Chapter Four

496 14 1
                                    

"MAGIGING busy tayo sa mga susunod na araw. Goodness, naiisip ko pa lang na matutuyot ang utak ko sa paga-aral para sa midterms, parang gusto ko na lang magpatiwakal."

Naiiling na natatawa si Chase sa sentimyento ni Eena. Kasalukuyan silang nasa labas ng cabin at nagpapalipas ng oras. Dalawang oras pa bago ang susunod nilang klase. Naisip niyang ayusin ang mix na gagamitin nila para sa semi-finals. At dahil pareho sila ng schedule ni Eena, ito na naman ang kasama niya. Okay lang, hindi naman ako nagre-reklamo.

Pagkatapos nilang makasali sa semi-finals ng Sketchers International Dance Competition ay inilibre sila ng lolo't lola at ang Tita Belle ni Eena sa isang mamahaling restaurant. Kasama nila ang mga kaibigan at mama ni Moose na nanood para sumuporta dito. Maging si Vlad na dati nilang mortal na kaaway ay kasama din nilang kumain. Magkakasama din silang naglibot sa New York bago umuwi ng Pilipinas. Nang makauwi, binigyan lang sila ni Miss Aurora ng isang buong araw na pahinga bago muling sumabak sa practice, meeting at sa pagpasok sa paaralan. Wala naman sa kanila iyon, malugod pa nga nilang tinanggap ang mga kailangan nilang gawin.

Nitong mga nakaraang linggo ay palagi ding nakakasama ni Chase si Eena. At habang nakakasama niya ito ay nagu-umpisa nang gumaan ang pakiramdam niya dito. Kahit kaunti ay nakikilala na niya ito. Matalino naman si Eena. Sa katunayan ay hindi ito naaalis sa listahan ng mga Dean's Lister mula nang unang taon nila sa kolehiyo. Kahit na napaka-carefree at happy-go-lucky nito ay hindi naman nito kailanman pinababayaan ang pag-aaral nito.

Sa durasyon na kasama niya ang dalaga ay nakabisado na niya ang ilan sa mga ugali nito. Malakas talaga itong kumain at hindi ito nahihiyang 'lumamon' kahit saan ito kumain. Madalas ay kinakausap nito si Tinkie lalo na kung nafu-frustrate o nas-stress ito sa kahit na anong bagay. Ang mannerisms nito ay ang paghipan sa bangs nitong tumatabing sa kaliwang mata nito kapag pagod, pagkamot sa ilong nito kapag naiinis at ang pagkagat nito sa ibabang labi kapag nagtitimpi ito ng galit o inis.

Sa katunayan ay nasanay na nga si Chase na kasama ang dalaga. Wala na itong ipinakikilalang bagong manliligaw o nobyo sa kanila. Palagi na lang itong nakatambay sa greenhouse o di kaya ay umuuwi ng maaga. Paano niya nalalaman? Sinusundan niya ito ng palihim.

Aba'y, bakit? Stalker lang ang peg, bes? anang isang parte ng isip niya.

No. Hindi ako stalker. Self-proclaim protector ako. sagot naman niya. Hindi din niya alam kung paano siyang napunta sa ganoong desisyon. Kung bakit niya naisip gawin iyon, hindi niya alam. Isa iyon sa napag-isip isip niya pagkatapos nitong ma-involve sa gulo sa bar na pinagta-trabahuhan niya. Parang nagkaroon siya ng silent oath na po-protektahan ang dalaga sa mga lalaking gustong mang-abuso o mambastos dito.

Ah... Knight in shining armor pala.

"Gusto ko nang maka-graduate. Gusto ko nang mag-trabaho. Gusto ko nang mag-asawa. Gusto ko nang magka-baby. Gusto ko nang tumanda!"

Salubong ang mga kilay na binalingan niya si Eena na nakaharap pa din kay Tinkie. Tuluyan na niyang inalis sa tainga ang headphone niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang inis na bigla niyang naramdaman nang marinig ang huling tatlong pangungusap na binanggit nito. Asawa? Anak? Agad? Hindi pa nga ito nakaka-graduate, iyon na agad ang iniisip nito?

"Ano ba iyang sinasabi mo at ang ingay mo? Busy ako eh." sikmat niya sa dalaga.

Bumaling naman ito sa kanya, masama ang tingin. "Pakialam mo ba? Hindi naman kita ginugulo kaya 'wag mo din akong pansinin." ganting-sikmat nito sa kanya.

Humalukipkip siya at sinalubong ang tingin nito. "May pakialam ako dahil ang ingay mo. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Kapag ito hindi ko natapos agad, ikaw ang sisisihin ko at malalagot ka kay Red at Miss Aurora. Naiintindihan mo?" pananakot niya. Isa pa iyon sa mga nalaman niyang ugali nito. Hindi ito nagpapatalo sa mga debate at palagi itong may sagot sa mga pananakot niya. Well... Sa kanya lang naman ito ganoon. And he finds it amusing. He liked their bickering even if it is pure nonsense.

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon