Kirsten's POV
"My Queen."
Tawag sa akin ng lalaki. Nakaupo kaming dalawa sa bench kaharap ang isang malawak na hardin.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya habang sinusubukan ko siyang kilalanin.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. But I can feel the familiarity inside me. Tila nagkita na kami. Kung saan o kailan, di ko alam.
"Wake me up, My Queen." wika nito imbes na sumagot sa tanong ko .
"Anong ibig mong sabihin? Gising ka naman. Kaya nga nakakausap mo ako." Napatawa ito.
"I am still lucky that my soul can travel, My Queen. I miss watching you from afar. I miss protecting you in the dark. Ilang beses ka na muntik mapahamak na wala akong magawa kundi ang manood at mag alala."
"Sir, can you please enlighten me?" Wika ko sa kanya. Hindi makuha utak ko ang mga sinasabi niya.
"You called me 'Sir' again" Napangiti siya. Naging malinaw na rin sa paningin ko ang mukha niya. Nanlaki naman ang aking mga mata sa napagtanto ko.He was the man outside the hospital!
"I'm glad you remembered kahit na inalis ko ang alaala mo." He smiled while saying that.
"P-paanong... Naguguluhan ako." He's not making any sense.
"I know. You saw me that night, and I manipulated your memory. I was not physically there because I am asleep, but my soul can wander around. I was cursed and you are my cure, my Queen." Paliwanag niya na mas nakapagpalito sakin ng sobra.
"Teka hindi ko maintindihan. Bakit ba tinatawag mo akong queen? Isa lang akong ordinaryong tao, and what cursed? " My forehead furrowed in confusion.
"You are far from being ordinary Kirsten."
"Bakit habang tumatagal ay mas naguguluhan ako sa mga sinasagot mo?"
"Dahil nahihirapan kang paniwalaan na posible ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible. When you wake up after this conversation, Kirsten, you have to forget what you know from the time that you lived inside that human world. My Queen, you have to listen to what your heart tells you. Don't trust any one until you wake me up."
"Paano ko gagawin yun?"
"Maaari ko ba munang lasapin ang sandali na magkasama tayo, aking Reyna?"
"Pero-"
"Ipaliliwanag ko sa oras na malapit ka nang gumising." Marahan na hinila niya ako patayo sa kinauupuan namin.
Naglakad-lakad kami papasok sa isang labyrinth.
"Nananaginip lang ba talaga ako?" Untag ko sa kanya habang hawak parin niya ang mga kamay ko. Namamangha at hindi makapaniwalang inililibot ko ang paningin ko sa paligid. This is impossible to be real!
Sa wakas ay narating namin ang pusod ng labyrinth. Malawak ito at maaliwalas.
"Ito ang pagitan ng dalawang dimensyon, Kirsten. Ang dimensyon na kinaroroonan ng mga gising ay sa panig na iyon"
Itinuro niya ang isang tulay na may arkong nababalutan ng mga bulaklaking sanga at baging.
"Kapag nais kong bisitahin ka habang gising ka, iyan ang daanang tinatahak ko." Tila unti-unti ay naiintindihan ko na. Noong panahon na nakita ko siya sa tapat ng ospital, binisita niya pala ako.
"Kapag nais ko naman na bisitahin ka sa iyong pag himbing ay doon ako sa pintuan na iyon dumadaan."
May itim na pintuan siyang itinuro sa akin. Malaki ito at napapalamutian ng bulaklak na hindi pamilyar sa akin. Pero maganda parin ito sa aking paningin.
"Dito ako madalas mamalagi sa loob ng ilang taon ng paghihintay ko sayo."
"Matagal ka nang nakakulong dito?"
Umiling siya bilang tugon.
"Before I explain that, I need to tell you something very important." I gave him a look that tells him to continue.
"Sa mundong kinamulatan mo, ikaw si Kirsten Rei Lopez, but in our world, you are Amethyst, the only daughter of a powerful witch and a strong vampire."
"T-teka, anong witch, anong vampire? Nakadrugs ka ba? Tao ako. I even work in a hospital and exposed everyday with blood. How is it possible?
"It happened few years ago. When she discovered that I was hiding you."
"Who?"
"The witch who killed your mother."
Napatingin ako sa kanya ng marahas. Wala akong maalala sa kung paano nawala ang aking ina. Sumasakit lamang ang ulo ko kada iniisip ko. Ngunit ang madalas na pagbisita sa akin ni Mama sa panaginip ang pumapawi sa pangungilila ko sa kanya.
"Who?" Ulit ko sa naunang tanong ko sa kanya.
"She's the same witch who cursed me using my own power."
Hinintay ko na lamang na magpaliwanag siya dahil tila habang nag tatanong ako ay mas naguguluhan ako.
"I witnessed how your mother concealed you when you were three. She asked me to look after you. She has the gift to foresee future and she saw us. Sabi niya ay ako ang nakatakdang pakasalan mo. Kaya ako lang ang maaari niyang pagkatiwalaan ng buhay mo. " Gusto ko na tawanan ang mga sinasabi niya. It's like a story inside a gothic book.
"Stop! Too much information to handle. My mother, the witch, the prophecy, and you as my future husband?! This does not make any sense. I am just a normal nurse living alone in an apartment with my best friend Alena. That's it. Not a vampire, nor a witch."
The man looked straight to my eyes.
"I know that it's hard to believe. Pero you have to start to believing what seems impossible. Dahil marami ka pang matutuklasan pagkagising mo."
Sandali siyang nanahimik. Marahil binibigyan niya ako ng panahon na intindihin ang lahat.
Am I just lucid dreaming? Hindi kaya subconsiously, nakagawa ako ng imaginary character sa katauhan ng lalaking ito?
A part of me want to wake up and think that this dream is just a product of my illusion. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising na ako at bumalik na sa normal ang lahat.
But there's a voice inside me saying that I should listen. Deep inside me, I want to discover myself. I had this constant feeling of emptiness before. Pakiramdam ko may mlaking parte sa pagkatao ko ang nawawala.
Now I am stuck with "Will I stop listening and pretend that everything is just a mere imagination? Or Will I continue to listen and discover the mystery behind ny real identity?
Matapos ng kaliwa't kanang agam agam at pag titimbang sa lahat, I decided to take everything.
I will enter the door that this guy opened for me towards my journey to know who Kirsten Rei Amethyst is.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako deteminadong humarap sa kanya.
"Continue speaking,"
![](https://img.wattpad.com/cover/109107163-288-k987516.jpg)
BINABASA MO ANG
After Eclipse (Moon Trilogy #1)
VampireBuong buhay niya ay mag isa lang si Kirsten. Sinisikap na maging normal kahit na pinagkaitan siya ng pamilya. Hanggang isang gabi, habang nag dudugo and bilog na bilog na buwan, tila nabaliktad ang bilog niyang mundo. She woke up and she's not a hu...