Chapter Three

562 17 2
                                    

SA ELRAND mall dinala ni Chase si Eena. Tinanong niya ito kung saan nito gustong kumain pero nagkibit-balikat lang ito kaya siya na ang nag-desisyon para sa kanilang dalawa. Hindi naman siguro ito magre-reklamo kahit saan niyang kainan dalhin.

Sa BonChon niya napili dahil nitong mga nakaraang araw, tila siya babaeng buntis na laging hinahanap ang lasa ng pagkain sa naturang restaurant. Hindi na nga siya magugulat kung sakaling tubuan siya ng pakpak dahil araw-araw na lang ay manok ng BonChon ang kinakain niya.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya kay Eena nang makaupo na sila. Simple lang ang suot nitong damit, lukot pa ang T-shirt nito at magulo pa ang pagkaka-pusod ng buhok pero ang elegante pa din nitong tingnan. Tila may prinsesa siyang kasama nang mga sandaling iyon.

"Bingsu, iyong chocolate. Tapos, two piece na Chicken in a rice bowl. Honey citrus ang flavor ha? Masusunog kasi ako kapag nagbawang ako. Paki-upsize iyong drink ha? Iced tea. Thank you." pagbibigay nito ng order sa kanya. Binuksan nito ang bag at kinuha ang wallet nito.

"No, it's my treat." pigil niya dito nang abutan siya nito ng tatlong-daang piso.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Seriously?"

Tumango naman siya. "Seriously. Wait for me, okay?" ibinaba niya ang bag sa bakanteng upuan sa tapat nito pagkatapos ay naglakad na papunta sa counter. Bakit nga ba niya niyayang kumain ng dinner si Eena? At bakit din ito sumama sa kanya?

Aba, ngayon ka pa nag-isip? Kung kailan magkasama na kayo? nangu-uyam na tanong ng isang bahagi ng isip niya. Pagkatapos kasi na pagalitan sila ni Red ay bigla niyang naisip na kilalanin ang dalaga. Sa apat na taong magkasama sila ay hindi siya gumawa ng paraan para kilalanin ang dalaga. Ang alam lang niya dito ay ang birthday nito. Noong unang taon kasi nila sa kolehiyo ay close pa silang dalawa. Well, sa una lang pala dahil nang mapansin niya ang pakikipag-relasyon nito sa iba't-ibang lalaki ay nilayuan na niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero ginawa lang niya. Pero kahit ganoon ay civil naman sila sa isa't-isa sa mga taong pinagsamahan nila.

Para kasi sa kanya, nakaka-turn off ang mga babaeng kung magpalit ng lalaki ay akala mo nagpapalit lang ng damit. Iyong akala mo ay mauubusan ng lalaki. Isang buwan na din nang mag-break ito at ang boyfriend nitong si Ross na mahigit isang taon din nitong nakarelasyon, himala nang maituturing na wala itong panibagong keychain. Hindi naman sa may pakialam siya kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay... na-curious lang siya kahit paano.

Isa pa, huling semester na naman nila sa unibersidad na iyon. Hindi masama kung kahit paano ay maging malapit muli sila ni Eena sa isa't-isa. Para sa HID at para na din sa ikatatahimik ng isip niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi niyang iniisip kung ano ang ginagawa ng dalaga. Kung pumupunta pa ba ito sa mga bar, kung may nambabastos ba dito, kung ayos lang ba ito. Hindi din niya alam kung bakit at ayaw niyang alamin. Ang protective instinct lang marahil niya ang nagpaparamdam.

Nang matapos sa pag-order ay binalikan na niya ang dalaga. Nakapikit ito habang nakahalukipkip na nakasandal sa upuan. Kunot ang noo nito na tila may malalim na iniisip. Tahimik na umupo siya sa tapat nito at pinagmasdan si Eena.

Eena is beautiful. No, that's an understatement. She's stunning, gorgeous, perfect. Well, hindi niya ito gusto pero hindi naman siya bulag para hindi makita ang pisikal na anyo nito. He's still a man after all. Tanga na lang siguro ang hindi makakakita sa kagandahang taglay ng dalaga. Kaya nga marami ang nagkakagusto dito.

Mayamaya ay dumating na ang order nila, 'tsaka lang ito dumilat at deretsong tumingin sa kanya. "Kanina ka pa diyan?" nagtatakang tanong nito.

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon