Chapter 2

64 14 0
                                    

Some information about their powers:  When their power is color gold, they use it for good but when it is green, it causes harm or they are making a curse.

Please leave your thoughts about the story!

—————————
Evalore







I slowly caress my baby’s cheek. Tila ba’y nakakalimutan ko ang mga problema kapag nakikita ko ang aking anak. Siya ang aking pahinga sa  nakakapagod kong mundo. Ngunit aking kinakabahala ang kanyang mga mata, siya lamang ang mayroong kakaibang kulay ng mata sa buong lahi. 









Huminga na lamang ako ng malalim sapagkat nabuo siya sa pagmamahal namin ni Rome. Natawa na lang ako ng mapakla ng maalala na ako nga lang pala ang nagmamahal. Si Evanora lang ang natatanging kalahating imortal at mortal sa aming lahi.














Nababahala rin ako sapagkat maaring maging banta siya sa aming lahi sapagkat ang isang bata na imortal at mortal ay pinagbabawal, kaya nga ipinaghiwalay ng Diyosa ang mundo ng mga imortal at mortal. Nakapag-basa ako ng mga libro tungkol sa mga maaring kakayahan ng isang imortal at mortal na dark fey.  







 
Napatigil na lamang ako sa pag-iisip nang dumatik ang isang uwak. Ang uwak ay isa sa mga natatangi kong kaibigan. May ibinulong ito sa akin kaya naman agad akong napatingin sa anak ko.











“Aurelia! Louriyah! Clarissey!”










Isa-isa silang lumabas sa aking harapan, “Yes?” sabay sabay nilang sabi, “Kayo na ang bahala sa aking anak.” napatingin ako sa anak ko at marahang hinawakan ang pisngi nito.
















“I love you, my baby. I’ll always be here beside you.” tumulo ang luha ko at hinalikan siya sa noo. Nababahal ang tingin sa akin ng tatlong flower pixies, halatang gustong itanong sa akin kung anong nangyayari ngunit tumango lamang ako sakanila.












Pumunta ako papunta sa hangganan ng forest. Nilagyan ko ng seal ang pintuan nito upang walang makapasok na mortal.















Napatingin ako sa mga kawal na nakapalibot sa labas ng forest. Ano na naman ba ang kailangan nila? Napatingin ako sa namumuno sa kanila. Ngumisi ako nang makitang ang namumuno sa kanila ay isang traydor. So that’s the exchange after cutting my wings? Oh how pathetic.












Anong klaseng nilalang yan?!”













“Halimaw!”













“Demonyo!”













Napangisi ako sa narinig. Halatang walang kaalam-alam kung sino ang kinakalaban nila. Oh, didn't their King inform how can we be so powerful? Walang kwenta talaga kahit kailan. Mas lalong napupuno ng galit ang aking puso. Narinig ko ang pagaspas ng pakpak at naramdaman kong may humawak sa aking balikat.













Ina...












Simula ng malaman ni Ina na binigyan ako ng Diyosa ng isang sensyas na ako’y magkakaroon ng anak ay nanatili ito sa pinaka mataas na puno sa forest at hindi siya bumaba kahit ako’y nakoronahan na bilang reyna at tagapagpangalaga ng Moors, hanggang sa ngayon na bumaba na siya. Napangiti akong tumingin sa aking Ina at tumango na lamang ito sa akin. 











Isa-isang nabuhay ang mga galing sa lupa at humugis tao ang mga ito. Ang iba ay nakasakay sa hugis kabayo at may hawak din silang sandata. Ngumisi ako at tumingin sa mga mortal, animo’y sisiw na takot na takot makain ng ahas.











Humalakhak ako ng malakas, “You don't know me? Oh poor stupid mortals, hindi kilala kung sino ang kinakalaban nila.” Mas lalong tumulis ang tingin ko sa kanilang lahat at unti-unting naging berde ang paligid.
























“I am Evalore, the Queen and Protector of Moors.”





















➖➖➖➖➖
Evanora








“What? Where’s the other pages?”







Binuklat buklat ko pa ang libro para masigurado kung nawawala nga ba talaga ang iba pa nitong pahina. Bumagsak na lamang ang aking ulo sa libro sapagkat hindi ko ito mahanap.  Mas lalong hindi ako makakatulog nito eh!







“Evanora! Anong nangyari sayo?”







Napa bangon agad ako ng marining ko ang matinis na boses ni Aurelia. I heavily sigh. Lumapit sa akin si Aurelia at umupo sa aking balikat.







“Oh dear, what happened?” nag-aalalang tanong nito. 







“Hindi ko po kasi mahanap ang ibang pahina ng librong ito.” Ngumuso ako at tinuro ang libro. Lumipad naman siya papunta sa libro at tinignan ang titolo nito. Saglit itong natigilan nang mabasa kung ano ang libro.







“Evanora, bakit mo binabasa ito?” Nakaharap pa rin sa libro si Aurelia. Napakamot na lang ako sa aking batok at nag kibit balikat.







“Eh kasi—” 







Hindi ko natuloy ang sasabihin nang dumating si Louriyah at Clarissey. Saglit din silang natigilan nang makita ang libro. Nalilitong tumingin sila sa akin ngunit ngumiti na lamang ako sa kanila.












Ano bang meron sa libro na iyan?










Pinagbabawal ang pagbabasa sa librong iyan, Evanora! Naku, baka malintikan pa tayo sa Goddess—”







“Hush!” pag-singit ni Aurelia kay Louriyah. Tumango naman si Aurila kay Clarissey at binalik naman ni Clarissey ang libro sa pinakatuktok ng bookshelf. Lumapit naman sa akin si Aurelia af hinawakan ako sa pisngi.







“Mas mabuti pang magbasa ka na lamang ibang libro o ‘di kaya magsanay ka na lang ng iyong kapangyarihan, ha Evanora?”







“Opo.” Tumango na lamang sa akin si Aurelia at saka ako hinalikan sa aking noo. Ganoon din ang ginawa ni Louriyah at Clarissey at saka sila lumipad papalayo sapagkat madaming ginagawa ang mga flower pixies. Laging ganoon ang ginagawa nila sa akin. Tila ba’y ang aking ina ang humahalik sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim.







These past few days, I dreamed about the war of Immortal and Mortals. I don't know why! Hindi naman talaga ako interesado roon ngunit gabi-gabi ay iyon lagi ang aking napapaginipan. Kaya naman ay hinanap ko ang libro upang masagot ang aking mga katanungan. Masyado nitong ginugulo ang aking isipan. Baka hindi na naman ako makatulog nito eh! Hayst!







Huminga ako ng malalim at umiling-iling, tumingin ako sa pinakatuktok ng bookshelf kung saan naroroon ang libro. Hindi...














Hindi pa rin ako titigil sa paghahanap ng kasagutan... Ano nga ba ang nangyari sa digmaan?



















Itutuloy...

EVANORA (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon