atensyon ko ang hari. Kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Kulay berde gaya ng kulay ng aking mga mata.
"At ang prinsesa! Princess Crystal Lare!"
Nanlaki ang mata ko sa inanunsyo at mas nagulat pa ako nang makita na ang kausap kong Crystal kanina ay isa pa lang prinsesa. Kaya pala balisa ang kilos nito nang marinig ang pagka-anunsyo sa hari at reyna.
BINABASA MO ANG
EVANORA (ON-HOLD)
FantasyEvanora is the heir of Dark Feys in the kingdom of Moors, the enchanted forest. Humans and Dark Feys are enemies in the past years until now, being friends and faling inlove with a human is probihited in their kingdom. One day, Evanora discovered th...