Chapter One

2.2K 29 4
                                    

"DON'T MAKE this hard for the both of us, Ross. I'm not happy anymore. Nasasakal na ako sa relasyon natin. Please, let me go. We can still be friends."

Kitang-kita ni Eena ang paglamlam ng mga mata ng nobyong si Ross. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi naman niya puwedeng itago ang nararamdaman dahil sigurado siyang mas masasaktan lang niya ang binata. And he doesn't deserve it. Ross is a good man and he deserves a woman who can love him with all her heart.

Hinawakan niya ang mga kamay ng lalaki na napayuko na lang. "Mas maganda nang tapusin 'to ngayon kaysa naman magkasakitan tayo lalo, hindi ba?" iniangat niya ang mukha nito at tinitigan ito ng deretso sa mga mata. "You're special, Ross. You're a good man and I want you to be happy. Alam kong hindi ako ang makakapagpasaya sa'yo. Siguro ngayon nasasaktan ka pero darating ang araw na maiintindihan mo din ako." binigyan niya ito ng masuyong ngiti. "Kahit na hindi tayo, itinuturing pa din naman kitang kaibigan. And we will always be friends. I promise."

Bumuntong-hininga ito. "Is it really what you want? Ayaw mo na talaga?" halos pabulong na tanong nito, deretso din ang tingin sa mga mata niya.

Malungkot siyang ngumiti. "I'm sorry, Ross." Siya naman ang napayuko. Totoong espesyal para sa kanya si Ross, hindi na nga lang katulad ng dati ang nararamdaman niya para sa binata. Sa tingin niya ay mas magiging mabuti silang magkaibigan.

Ito naman ang nag-angat ng mukha niya at nakita niya na nakangiti na ito, hindi nga lang umabot sa mga mata ng binata. "It's okay. I'll be okay, don't worry. Okay na akong maging magkaibigan tayo kaysa naman tuluyan kang mawala. Hindi naman napipilit ang puso eh." Ginulo nito ang buhok niya at kinurot ang kanyang pisngi. "I just hope that someday, you will meet the man you're destined to be with. The man who can make you fall in love with him always. Iyong magiging 'The One' mo."

She chuckled then shrugged. "I hope so, too. Pero sa ngayon, ayoko na muna. Huwag na lang muna siyang dumating para makapag-focus ako sa mga dapat kong gawin." Isinandal niya ang ulo sa balikat ng binata 'tsaka bumuntong hininga. "I want them to be proud of me."

"They are proud of you, Eena. Hindi mo lang siguro alam o hindi nila ipinapakita sa'yo pero sigurado akong proud sila sa'yo. Don't be too hard on them and to yourself." Ipinatong nito ang ulo sa ulo niya. "At huwag mong pakikinggan ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa'yo. Ang mahalaga, iyong mga taong tanggap ka kung sino at ano ka. Nakaka-proud nga na sa lahat ng naging boyfriends mo, ako ang pinaka-tumagal. Achievement na iyon para sa'yo." tonong-nagbibirong anito.

"Sinabi mo pa. At thankful ako na sa isang mabuting tao na kagaya mo ako napunta."

"I will always be here for you, Eena. No matter what. I won't tarnish the trust you gave me even though we are not together anymore." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon.

"Thank you, Ross. Thank you for everything." sinserong pasasalamat niya.

Lord, please make him happy. Ibigay mo sa kanya ang babaeng makakapagpasaya sa kanya ng lubos. Iyon lang po ang hinihiling ko.


RAMDAM na ramdam ni Chase ang pawis na tumatagaktak sa buong katawan niya pero wala siyang pakialam. Sige pa din siya sa pag-indak habang tuloy-tuloy sa paggalaw ang mga kamay niya sa turbulence at CDJ na siyang ginagamit niya sa pag-mix ng mga recorded songs. Nasa Blue Lagoon siya nang mga sandaling iyon, ang bar kung saan siya rumaraket tatlong beses sa isang linggo.

Hindi naman kalakihan ang ibinabayad kay Chase sa bar na iyon pero ayos lang sa kanya. Ang mahalaga ay nage-enjoy ang mga costumers na nagpupunta doon tuwing pumupuwesto na siya sa stage kung saan nakalagay ang mga DJ Equipments niya.

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon