I

132 1 0
                                    

"Shaye..."

"Shaye... ano ba buksan mo 'tong pinto!" Dinig na dinig ko pa sa labas ang malakas na sigaw ni Allen.

Bumalik na ako sa apartment ko hindi ko na kaya, hindi ko na kaya na ipagpatuloy pa namin ang relasyon namin.

I hate to blame myself one day na bakit hindi ko siya iniwan at masasaktan lang sa kamaliang ginawa niya sa akin.

Buti nalang wala pa kaming anak na kailangang ipa priority. At hindi kami umabot sa pagpapakasal.

"Shaye buksan mo itong pinto! Mag usap tayo!" Sa tuno ng pag sasalita niya alam kong galit siya.

Hinding hindi ko dapat pa siyang  kausapin kahit kailan.

Hanggang sa ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko ang boses ng security ng building na inuupahan ko. Kanina ko pa tinawagan ang security ng private apartment na 'to tapos ngayon lang darating.

Ilang minutong pag uusap nila ay umalis na nga sila.

At nangibabaw na nga ang katahimikan ng umalis na ang taong kinasusuklaman ko.

.
.
.
.
.
.
.

"Ms. Mercedes salamat sa pag stay dito sa apartment na ito ng matagal." Kailangan ko na ngang lumipat ng titirhan o isa pang pumapasok sa isip ko ay ang gamitin ang bahay na ipinamana sa akin ng mga magulang ko.

"Sige mauna na po ako. At baka maiwan pa ako ng barko." Kaya para na din makatipid sa mga gagastusin ko sa pang araw araw ay sa bahay ako ng mga magulang ko na ipinamana sa akin titira. At syempre bagong buhay na din, makalimot sa pang lulukong ginawa sa akin ng gagong Allen San Nicolas na 'yon.

Ilang minuto lang din ang layo nito sa bago kong bahay sa papasukan kong trabaho.

I'm Shaye Wisteria Mercedes, 24 years old. And I am an independent woman na hindi kailangan ang isang Allen San Nicolas sa buhay.

Ilang week pa lang ang lumipas at buti naman hindi na pinapakailaman ni Allen ang buhay ko.

Paniguradong nagpapa kasaya sila ng kaniyang bagong girlfriend.

"Hello iha welcome back sa bahay na ipinamana sayo ng mamang at papang mo." Bati sa akin ni tita Lousiana. Kapatid siya ni mama bata pa lang kami ng ilang kapatid ko ay siya na nga ang nag babantay habang busy sila mama at papa sa pagpapatakbo ng aming maliit na company. Na ngayon ay lumaki na nga dahil sa mga magulang din namin na ngayon ay manage na ng nag iisa kong kuya Simon ni hindi na nga nakapag asawa si tiya dahil na din sa panay ang pagbabantay niya sa amin.

"Sa wakas naka balik na rin po ako. Matagal na gustong gusto ko itong gawin." Natatanaw ko sa loob ng bahay si kuya Simon kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki't babae.

"Halika na pasok na tayo hinihintay ka na nila." Masaya akong makita na kasama ni kuya ang pamilya niya.

Ang kulang lang si ate Isla Moon  paniguradong busy siya sa pagpapatakbo ng restaurant niya. Pero nakakalungkot lang dahil hindi siya pupunta sa paglipat ko sa bahay na ipinamana sa akin ni papang at mamang.

"Don't think that woman she's just busy in her business. You know that already Shaye." Kuya Simon said while slicing the steak.

"I know. Buti nalang andito kayong buong pamilya." Sabay sulyap ko sa dalawang makulit na anak ni kuya Simon.

Si ate Marga naman ay tahimik na ngumiti nalamang sa akin.

"Oh siya mauna na kami. Enjoy sa bahay mo." Tita Lousiana said while tapping my cheeks and she planted a kiss in it.

ONESELFCompleted✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon