Credits to @Savage_Sunshine1 for making the new bookcover. Thank you! Also, read her works!***
Malapit nang kumagat ang dilim at naghahanda na ako para sa kasiyahan sa kaharian ng Clifton. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na tatakas ako ‘kila Aurelia. Saglit lang naman ako sa mundo ng mga mortal. Bago pa man sumikat ang araw ay sisiguraduhin ko na narito na muli ako sa Moors.
Lumipad ako at tinignan ang buong forest. Nakita ko naman na isa-isang naghahanda ang mga nilalang sa pagkagat ng dilim upang magkaroon ng ilaw ang forest. Tumingin ako sa araw at unti-unti itong bumaba. Hinintay ko lamang na bumaba ang araw at saka ako lumipad papunta sa hangganan ng forest.
Nag-lagay muli ako ng mahika sa puno na aking tinutulugan. Mahikang ginamit ko noon habang ginagawa ko ang susuotin ko ngayon sa kasiyahan. Siyempre ay hindi ko malilimutan ang susi na binigay sa akin ni Diyosa Deia.
Bumaba ako sa pagka-lipad nang marating ko na ang hangganan ng forest. Hinawakan ko ang pader na napuno na ng lumot. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ngunit hindi ko alam kung bakit. Nakita ko ang isang simbolo na parang susi kaya naman inangat ko ang aking kamay habang hawak ang susi na ibinigay ni Diyosa Deia.
Itinapat ko ito at unti-unting nagkaroon ng liwanag. Hinarang ko ang aking kamay sa mata ko dahil sa sobrang liwanag. Saglit lamang ang liwanag na lumabas kaya naman ay agad akong tumingin sa susi kung nasaan na iyon.
Agad na pumukaw ng aking atensyon ang isang babae. Napansin ko na ang susi ay nasa gitna ng kanyang dibdib. Katulad ni Diyosa Deia ang kanyang buhok ay mahaba ngunit kayumanhgi ang kulay ng buhok nito at napansin ko rin ang puro susi na kwintas at pulseras nito.
“Isa ka bang diyosa?” Nagtatakang tanong ko sa babae habang pinagmamasdan pa siya.
Ngumiti siya at tumango sa akin, “Ako nga, mahal na reyna. Diyosa Meiu, Diyosa ng susi.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil sa pangakawang beses ay tinawag na naman akong reyna ng isang diyosa.
“Matagal na kitang hinihintay, Eva.”
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Bakit napaka hiwaga naman ng mga salita ng mga diyosa? Hinay hinay lang po, hindi naman ako ganon katalinuhan huhu.
Inabot nito ang kamay niya sa akin, “Halika, ihahatid na kita papunta sa mundo ng mga mortal.” Kaya naman inabot ko ang kamay ko sakanya.
Nagulat ako nang kinuha niya ang susi sa kanyang dibdib at ipinasok ito sa pader na para bang may butas iyon para sa mga susi. Bumukas na tila isang pinto ang pader kaya pumasok kami roon.
Namangha ako sa nakita sapagkat puno ng mga susi ang paligid at naka-ayos pa ito. “Ito ang aking tahanan.”
Napansin kong nakangiti si Diyosa Meiu habang pinagmamasdan ang lugar kaya napangiti rin ako. Ang ganda niya ngumiti! Tunay ngang isa siyang diyosa, sana ako rin!
“Narito na tayo kamahalan.”
Nakita ko ang isang butas na nagliliwanag. Nagtataka akong tumingin kay Diyosa Meiu. “Iyon ang daan papuntang mundo ng mga mortal. Mag-iingat ka, kamahalan.”
Nagulat ako nang hawakan niya ang dibdib ko at tila may ipinasok siya roon. Kasabay non ang pag-tulak niya sa akin papunta sa butas na nagliliwanag.
“Ahhh!!” Napa-sigaw ako sa pag-tulak sa akin ni Diyosa Meiu.
“Isang susi ang iniligay ko sa iyong dibdib. Ang susi na iyon ay may kakayahan na dalhin ka sa mundo ng mga mortal.”
Medyo kumalma ako nang marinig ang boses ni Diyosa Meiu pero mas lalo akong nagulat nang may tumulak pa sa likod ko.
Hingal na hingal ako at napa-hawak pa ako sa aking dibdib. “Grabe naman ‘yon, Diyosa Meui. Muntik ko ng hindi kayanin.”
Tumingin ako sa paligid. Bumalot ang kadiliman sa paligid. Nasaan na ba ako?
“Nasa mundo na ako ng mga mortal?!” Napatingin ako sa aking kasuotan. Nagbago ito, ito ang kasuotang ginawa ko ngunit mas nag-mukhang magarbo ito.
Nagulat ako ng may dumaan sa harap ko. May bumabang isang mortal ngunit napansin ko ang tainga nito na mukhang dahon. Napangisi ako dahil hanggang dito ay tinutulungan ako ng kalikasan.
“Isa itong kalesa, Lady Eva. Sumakay na po kayo upang maihatid namin kayo sa Kaharian ng Clifton.” Inalalayan naman ako nito papasok ng kalesa. Umandar naman ang kalesa.
Napatango-tango ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ganito pala ang itsura ng mundo ng mga mortal. Hindi naman malaki ang pagkakaiba sa Moors ngunit ang mundo ko ay puno ng mga nilalang. Dito naman ay puno naman ng mga—
Nagulat ako na sa bawat nadadaan namin na wala sa Moors ay may lumalabas na salita kung ano iyon. Tumango ako at nakita na puno ng mga bahay ang paligid.
Nakikita ko ang isang bahay sa kalayuan na sobrang liwanag at malaki pa ata iyon. Lumabas ang salita, kastilyo. Namangha ako sa laki ng kastilyo habang papalapit kami rito.
Namangha ako nang makakita ng maliit na talon— fountain. Umikot kami roon. Tumigil ang kalesa at bumukas ito.
“Ito na po ang Kastilyo ng Clifford, Lady Eva.”
Bumaba ako at namangha sa laki ng kastilyo at kung gaano ito kaganda. Napaka garbo ng paligid. Ngumiti ako at hinakbang ang paa ko sa hagdanan.
“Maligayang pag dating sa Kastilyo ng Clifford, binibini.” Ngumiti ang lalaki sa akin.
Ngumiti ako sakanya pabalik, “Ano ang iyong pangalan, binibini?”
“Eva. Eva ang aking pangalan.”
Tumango ito sa akin at bumukas ang malaking pintuan sa aking harapan.
“Let us welcome, Lady Eva!”
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
EVANORA (ON-HOLD)
FantasyEvanora is the heir of Dark Feys in the kingdom of Moors, the enchanted forest. Humans and Dark Feys are enemies in the past years until now, being friends and faling inlove with a human is probihited in their kingdom. One day, Evanora discovered th...