Tumingin ako sa kalangitan, bilog na bilog ang buwan ngayong gabi. Nagbuga ako ng hangin, makakaya ko kaya ang responsibilidad na ipapasa sa akin mamaya? Ito ang araw kung saan magha-handog kami sa Diyosa at ang araw na matagal ko nang pinaghandaan ngunit...
Ang araw din na aking kinakabahala.
Pumikit ako at dinama ang hangin, Ako’y iyong gabayan, Ina.
Nang minulat ko ang aking mata ay saktong umilaw ang buong paligid. I opened my wings and fly down. Ang harapan ko ay tila ginawa para sa akin sapagkat ang aking dadaanan ay napapalibutan ng mga bulaklak at pailaw at ang ibang nilalang ay nasa gilid nito.
Binuksan ko ang aking palad at inilabas ang bulaklak. Itinaas ko ang aking tingin at mariing tinitigan ang batong nagsisilbing senyales kung kailan lilitaw ang Diyosa. Kapag ang bilog na buwan ay tumapat sa bato, iyon na ang senyales na ang Diyosa ay lilitaw.
Ang ganitong kaganap ay nangyayari lamang kapag nagbigay muli ang Diyosa ng tagapag-mana. Narinig ko ang ang mahihinang pag-singhap ng nga nilalang na nasa paligid ko nang inilabas ko mula sa aking palad ang bulaklak.
Anong klaseng bulaklak ito?
Tila napaka-espesyal ng bulaklak na aking alay ngunit isinantabi ko ang isipang iyon at ituon ang pansin sa pag galaw ng bilog na buwan sa pagtapat nito sa bato.
Dahan-dahan ang aking paglakad habang tinititigan pa rin ang pag-galaw ng buwan. Kasabay ng aking mabagal na lakad ay ang pag-bagal din ng aking paligid. Sa isang sandali ay wala akong narinig na kahit anong tunog.
My heart beats fast as I saw the moon with the stone. Unti-unting lumiwanag ang bato, napapikit ako dahil sa liwanag. Ilang sandali rin ang tinagal ng liwanag at lumabas ang isang marikit na Diyosa.
Pagkakita ko pa lamang sa Diyosang may gawa ay agad akong nag-bigay respeto sa pamamagitan nang pag-luhod at pag-yuko. Sa aking byong buhay ay ngayon ko lang nakita ang Diyosang may gawa.
Mula sa saglit na sulyap ko sakanya ay napagtanto ko na siya nga ang Diyosa, mula ulo hanggang paa ay masasabi mong lahat ay perpekto.
Nag-awitan ang mga ibon at muli akong tumayo, ganon din ang ibang mga nilalang. Inilibot ng Diyosa ang kanyang tingin sa buong paligid at tumigil ito sa akin.
Sa pag-lapat ng tingin nito sa akin ay ngumiti ito. Tila nawala ang lahat ng aking pagka-bahala at kaba sa aking dibdib, her presence heals me. Sa sandaling ito ay nawala lahat ng aking takot.
Bumaba ang tingin nito sa bulaklak na aking hawak. Mas lalong lumawak ang ngiti nito, “Kahit kailan ay hindi niyo ako binigo ng iyong Ina.”
Ngumiti ako at iningat ng Diyosa ang kanyang kamay kasabay non ang pag-angat ng aming mga alay at pinag-isa ang mga iyon, nang pinag-isa niya iyon ay naging bulaklak ang itsura non, ang bulaklak na aking alay ang itsura.
Hiniwalay niya muli ang mga alay at naging maliit na bilog ito. Bumagsak ito sa kapaligiran, narinig ko ang pagka-mangha sa aking pakigid. Sino bang hindi mamangha? Kahit ako ay namangha sa ginawa ng Diyosa.
Sa aking pagkakaalam, ang ginawang iyon ng Diyosa ay ibinigay niya sa kagubatan, sa Moors. Napangiti ako, kahit ang Diyosang may gawa ay iisa pa rin sa kanyang lupa.
Tumingin muli sa akin ang Diyosa at lumapit ito. Marahang hinawakan nito ang aking dibdib, napapikit ako sa paghawak nito at sa pag-labas ng kanyang kapangyarihan ay naramdaman ko ang kung ano ang pumasok sa aking dibdib.
Pagka-mulat ng aking mga mata, nadatnan ko ang pag-ngiti ng Diyosa at tumango ito sa akin.
“Magbigay pugay sa inyong bago tagapag-protekta at ang inyong Reyna.”
Humarap ako sa mga nilalang na sabay-sabay na lumuhod bilang pag-respeto sa bagong reyna. Napansin ko rin ang pag-bago ng aking anyo. Humaba ang ang aking itim na itim na kasuotan at hapit na hapit ito sa aking katawan. Ang aking pakpak naman ay lumaki at nag-halo ang itim at gintong kulay sa aking pakpak.
Naramdaman ko rin ang bagay na nakadikit sa aking noo, isang diyamante na nagpapatunay na reyna ng forest.
Napangiti ako sa naisip. Isa na akong reyna...
Itutuloy...
***
Too fast? Magiging kaunti lamang ang mga kabanata ng istoryang ito ngunit sisiguraduhin ko na detalyado ito.
Vote and Comments are highly appreciated. Thank you♡
BINABASA MO ANG
EVANORA (ON-HOLD)
FantasyEvanora is the heir of Dark Feys in the kingdom of Moors, the enchanted forest. Humans and Dark Feys are enemies in the past years until now, being friends and faling inlove with a human is probihited in their kingdom. One day, Evanora discovered th...