Epilogue

867 31 3
                                    

Ten years later

HOY CHASE, pakidalian naman! Kapag tayo, na-late sinasabi ko sa'yo!"

Nakarinig ng patakbong mga yabag si Eena at napailing-iling na lang siya. Kapag nakatikim talaga sila ng panga-asar sa mga kaibigan nila, humanda sa kanya ang lalaking iyon. Iihawin niya ito ng buhay.

"Mommy, why is daddy so tagal ba? I'm excited to see my friends na, siguradong hinihintay na nila ako." ani ng limang taong gulang na babae na nakaupo sa tabi niya. Naka-dekwatro pa ito at maya't maya ang sulyap sa relo nito.

Ipinaikot nito ang mga mata. "Itanong mo sa tatay mo kung bakit ang tagal niya, 'wag ako. Okay? 'Wag n'yo nga akong masyadong iniinis, pagbuhulin ko kayong mag-ama." naiinis na sagot niya sa bata at nakahalukipkip na muling bumaling sa hagdan.

And there, running is her husband. "Sorry, hinanap ko pa kasi iyong file para sa performance mamaya. Hindi ko kasi makita kung saan ko na-save." nagmamadali itong lumapit sa kanila at hinalikan siya sa tuktok ng ulo bago binalingan ang batang katabi niya. "Let's go, Alodia, bago pa lalong mag-tantrums si Mommy." yaya nito sa bata.

Tumayo naman ang bata at agad na lumapit kay Chase. Naiiling na lang si Eena nang tumayo at nagpatiuna nang maglakad palabas ng bahay. It has been ten years since they graduated. Since they won the Sketchers International Dance Competition. Since she and Chase confess their true feelings for each other. Since she became truly happy.

Ten blissful years. Nagkawatak-watak man ang Tinkerbell at ang Beat Movers pagkatapos nilang maka-graduate, wala namang nagkasamaan ng loob o kung ano man dahil desisyon nilang lahat iyon. Naging open silang lahat sa isa't-isa nang pag-usapan nila ang pagkakawatak-watak na iyon. Kahit naman nangyari iyon sa kanila ay walang nakalimot. Updated pa din sila sa buhay ng bawat isa. Sa katunayan, sila-sila lang din ang ninong at ninang mga anak nila. In short, they are all happy now with their other half.

Nang makasakay sa sasakyan ay agad niyang tinago sa compartment ang air freshener na nakatapat sa aircon pagkatapos ay binuksan niya ang bintana. "Ang baho-baho ng air freshener mo, tanggalin na lang natin. Hindi ako makahinga." aniya sa kasasakay lang na si Chase. Prente nang nakaupo sa back seat si Alodia.

Umiiling-iling na tumatawa ang asawa niya. "Naku naman talaga ang baby fairy ko, masyadong mainisin. Sige ka, magiging katulad ni Alodia iyang baby natin. Gusto mo ba iyon?" pananakot nito bago hinaplos ang bilog niyang tiyan.

She's seven months pregnant with their second child. Hiling nilang sana ay lalaki naman ang baby nila, iyon kasi ang gusto ni Chase. Not that he doesn't love Alodia, gusto lang nito ng junior. Ng susunod sa yapak nito.

"Why, daddy? Am I ugly? Bakit ayaw mong maging katulad ko si baby?" nakataas ang isang kilay na tanong ng bata. Nakahalukipkip ito habang masama ang tingin sa tatay nito.

"Kasi po, palagi kang naka-ganito." nag-make face ito ng nakasimangot, nakakunot-noo at kung ano-ano pang kalokohang emoticons ang ginaya nito. Hindi napigilan ni Eena ang matawa dahil sa kalokohan ng lalaki.

Lalong nalukot ang mukha ng bata kaya inawat na niya ang asawa. Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka na nga sa panga-asar sa anak mo at magmadali na tayo. Hindi natin mapapanood iyong performance ng D-Zone kapag nagbagal-bagal ka pa."

Ang D-Zone ay ang pinaka-bagong grupo ng HID. Si Tyler ang moderator ng organisasyon at ang lalaki din at ang asawa nitong si Jazza ang madalas na nagco-choreograph sa mga bata.

"Okay, okay. Ito na nga po, magmamadali na po." sagot naman nito ngunit bago nito paandarin ang sasakyan ay dumukwang muna ito at isang mabilis pero mariing halik sa labi ang iginawad nito sa kanya. "Have I told you I love you, today?"

"Yeah, ten times already. Now, drive." Kunwari ay masungit na sagot niya bago humarap sa may bintana pero sa loob-loob ay umaapaw na ang kilig na nararamdaman niya. Posible pala iyon. Sampung taon na silang magkasama ni Chase, anim na taon na silang mag-asawa pero kinikilig pa din siya. Parang nasa stage pa din sila ng pagliligawan. But who the hell cares, right? They love each other and it's not bad to express it.

Muli siyang napatingin kay Chase nang maramdaman niyang pinagsalikop nito ang mga kamay nila. "I love you always, baby fairy." masuyong sabi nito, deretso ang tingin sa mga mata niya.

"I love you too, hon." sagot niya, may malapad na ngiti sa labi. Pinisil niya ang kamay nito bago ibinaling ang tingin sa harapan.

"Ewww, so gross. Hindi po ba kayo nagsasawa na maging sweet sa harap ko? It's annoying, you know? Cut it out!" naiinis na sabat ni Alodia.

Sabay pa silang tumawa ng malakas ni Chase. Life is so wonderful especially when you spend it with the people who truly loves you. Para sa kanya, wala na siyang hihilingin pa. Perpekto na ang buhay niya at gagawin niya ang lahat para manatiling masaya ang pamilya niya... hanggang sa pagtanda nilang mag-asawa.

"WE'RE COMPLETE! Oh, my God, let's take a picture!"

Nagkanya-kanyang bigay ng cellphone ang former HID members sa mga miyembro ng D-Zone at sa mga dati nang miyembro ng Tinkerbell pagkatapos ay nag-pose sila sa tabi ni Tinkie. Katatapos lang ng anniversary celebration ng HIU kung saan nag-perform ang grupo at sa greenhouse kaagad sila dumeretso lahat para mag-celebrate.

Katulad ni Eena, buntis din sina Iane, Jazza at Nerii. Lahat silang magkakaibigan ay may kanya-kanya nang masayang pamilya. Sangmi, Rei, Iane and Ace have three kids already. She, Jazza and Nerii have two while Charm and CC has one. Their lives are complete and their friendship is stronger than ever.

"Nakakainis, hindi tayo nakapag-perform. Buti pa ang Beat movers nakapagsayaw sa anniversary." paghihimutok ni Iane at inisang-lagok ang wine nito.

"Ano namang gusto mo? Sumayaw tayo habang nagsisilakihan iyang mga tiyan n'yo? Wala talagang patawad 'tong si Diane kahit kailan." sagot naman ni Ace sa pinsan nito na tinawanan lang nilang lahat.

"Come on, guys! Let's cheer for D-Zone's performance and to more years of friendship for us and for our children. At sa masayang buhay may-asawa n'yong lahat! We are so proud of you, movers and fairies." wika ni Miss Aurora.

Halos sabay-sabay silang pumaikot sa mahabang mesa at itinaas ang mga basong hawak.

"Here's for more years of friendship! Tinkerbell, Beat Movers, D-zone and HID forever!"

"Cheers!"

-WAKAS-

🎉 Tapos mo nang basahin ang Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete) 🎉
Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon