"ARE WE back on track, guys? Kailangan na nating ma-polish lahat 'to this week dahil puro practice na ang gagawin natin sa natitirang dalawang linggo. Wala tayong puwedeng sayanging oras."
"Yes!" sabay-sabay na sagot ng buong HID sa tanong ni Red. Nasa harap nila ito katabi sina Miss Aurora at Sangmi. Nag-meeting sila pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon para sa nalalapit na finals ng Sketchers International.
Tapos na ang paghihirap nila sa kanilang academics. Tapos na ang final exams nila maging ang ibang requirements nila. Kay Eena, dalawang requirements na lang ang kailangan niyang ipasa at clear na siya sa lahat. Sigurado na ang pag-akyat niya sa entablado dalawang buwan mula sa araw na iyon.
Pagkatapos ng meeting ay nagkanya-kanya na ng pagpupulong ang Beat Movers at ang Tinkerbell.
"Feeling ko, matutunaw na si Eena kapag hindi pa inalis ni Chase ang mga mata niya dito sa kaibigan natin." mayamaya ay ani Ace.
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay agad na bumilis ang tibok ng puso niya habang ang mga kaibigan ay nilingon ang binata at sinaway. "Hoy, Chase. Tantanan mo muna si Eena. May oras pa para sa inyong dalawa. Tapusin mo muna iyang meeting n'yo." sikmat ni Rei dito.
"Oo nga naman, Chase. Para kang tanga sa ginagawa mo. Ang creepy sa pakiramdam." segunda naman ni Charm at nagkunwaring nangangaligkig.
Nagkatawanan ang lahat bago narinig ni Eena ang pagsaway ng mga lalaki kay Chase. Hindi niya magawang tumingin sa binata dahil paniguradong lalo lang lalala ang pang-aasar sa kanila.
"Wala lang kasi akong gunting na dala dito kundi, gugupitin ko talaga 'tong buhok ng kaibigan natin." ani CC. Iwinasiwas pa nito ang buhok sa harap nila.
"Mukhang wala na talagang single sa grupo natin. Nakakatuwa lang dahil kalahati sa'tin, dito din nakahanap ng boyfriend sa loob ng HID."
"Ang napaka-unexpected ay itong love story nina Eena at Chase pati itong sina Jazza at Tyler. Sino bang mag-aakala na magkakatuluyan pala iyang mga iyan? Eh palaging inaaway ni Jazza si Tyler. Samantalang halos hindi naman nagpapansinan sina Eena at Chase."
"That's the mystery of love. Pinaglalapit ang dalawang taong nakalaan para sa isa't-isa kahit na magkalayo sila o magkaaway o kung ano pa. Masyadong wicked ang love eh, mahilig maglaro ng damdamin ng mga tao."
"Nosebleed! Grabe, saan mo nabasa iyan, Iane? Ang lalim!" sigaw ni Tyler. Nang bumaling si Eena sa grupo ng mga lalaki, nakita niyang nasa kanila na ang atensiyon ng mga ito.
"Based on experience iyan, tanga. Parang hindi ka nagmamahal, sigurado naman akong na-experience mo na din ang kung ano man ang sinabi ko." nakaismid na sagot naman ni Iane na ikinatawa ng lahat. Nang mga sumunod na sandali ay tungkol sa pag-ibig na ang pinagu-usapan nila.
At nakalimutan na po ang tungkol sa final dance. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Naiiling at napapapalatak na ani ng isang bahagi ng isip niya.
"WHERE do you want to go tomorrow? Gusto mong kumain o maglaro o magpunta sa amusement park? O manood na lang tayo ng sine?"
Tinaasan ng kilay ni Eena si Chase. Kasalukuyan silang naglalakad sa loob ng village kung saan siya nakatira. Sinundo siya nito nang umagang iyon kaya wala siyang dalang sasakyan. Ikinagulat pa nga niya nang sabihin ng kawaksi na may naghihintay sa kanya. Mabuti na lang at wala na ang mga magulang niya dahil baka makita ng mga ito si Chase, kung ano-ano na naman ang maibato ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)
RomanceLife is so wonderful especially when you spend it with the people who truly loves you. SI EENA ang huling babaeng magugustuhan ni Chase. Iyon ang pinaniniwalaan niya at itinatak sa isip. Dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya kapag ito ang pini...