Chapter Six

501 14 2
                                    

MALAPAD ang ngiting bumangon si Chase at kinuha ang toiletries niya. Dumeretso siya sa banyo at agad na naligo. Mabuti na lang at may heater ang shower nila kaya okay lang kung maligo siya nang hindi sumisigaw dahil sa lamig ng tubig.

There's no reason not to have a happy disposition ni life at that moment. Pakiramdam niya ay walang makakasira ng mga araw niya. Basta masaya siya.

Ang dahilan? Ang babaeng noon ay hindi niya gusto. Ang babaeng hindi niya namalayang nakapasok na pala sa puso niya. Ang babaeng nagbibigay ng excitement sa buhay niya.

Hindi si Chase ang tipo ng tao na naniniwala sa commitment o sa kahit na anong may kinalaman sa pag-ibig pero mula nang maging malapit sila ni Eena, parang nilipad lahat ng paniniwala niyang iyon. Hindi din niya alam kung kailan niya ito naumpisahang gustuhin basta ang alam lang niya, masaya siyang kasama si Eena. Masaya siyang nakikilala ang dalaga na hindi man lang niya pinag-aksayahan ng panahon noon. Masaya siyang iparamdam dito kung ano ang nararamdaman niya.

Action speaks louder than words. At hindi naman na bago ang dalaga sa pakikipag-relasyon kaya sigurado siyang mararamdaman din nito kung ano ang gusto niyang ipahatid. Sana lang ay pareho sila ng nararamdaman.

Mas masaya iyon! Natatawang aniya sa isip.


PINAYPAYAN ni Eena ang sarili habang kinakalma ang sarili. Ilang sandali na lang at sasalang na sila sa stage. Iyon ang araw ng semi-finals at lahat sila ay kinakabahan. Hindi naman kasi basta-basta ang mga grupong natira kasama nila sa kompetisyon. Isang pagkakamali lang nila, malamang umuwi silang luhaan sa Pilipinas.

Napapitlag si Eena nang maramdaman ang paghawak sa kamay niya. At ang kaba niya kani-kanina lang ay parang bulang naglaho nang balingan ang humawak sa kamay niya.

"Relax lang, baby fairy. We can do it. Nag-practice tayo ng mabuti para dito, hindi ba?" masuyo ang tinig na pagpapakalma sa kanya ni Chase.

Huminga siya ng malalim bago tumango. May special stunt kasi silang gagawin kasama sina Jazza, Tyler, CC at Red. Oo, si Tyler nga. Dumating ito katulad ng inaasahan ni Jazza. Mabuti na lang at nandiyan ang kaibigan niya para patuloy na magtiwala sa lalaking mahal nito. Na hindi sila nito iiwan sa ere. Na hindi nito kailangang magpalit ng kapareha sa gagawin nila.

"Sino ba naman kasi ang nakaisip ng stunt na 'to para sa semi-finals. Masyadong buwis-buhay." bubulong-bulong na reklamo niya na narinig naman ng mga kaibigan niya.

"Just trust Chase. Maitatawid natin 'to, Eena. 'Wag kang masyadong kabahan." pagpapalakas ni CC sa loob niya.

"Oo nga naman, Eena. Tiwala ang pinaka-malaking bagay na puwede mong ibigay para magawa natin ng maayos 'to. Para maipanalo natin 'to." segunda naman ni Jazza.

"Don't you trust me?" tanong ni Chase. Nang tingnan niya ito ay deretso itong nakatingin sa mga mata niya.

Natigilan si Eena. She knows, deep inside her heart that she trusts Chase with all her heart. Hindi siya bibiguin nito. Hindi ito papayag na sila ang maging dahilan ng pagkatalo ng HID at ganoon din naman siya.

Pero sa halip na sagutin ang binata ay tumango lang siya, sinalubong ang tingin nito.

"Good. Wala naman pala tayong dapat na ipag-alala eh. We can do this, guys!" ani Red.

Mayamaya ay nagsimula nang tumugtog ang violin version ni Henry ng Love Me Like You Do. Nag-umpisa na silang tumaas sa ere habang ang magkasintahang Sean at Iane ay nagsimula nang kumanta.

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon