SUNOD-SUNOD ang paghingang ginagawa ni Eena kasama ang mga kaibigan habang hinihintay na tawagin sila para sa kanilang performance. Ngayon na ang araw ng finals.
Noong nakaraang araw, dumating sa Singapore ang lahat ng lumang miyembro ng Tinkerbell. Sina Holder, Sam at Mavy ay nandoon din kasama ang mga batang estudyante nina Jazza at Tyler. Sina James, Nicolette at ang lolo ni James ay present din sa finals. Maging si Ross kasama ang kasintahan nito ay dumating din para suportahan siya. Nakapag-usap na nga ito at si Chase.
Dumating din ang lolo't lola niya kasama ang mga magulang niya na ikinagulat niya. Pormal man ang pakikitungo ng mga ito sa kanya, ayos lang. At least, nandoon ang mga ito para mapanood siyang sumayaw. Sapat na iyon sa kanya.
"Nervous?" napahinga ng malalim si Eena nang maramdaman ang pagyakap ni Chase sa kanya mula sa likuran. Agad namang kumalma ang buong sistema niya.
"Okay na ako." sagot naman niya.
"Good. 'Wag kang masyadong kabahan, okay? Nag-practice na tayo. Maipapanalo natin 'to." bulong nito sa tapat ng tainga niya.
Sa halip na sumagot ay tumango na lang siya. Bumalik na ang kumpiyansa niya sa sarili.
"Nasabi ko na ba sa'yo ngayong araw na mahal kita?" mayamaya ay tanong nito.
"Yes, almost twenty times na." natatawang sagot naman niya.
"Then, I will say it again. I love you, baby fairy."
"I love you, too." Humarap siya dito at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi. "Galingan mo ha? Bibigyan kita ng madaming kiss kapag nanalo tayo." pilyang aniya sabay kindat.
Ngumisi naman ang binata at nagtaas ng isang kilay. "'Wag mo akong hinahamon, Maria Noreena Sharmaine. Hindi ko aatrasan iyan." puno ng determinasyong ani naman nito.
"And our last performer for tonight is from the Philippines. Give a round of applause for The Hendrix International Dance Troupe!"
Puno ng determinasyong naglakad silang lahat papunta sa kanya-kanyang puwesto. This will be their last dance before they graduate. And they will give it their all!
TUMAPAT ang spot light sa siyam na babae na nasa gitna ng stage nang tumugtog ang intro ng Sexy, Free and Single ng Korean group na Super Junior. Nakatungtong ang isang paa ng mga ito sa upuan habang may fierce look na ibinibigay sa mga nanonood.
Pagkatapos ay napalitan ang tugtog ng violin version ng Flashlight na siyang tinutugtog ng nobyo ni Charm na si Henry. Nasa isang gilid ito ng stage, may nakatapat ng spot light dito habang sumasayaw ang siyam na kababaihan sa likod ng isang sexy dance.
Mayamaya ay nag-iba ang beat ng tugtog at biglang bumukas ng ilaw sa pinaka-likod kung saan nandoon ang DJ na si Chase. Inumpisahan nitong tugtugin ang mix ng Trumpets at Roses hanggang sa mapalitan na naman iyon ng Sexy, Free and Single.
Isang freestyle dance routine ang ginagawa ng mga miyembro ng HID habang abala si Chase sa pag-mix ng kanta. Narinig niya ang pagsinghap ng mga tao nang bigla siyang tumuntong sa pinaglalagyan ng turbulence at DJ mixers pagkatapos hubarin ang headphones. Pagkatapos niyon ay nag-tumbling siya pababa ng stage. Hindi naman ganoon kataas ang kinaroroonan niya kaya masasabing safe ang ginawa niya.
Nakisali na siya sa freelance dance routine hanggang sa mapalitan na naman ang tugtog ng Love me like you do violin version. Naiwan sa stage sina Eena, Chase, Red, CC, Moose, Sangmi, Jazza at Tyler. Isang intimate interpretative dance routine ang ginawa ng mga ito. There are full of touches and almost lip locking throughout the routine at ang huling tugtog ay ang Trumpets na hinaluan ni Henry ng violin.
Fierce look plus incredible dance steps and an even incredible ending. Nagkanya-kanya ng pose ang mga miyembro nang magdilim ang buong stage.
Hinihingal silang lahat ngunit kakikitaan ng satisfaction ang mukha ng bawat isa. Halos magkakasabay na silang nagpunta sa gilid ng stage habang hindi maalis ang malapad na ngiti sa mga labi nila.
"Standing ovation for our last participant. Breathtaking, right guys!" anang emcee habang hindi pa din magkamayaw sa pagpalakpak ang mga audience.
"Good job, guys! I'm so proud of you. Ang galing n'yo." nagtatatalon na bati ni Miss Aurora sa kanila. Nagyakap silang lahat.
"We did it, guys! Kahit ano ang maging resulta, okay lang. At least, we give our best!" ani Red. "At proud ako na nakasama ko kayo sa performance na 'to."
"Wuuu~ Ang drama ni President!" panga-asar ni Tyler kay Red na ikinatawa nilang lahat. Pero deep inside, sumasang-ayon sila sa sinabi ng kanilang presidente. Na kahit na anong maging resulta ng laban na iyon ay tatanggapin nila. Because they tried their best in that dance.
Mayamaya ay tinawag na sa stage ang lahat ng kalahok para sa announcement of winners. "Our second runner up is, Hawk Glide."
Nagpalakpakan ang mga tao habang ibinibigay sa grupo ang award ng mga ito. Naramdaman ni Chase ang paghawak sa kamay niya kaya nilingon niya ang katabi na si Eena. Punong-puno ng paga-alala ang magandang mukha nito. Kahit na basang-basa ng pawis ay napaka-ganda pa din nito sa paningin niya.
Pinisil niya ang kamay nito dahilan para bumaling ito sa kanya. "It's okay, baby. Tayo iyan, tiwala lang." siguradong aniya sa nobya kahit ang totoo ay kinakabahan na din siya.
Ngumiti naman ito at gumanti ng pisil sa kamay niya.
"And now for the first runner up..." nagkaroon ng drum roll at napapikit na lang si Chase habang hinihintay ang sunod na sasabihin ng emcee. "Congratulations, Vulture League! You guys are our first runner up."
Nahigit ni Chase ang hininga bago iminulat ang mga mata. Nagkatinginan pa silang magkakaibigan bago halos sabay-sabay na nanlaki ang mga mata at mayamaya ay naghiyawan na sila. Nagkanya-kanya na sila ng yakap sa isa't-isa hanggang sa si Eena na ang niyakap niya. At dahil hindi niya napigilan ang sarili, hinalikan niya ito ng mariin sa labi.
Lalong nagwala ang mga taong nanonood. Siguradong hindi lang siya ang gumawa niyon kundi maging ang iba pang kaibigan. People can't blame them, they're in love. And they are happy because they won the title!
"HID! HID! HID!" sigaw ng audience habang ibinibigay sa kanila ang kanilang medal at ang cash prize na napanalunan nila. Hinila pa ni Red si Miss Aurora papunta sa stage at binigyan nila ito ng group hug. Their moderator deserves it because it is she who guides them and believes in them from the start. Hindi sila nito sinukuan kahit na mga baliw at sira ulo sila.
Sa bawat problema nila ay nandoon si Miss Aurora kaya kung ano man ang nakamit nila, kasama nila doon ang kanilang anghel. At pati na din ang kanilang lucky charm na si Tinkie.
At the end of the day, HID iscrowned as the best Dance Troupe in the world.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)
RomanceLife is so wonderful especially when you spend it with the people who truly loves you. SI EENA ang huling babaeng magugustuhan ni Chase. Iyon ang pinaniniwalaan niya at itinatak sa isip. Dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya kapag ito ang pini...