VII

39 1 0
                                    

      Napa slow motion ang pagpasok niya. Napatitig ang lahat sa pagdating niya. She's gorgeous and I can sense an aura of a power.

"The queen is here!" Malakas na pagsigaw ang pinakawalan ng isa sa nakaupo sa lamesa mukhang may tama na dahil sa nainom na wine.

"Yeah I'm here in front of you guys." Hindi niya pa rin ako napapansin na nasa tabi lang ni Felix habang itong si Felix ay nakatingin lang din sa kaniya and he looked amused dahil sa gandang meron siya.

"Oh Felix is here too together with his fiancée." At ng sabihin lang nila na may kasamang fiancée si Felix ay napatingin na siya sa direksyon ko.

She's shocked too like me.

My older sister is here too in this place.

And she is Felix River Loyola's co-student back in college.

"You are Felix fiancée?" Tila ba hindi niya ako kakilala ni hindi man lang niya ako tignan ng maayos dahil sa naiilang siya sa akin.

"Yes she's my fiancée." Sasagot na sana ako ng naunahan lang ako ni Felix na sumagot sa kaniya. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"I have to go to restroom."Pagpapaalam ko kay Felix at ngumiti nalang sa ibang naka upo.

"Buti naman may time siyang pumunta ng New York City para makapag reunion pero ang pumunta sa bahay e hindi man lang siya pumunta." Sabi ko sa sarili ko.

I can't believe that she's her.

Ilang minuto din ako na nagtatagal sa ladies restroom kaya naisipan ko na bumalik na sa labas.

Pagka balik ko sa upuan namin ay wala ma si Felix at nakita ko ding wala di ate Isla sa kinauupuan niya.

Hinanap hanap ko sa kung saang sulok ng venue si Felix ay wala siya don. Kaya naman nag pasya na ako na bumaba sa lobby para tignan kung nanduduon siya pero wala din don.

My gosh wala akong kasama nito pauwi.

Napag desisyunan ko nalang na bumalik sa taas para doon nalang hintayin si Felix.

Ilang oras na ang lumilipas pero walang Felix ang dumating. Umaalis na din ang mga ilang kaklase ni Felix.

"Wisteria wake up. We are going home." Narinig ko ang boses ni Felix. Kalmado lang boses niya walang halong kahit ano man.

"Felix?" sa pangalawang pagkakataon ginising niya ako.

"Yes it's me. Stand up we are going home." Sumunod nalang ako sa pinapagawa niya.

"Saan ka ba nag punta Felix ang tagal mo." Pag tataray ko sa kaniya. Buti nalang walang lamok don sa pinag pahingahan ko kundi wala na ang future ng balat ko.

"May inasikaso lang ako pasensya na hindi ako nakapag paalam." Natutulog pa ata ako kasi ang linis ng pagsasalita niya ng wikang Filipino.

Nagpapanggap lang siya na hindi siya marunong mag salita ng wikang Filipino! Aba!

"Ganun ba. Bukas na ba ng umaga ang flight natin papuntang Sicily?" Nasa sasakyan na kami pabalik sa hotel na tinutuluyan namin.

"Ngayon na ang flight natin." Buti naman hindi na siya nagsasalita ng Inglis. 'yan dalasan niyang mag salita ng wika ng Pilipinas.

Pero anong ibig niyang sabihin ngayon na ang alis namin?

"Pano ang mga gamit?" Napa ayos ako ng pagkaka upo ng marinig ko 'yon sa kaniya.

ONESELFCompleted✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon