Chapter 10

4 0 0
                                    




Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan ang nakaluhod na prinsipe. Napa-awang ang labi ko sa sinambit niya, I clenched my jaw. Hindi ‘to tama, nahihibang na ba ang prinsipe?



“Anong sabi mo?” seryosong tugon ko.




Tumayo ang prinsipe at hinawakan ang braso ko. I look at his hands with a serious look. Mas lalong umigting ang panga ko sa paghawak niya at marahas na tinggal iyon.



“Nahihibang ka na ba? Papakasalan mo ang taong ‘di mo kilala?”




Sumeryoso rin ang mukha ng prinsipe, I think I burst him out. Masyado ko atang hinusga ang kanilang kultura but their culture sucks.



“Hindi tayo pwede, mahal na prinsipe. Hindi mo ako kilala—”



“Then, who are you?” putol nito sa sinabi ko.






“I am your worst nightmare.”




Nagpa-usok ako ngunit kulay berde ito. I immediately transformed into my dark fey look. Agad akong lumipad upang tumakas. Mabilis akong lumipad at baka may makita ng aking anyo.




Hinihingal akong bumaba sa tapat ng lagusan. Nararamdaman ko na naman na tumitibok nang mabilis ang puso ko. Napailing na lang ako at humakbang papasok ng lagusan.




Nagulat ako na sa pag-apak ko ay napunta na agad ako sa Moors. Siguro ay dahil ito sa susi na nilagay ni Diyosa Meui. I look at my chest and saw a key tattoo, ito siguro ang susi na bigay ni Diyosa Meui.




Akala ko ay babalik ako sa tahanan ni Diyosa Meui. Tatanungin ko sana siya tungkol sa kultura ng Kaharian ng Clifton. Nakakagulat ang kultura ng mga mortal. Ibang-iba sa kultura rito sa Moors.




Huminga na lamang ako ng malalim at lumipad papunta pahingahan ko.





Kinabuksan, nagulat ako dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ng tatlong flower pixie. Dahil sa gulat, nahampas ko silang tatlo.





Matinis na sigaw ang mas lalong gumising sa akin. Napabangon ako at nilapitan silang tatlo.





“Ayos lang ba kayo?” tanong ko.






Umirap sa akin si Louriyah samantalang sina Aurelia at Clarissey ay ngumiti at tumango lang sa akin.





“Pasensya na—”





“Hay nako, Evanora! Maglinis ka na nga ng iyong katawan at nangangamoy ka!” I rolled my eyes at Louriyah na tinakpan pa ang ilong niya.





“Bakit nga pala kayo narito? Grabe, hindi naman kayo nakakagulat ‘no? sa mismong mukha ko talaga?” Sarkastong sagot ko.





“Nag-aalala lang kami sayo...”





Napatigil akong tumingin kay Aurelia. Alam na nila kaya? Nabuko na ba ako nito nang ganito kadali?





“U-Uhm... Bakit naman?” Iniwasan ko pa ang tingin ni Aurelia.






Sumingkit ang mata ni Aurelia sa akin, “Hindi mo ba naalala?”






Nanlaki ang mata ko at agad nag-isip. Hala, anong mayroon ngayon? Patuloy akong naghalungkat sa isip ko kung ano ang mayroon ngayon. Malalagot ako nito eh.






“Kabilugan ng buwan mamayang gabi, Eva.” sambit ni Clarissey.






Agad akong napatango sa sinabi niya. Tama! Kabilugan ng buwan ngayon kung saan kaming lahat na nilalang na naririto sa forest ay mag-aalay sa Diyosang gumawa ng mundo.






“Ah, tama! Maghahanda na ako para sa aking iaalay.” Sagot ko at tumango na lamang sa aking ang tatlo at saka lumipad paalis.






I sighed, muntik na ako roon ah. Umiling na lamang ako at naghanda upang libutin ang forest kung naghahanda na nga ba sila.







BUMAbaba ako sa pagka-lipad at tumayo sa tapat ng balon. Tulad nang inaasahan ko ay lumabas ang diyosa.






Ngumiti ako sakanya at lumapit, “Alam ko na kung bakit ka narito, Eva.” Ngumiti sa akin si Diyosa Deia.






“Halika.” Sumunod lang ako sakanya papunta sa mga bato na nasa dulo ng balon. Nagulat ako nang bumukas ang mga bato nang hawakan ito ni Diyosa Deia.






Siguro nga, marami pa akong hindi nalalaman sa Moors.







Namangha ako sa nakita pagpasok ko pa lamang. Mala-paraiso ang lugar kaya’t nakapaganda nito. Napansin ko rin na puno ng bulaklak ang lugar.






“Ano ang gagawin natin dito, Diyosa Deia?” Nagtatakang tanong ko.






Lumingon siya at ngumiti lamang sa akin. Patuloy ko pa rin siyang sinusundan kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.






Napangiti ako habang naglalakad dahil napakaganda ng mga bulaklak na naririto. Tumungin ako sa harap ko at napansin ko na may isang bulaklak na nagniningning.






Ano kaya iyon?







Palapit kami nang palapit sa nagniningning na bulaklak. My mouth formed an ‘O’ dahil sa pagkamangha. Ang bulaklak ay lumulutuang at nasa loob ito nang isang bilog na para bang siya ang nagproprotekta sa bulaklak.






Puting-puti ang bulaklak at kumikinang ito. Napakagandang pagmasdan ito.






“Ito ay tinabi ng iyong Ina.” Sambit ni Diyosa Deia kaya napatingin ako sakanya.






“Mahirap itong kunin dahil kakaunti lang ang ganitong bulaklak at isa pa, may nagbabantay sa bulaklak na ito ngunit nagawa nang Ina mo na makuha ang bulaklak.” Paliwanag ni Diyosa Deia.






Napangiti ako nang binanggit niya si Ina, napakatapang ni Ina. Nagtabi pa siya ng bulaklak para sa akin.






“Subukan mong kunin ang bulaklak, Eva.”






Tumango ako at lumapit sa bulaklak. Inabot ko ang bulaklak at kinuha ito. Mas lalo akong namangha dahil lumutang lang ito sa aking kamay.






Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko sapagkat nararamdaman ko ang presensya niya at kung paano hawakan ng aking Ina ang bulaklak.






Sinarado ko ang aking palad at nawala ang bulaklak. Tila bang naging isang aking kamay at ang bulaklak.
Lumapit sa akin si Diyosa Deia at hinawakan niya ang aking kamay.






“Iyan din ang bulaklak na inialay ng iyong Ina sa Diyosa.” Ngumiti sa akin si Diyosa Deia habang marahan niyang hinahaplos ang aking likod. Tila may kung ano ang kanyang haplos dahil kumakalma ako rito.







Ayan din ang ialay mo sa Diyosa, Eva.







Sinambit ni Diyosa Deia sa aking isipan kaya tumango ako at muling inilabas ang bulaklak sama tinignan ito.









Itutuloy...

EVANORA (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon