Chapter 4: Eclipse

10 1 1
                                    


Kirsten's POV

"Sten! Come on wake up!"

Mula sa kadiliman ay tila hinila ako ng tinig na tumawag sa akin. Kasabay nito ay ang tunog ng dumadagundong na pintig ng puso.

Nakakasilaw na liwanag ang nakamulatan ko. Masakit sa mata. Pakirdam ko ay mabubulag ako kung patuloy ko itong tititigan.

Samu't saring tunog ang naririnig ko. Parang galing pa ito sa malayong.

Marahas akong tumayo nang maalala ko ang dapat kong gawin.

"A-Alena, I-Iwan mo muna ako."

Nahihirapang sabi ko sa kanya. Pinigil ko ang aking paghinga dahil sa halimuyak ng kanyang balat. Amoy matamis ito at talagang nagpapalala ng uhaw na nararamdaman ko.

"Sigurado ka ba? Nilalagnat ka kanina! My god, sira yata ang thermometer ko. Forty-five degrees!"

"I'm fine! M-mainit lang so leave me alone."

"Sten, I know you're sad. Ayoko naman na iwan ka mag isa ngayong birthday mo. Don't shut me out."

Lalong nagtalo ang damdamin ko sa mga sinabi ni Alena. She's been a great friend eversince. Kaya mas lalong may dahilan ako na huwag siyang saktan.

I can feel my fangs growing longer again. The rise of my temperature made me more thirsty.

"Alena, please!"

Hindi ko hinayaang magtama ang mga mata namin. She will freak out pag nakita niya ang nakakatakot na kulay ng mata ko. I don't want her to get the same nightmare I had when I saw Aeser before in this state.

"Pero Kirsten-"

"I said out! Hindi kita kailangan!"
Nakita ko ang pag bagsak ng balokat ng dalaga. Sa repleksyon niya sa maliit na salamin sa gilid ko ay nakita ko rin ang namumuong luha sa mga mata niya.

"I- I am sorry. I just thought you needed your only friend right now. By the way, may kinuha siyang maliit na kahon sa isang tabi at inilagay iyon sa ibabaw ng aking kama.

"H-happy birthday, sis."

Iniwasan ko ang mga tingin niya. I don't want to see how sad I made her.

Agad na naglaho ang halimuyak ng kanyang dugo matapos niyang maisara ang pinto.

"I'm sorry. You're my only friend, my only family, kaya ko ginagawa ito. I don't want to hurt you."

Ipinatong ko sa vanity table ang box na may cake na ibibigay niya sa akin. Walang hirap na naiangat ko ang aking kama kaya nakuha ko laagad ang kahon na sinabi ni Aesir.

Sinimulan kong kilalanin ang amoy na naiwan niya sa cloak. Nang masinghot ko ang amoy niya tila may mga hibla ng tali sa ere ang biglang lumitaw. It was his scent. Sa sobrang lakas ng pang amoy ko ay tila nagkaroon ito ng representasyon sa aking paningin. Sinundan ng mata ko ang direksyon ng amoy ni Aeser.

I put on his cloak. Para hindi ko agad makalimutan, kung sakali man, ang halimuyak ni Aeser. Magsisilbing sangga ko din ito sa ibang amoy sa paligid na maaaring makapagpasidhi ng uhaw ko.

Mabilis ko lamang na nalinis ang aking silid. Lahat ng kalat at dumi nawala. Ni isa ay di ko napalampas.

Napadako ang tingin ko sa cake na ibinigay ni Alena.

I don't want to leave her clueless about everything. She's a family to me now. My only family.

Alena,
Pasensya na sa mga nasabi ko sa iyo. I want you to know that I always wanted you beside me when I am sad or when I am feeling down. Dahil sa tuwing nandyan ka, di ko ramdam na magisa ako sa buhay. You are the family that I never had.

After Eclipse (Moon Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon